KAHIT mapatunayang isang espiya o sangkot sa paniniktik laban sa Pilipinas si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ay hindi ito maparurusahan sa espionage. Ito ay dahil walang angkop na batas na umiiral sa pangkasalukuyan laban sa mga espiya, ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro sa isang chance interview kahapon nang magsilbing panauhing pandangal sa ginanap na Balangay Forum: Safeguarding Maritime Archipelagic Nation Awareness Month. Ayon kay Sec. Teodoro, kailangang amyendahan kaagad ng Kongreso ang batas hinggil sa paniniktik laban sa Pilipinas. Ito ay dahil ang espionage law ay epektibo…
Read MoreDay: September 30, 2024
PULONG NI DUTERTE SA PNPA CLASS 1996, 1997 KINUMPIRMA
PINULONG ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang ilang miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) Class 1996 at 1997 para pag-usapan ang Davao Template sa war on drugs, dalawang araw bago ito nanumpa bilang Pangulo ng Pilipinas noong 2016. Naestablisa ito matapos mapaamin ng Quad Committee si dating Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) general manager Royina Garma bagama’t patuloy naman itong itinatanggi ng kanyang upper class na si ret. Police Col. Edilberto Leonardo. Si Garma, ng PNPA Class 1997, ay umamin sa pagtatanong ni Abang Lingkod Party-list Rep. Joseph Stephen…
Read MoreUndergrads tutulungang magka-degree REP. NOGRALES ITINULAK PAGSASABATAS NG ETEEAP
UMAASA si Rizal 4th District Representative Fidel Nograles na mabilis na maisasabatas ang Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP). Kasabay nito, pinasalamatan ni Nograles ang mga kapwa mambabatas sa pag-apruba sa panukalang ETEEAP upang maiakyat ito sa tanggapan ng Pangulo at maisabatas. Paliwanag ni Nograles, sa pamamagitan ng panukalang ito ay matutulungan ang mga undergraduate professionals na makakuha ng bachelor’s degree sa pamamagitan ng alternatibong college-level education program. “Nagpapasalamat tayo sa ating mga counterpart sa Senado sa pagpasa ng panukalang batas na ito. Umaasa tayo na sa lalong…
Read More3 dam nagpakawala ng tubig NORTHERN LUZON PATULOY NA BINABAYO NI JULIAN
PATULOY na binabayo ng Typhoon Julian ang hilaga-kanlurang hilaga ng Luzon na pinangangambahang magdulot ng mga pagbaha nang magpakawala ng tubig ang tatlong dam para mabawasan ang epekto ng tuloy-tuloy na pag ulan. Nauna rito, sinabi ng PAGASA na ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No.4 ay nananatiling nakataas sa Batanes at hilagang bahagi ng Babuyan Islands habang mabagal ang naging pagkilos ng bagyong Julian nang dumaan malapit sa Sabtang Island, nitong ng Lunes. Nabatid na nagbukas ng kani-kanilang gate ang tatlong dam sa Luzon bilang paghahanda sa posibleng dami…
Read MoreGOV. HELEN TAN MULING IBINIDA HEALING AGENDA SA KANYANG 2ND STATE OF THE PROVINCE ADDRESS
“WE intend to do better. We resolve to do more good to our people. We hope and pray for the best. And the best is yet to come. SOAR HIGH QUEZON!” ayon pa sa kauna-unahang gobernadora ng lalawigan ng Quezon. Sa ikalawang Ulat sa Lalawigan kahapon, Setyembre 30 sa Quezon Convention Center, Lucena City, ibinahagi ni Tan ang mga naging pagbabago, progreso, at kaunlarang natamasa ng lalawigan sa nakalipas na mga buwan na naaayon sa HEALING Agenda, na may kahulugang Health, Education, Agriculture, Livelihood, Infrastructure, Nature/Environment & Tourism, at Good…
Read MoreMAG-ASAWA, ANAK SUGATAN SA BUNDOL
CAVITE – Sugatan ang isang mag-asawa at kanilang 6-anyos na anak na makaka-angkas sa isang motorsiklo nang mabangga ng isang Honda Civic na pumihit pakaliwa sa kalsada sa bayan ng Silang sa lalawigan noong Linggo ng umaga. Nilalapatan ng lunas sa Tagaytay Medical Center ang mag-asawang Jose Lucky Nieves Ostan, 37, at Leziel Ricafort Ostan, 33, at anak nilang 6-anyos na babae, pawang mga residente ng Brgy. Pasong Langka, Silang, Cavite. Pinaghahanap naman ang driver ng isang Honda Civic Sedan na may plakang UPP 409, na si Dexter Dellora. Ayon…
Read More80 pang pasahero sugatan 6 PATAY SA SALPUKAN NG BUS AT KOTSE SA ZIGZAG ROAD
LAGUNA – Kinumpirma ng Majayjay Police na anim katao ang patay sa nangyaring salpukan ng isang bus at kotse sa Majayjay – Lucban road sakop ng Barangay Bakia, sa bayan ng Majayjay pasado alas-3:00 ng hapon noong Linggo. Ayon kay PMAJ Jordan Aguilar, hepe ng Majayjay Police, apat ang dead on the spot habang dalawa ang idineklarang dead on arrival sa ospital sa Sta. Cruz, Laguna. Nasa 80 naman ang iba pang mga nasugatan sa insidente kabilang ang isang batang sakay ng kotse. Ayon sa imbestigasyon, ang mga namatay ay…
Read MoreGIMIKAN NG MGA POLITIKO
DPA ni BERNARD TAGUINOD MASASAKSIHAN na naman natin ang mga gimik na gagawin ng mga politiko lalo na ang mga senatorial candidate sa susunod na walong araw mula ngayon, October 1, para makakuha ng atensyon at libreng media mileage. Ilang beses na rin akong nag-cover sa paghahain ng mga politiko kanilang certificate of candidacy (COC) lalo na ‘yung national candidates o ‘yung mga tumatakbo sa Senatorial, Presidential at Vice Presidential election at malapista talaga ang paligid. Hindi kasama ang presidential at vice presidential election ngayong 2025 dahil midterm election ito…
Read MoreANG ‘DI MAIPALIWANAG NA YAMAN NI GARMA
PUNA ni JOEL O. AMONGO NALANTAD sa ika-7 hearing ng House Quad Committee ang unexplained wealth ni dating Police Colonel Royina Garma kamakailan. Si Garma ay kilalang malapit na kaibigan, kakampi at hinihinalang lover ni dating Pangulong Digong. Si Garma ay dating nagsilbing pinuno ng isang police station sa Sta. Ana sa Davao City habang mayor pa si Digong, at naging pinuno ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Davao, bago siya in-appoint ni Duterte bilang general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong 2019. Ang dating police…
Read More