MALACAÑANG KINONDENA PAGPATAY SA BROADCASTER SA ZAMBOANGA

KINONDENA ng Malakanyang ang barbaric attack sa local broadcast journalist na si Ma. Vilma Rodriguez. “These kinds of vile and atrocious acts have no place in our nation, which values freedom, democracy, and the rule of law above all,” ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Sec. Cesar Chavez sa isang kalatas. Nanawagan naman ang Malakanyang sa mga awtoridad na magsagawa ng ‘swift at impartial probe’ sa nasabing malagim na pangyayari. Nakiisa rin ang Malakanyang sa mga naulila ni Rodriguez, 56, ng EMedia Productions Network, Inc., sa pagdadalamhati ng mga ito…

Read More

PAGTAAS NG FDIs MAGDADALA NG MAS MARAMING TRABAHO – REP. NOGRALES

PINURI ng chairman ng House of Representatives’ Labor and Employment Committee, ang pagtaas ng foreign direct investments (FDIs) sa bansa na makatutulong para magkaroon ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino. Sa data na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas kamakailan, lumalabas na ang FDI net inflows noong Hulyo 2024 ay tumaas ng 5.5 percent hanggang $820 million mula sa $778-million net inflows na naitala noong Hulyo 2023, at ito ang pinakamataas mula sa $1.366 billion na naitala noong Pebrero ngayong taon. “I am glad that other countries see…

Read More

NPA PATAY, 4 HIGH-POWERED FIREARMS NASAMSAM

PATAY ang isang kasapi ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army, habang apat na matataas na kalibre ng baril ang nasamsam ng mga tauhan ng militar sa bakbakan sa Caraga Region. Ayon sa ulat ng Philippine Army 4th Infantry Division sa tanggapan ni Army Commanding General Lt. Gen. Roy Galido, naglunsad ang mga tauhan mula sa 26th Infantry Battalion, na nasa ilalim ng 403rd Infantry Brigade, ng focus military offensives na nagresulta sa pagkamatay ng hindi pinangalanang CPP-NPA Terrorist (CNT) at pagkakasamsam ng isang Bushmaster M4 Rifle, assorted CTG…

Read More

AWAY NG MGA ELEPANTE

DPA ni BERNARD TAGUINOD “WHEN elephants fight, it is the grass that suffers” ‘Yan ay isang African proverb o salawikain na ang ibig sabihin ay “ang maliliit ang nasasaktan kapag nag-away ang mga makapangyarihan”. Naisip ko ang salawikain na ‘yan habang nagbabanggaan ang pamilyang Marcos at Duterte na dating magkakampi noong 2022 presidential election pero ngayon ay parang mortal na silang magkaaway. Pero habang nag-aaway ang dalawang pamilyang ito na may kanya-kanyang supporters pa, ang nagdudusa ay ang mga Filipino dahil tiyak na mapababayaan sila dahil mas maraming oras ang…

Read More

PANGANGAILANGAN NG TAHIMIK NA LUGAR PARA MAG-ARAL

GEN Z ni LEA BAJASAN SA Pilipinas, isa sa lumalaking alalahanin ng mga mag-aaral at manggagawa ay ang kakulangan ng mga pampublikong espasyo, lalo na ang mga aklatan at study hub. Sa kaunting mga lugar upang mag-aral o magtrabaho, maraming tao ang napipilitang pumunta sa mga cafe. Bagama’t nag-aalok ang mga cafe na ito ng maaliwalas na kapaligiran, hindi ito perpekto para sa pag-aaral o produktibong trabaho. Ang isyung ito ay nagbunsod ng mga talakayan sa social media, na nagha-highlight sa pangangailangan para sa mas nakatuong pampublikong espasyo. Ang mga…

Read More

GO NABUKING SA PAGSISINUNGALING SA DRUG WAR REWARD SYSTEM?

PUNA ni JOEL O. AMONGO MUKHANG nahahabol na si Bong Go ng kanyang mga kasinungalingan. Sa isang panayam noong Oktubre 17, 2024, itinanggi niya ang pagkakaroon ng sistema ng gantimpala sa panahon ng digmaan kontra ilegal na droga ng dating administrasyon. Itinanggi rin niya ang mga paratang na siya ay kasangkot sa pamamahala ng pera para sa sistema ng gantimpala sa digmaan kontra droga. Gayunpaman, natuklasan ng netizen ang isang video mula noong huling bahagi ng 2019 kung saan bukas na tinalakay ni Bong Go ang sistema ng gantimpala. Sa…

Read More

Victoria Skin Elevates Aesthetic Medicine with New Expert Team

In photo left to right: Ms. Maria Lorelie Urcia (Executive Vice President, New San Jose Builders), Victoria Skin Lasers Aesthetics Dermatology resident Doctors: Dra. Fate Tablan, Dra. Dimples Mangondaya-Matulac (Medical Directress), Dra. Nimeth Tambut, VS Hotel Corporation Group General Manager, Dr. Mar A. Isic Victoria Skin, a trailblazer in non-invasive aesthetic solutions, is thrilled to announce the appointment of Dr. Dimples Mangondaya-Matulac as Medical Director, alongside resident doctors Dr. Nimeth Jann Tambut and Dr. Mari Fate Tabian. This dynamic team is all set to enhance the clinic’s offerings, focusing on…

Read More

Mamamayan hinikayat ABUSADO SA GOBYERNO SINGILIN – ATTY. RODRIGUEZ

(JOEL O. AMONGO) HINIMOK ni Atty. Vic Rodriguez ang publiko na singilin at papanagutin ang mga nang-aabuso sa gobyerno partikular sa pondo ng bayan. Sa isang pagtitipon na inorganisa ng Hakbang ng Maisug kasama ang mga senior citizen sa Brgy. Bambang, Bocaue, Bulacan, ipinaliwanag ng unang executive secretary ng administrasyong Marcos Jr. ang kahalagahan ng pagbabantay ng taumbayan sa mga proyekto ng pamahalaan. Inihalimbawa niya ang P550 bilyong flood control projects ng gobyerno. “Kayo ho ba sa konting pag-ulan lang ay binabaha kayo, alam nyo po bang may P550 bilyon…

Read More

VP SARA KUMASA SA PSYCH CHECK NAGHAMON NG DRUG TEST

HANDANG sumailalim sa neuropsychiatric exam si Vice President Sara Duterte kahit pa ito ay televised. “Wala akong problema doon. Game tayo. I will call that—neuropsychiatric exam,” sagot ni VP Sara sa isang ambush interview. Kasabay nito, hinamon niya ang lahat ng mga congressional candidate na sumailalim sa drug test. “As a voter I demand, magpa-drug test sila. Kayong lahat mga kababayan, you demand na mag-drug test ang mga congressional candidate dahil kung unstable ako, sa paningin ko, unstable rin sila,” ang pahayag ni VP Sara. Nauna rito, nagpahayag ng pagkabahala…

Read More