(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) MISTULANG patutsada sa administrasyong Marcos Jr. ang pahayag ni Vice President Sara Duterte kamakalawa na ‘good governance’ ang kailangan para umunlad ang bayan at hindi ayuda. Sa isang panayam, sinabi ng Bise Presidente na good governance pa rin ang susi sa pag-unlad ng bansa at hindi ayuda ang solusyon sa problema ng mga tao. “We (OVP) still believe and it is our platform and it is in our budget na ‘good governance is the key to nation-building.” “Hindi nasosolusyunan ng ayuda ‘yung problema ng mga tao.…
Read MoreDay: November 21, 2024
CHIEF OF STAFF NI VP SARA 6-ARAW KULONG SA KAMARA
PINATAWAN ng anim na araw na pagkakakulong sa Batasan Pambansa Complex sa Chief of Staff (COS) ni Vice President Sara Duterte na si Undersecretary Zuleika Lopez matapos itong ma-cite in contempt noong Miyerkoles ng gabi. Bago nag-adjourn ang ika-6 na pagdinig ng House committee on good government and public accountability na pinamumunuan ni Manila Rep. Joel Chua, tinanong ni House deputy minority leader France Castro si Lopez hinggil sa sulat ng Office of the Vice President (OVP) sa Commission on Audit (COA) na huwag sumunod sa subpoena ng Kamara na…
Read MorePAG-UWI NI MARY JANE PINAPLANTSA PA
PINAPLANTSA pa rin ng gobyerno ng Pilipinas at ng Indonesia ang mga kondisyon sa paglilipat kay Mary Jane Veloso na may ilang taon na ring nakakulong matapos hatulan ng parusang kamatayan dahil sa pagdadala ng 2.6 kilograms ng heroin sa naturang bansa noong 2010. Sa Joint Statement ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Justice (DoJ), kapuwa sinabi nito na “we are bound to honor the conditions that would be set for the transfer, particularly the service of sentence by Mary Jane in the Philippines, save the death…
Read MoreTRUCK SWAK SA BANGIN; 1 PATAY, 5 SUGATAN
DEAD on arrival sa hospital ang isang pasahero ng truck habang sugatan naman ang limang iba pa matapos na mahulog sa bangin ang nasabing sasakyan noong Miyerkoles ng gabi sa lalawigan ng Ilocos Norte. Kabilang sa mga sugatan ang driver ng Isuzu Elf at apat niyang sakay na pawang itinakbo sa pagamutan, nang magtuloy-tuloy na mahulog sa bangin ang kanilang sinasakyan pagsapit sa Brgy. Valenciano, Banna ng nabangit na lalawigang, ayon sa Banna Municipal Police Station. Ayon sa inisyal na imbestigasyon, bumibiyahe ang naturang truck patungong silangang direksyon sa Banna-Batac…
Read More13th ASIAN BIRD FAIR 2024
NAGSIMULA na ang Asian Bird Fair 2024 sa Las Piñas City. Malugod na tinanggap ni Senator Cynthia Villar ang Dalawampung Asyano at iba pang mga kalahok na bansa na may 180 delegado na kalahok sa 13th Asian Bird Fair sa The Tent, Las Piñas City nitong Huwebes, Nob. 21. Ang Bird fair ay isang taunang internasyonal na kaganapan ng mga mahilig sa ibon, environmentalist, at hobbyist na naglalayong isulong ang avian at biodiversity protection. (DANNY BACOLOD) 44
Read MoreSC IBINASURA SUBSTITUTION NI GUANZON SA PARTY-LIST
IBINASURA ng Korte Suprema ang Minute Resolution No. 22-0074 ng Commission on Elections (Comelec) na nag-apruba sa post-election substitution ng nominees ng Komunidad ng Pamilya, at Persons with Disabilities (P3PWD) Party-list kabilang ang dating commissioner na si Rowena Guanzon noong 2022 elections. Sa halip, inatasan ng En Banc ng Korte Suprema ang P3PWD Party-list na magsumite ng karagdagang nominees. Ngunit pinagbawalan ng high tribunal ang P3PWD na i-nominate uli para sa 19th Congress ang mga nominado na pinawalang-bisa na ang paghalili kung saan itinuturing na immediately executory ang nasabing kautusan.…
Read More‘MARY GRACE PIATTOS’ PINAHAHANAP SA PSA, NBI, PNP
DAHIL wala pang natatanggap na impormasyon ang Kamara hinggil sa katauhan ng isang “Mary Grace Piattos” sa kabila ng isang milyong pisong pabuya, pinakilos na ang mga law enforcement agencies para mahanap ito. Bukod sa National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP), inatasan din ng House committee on good government and public accountability na tumulong sa paghahanap kay Mary Grace Piattos. Ginawa ang kautusan kasunod ng mosyon ni House Assistant Majority Leader Jil Bongalon dahil matapos ang ilang araw mula ng inaanusyo ang P1 million reward sa…
Read MoreMARIKINA NAKAMIT ANG PINAKAMATAAS NA SEWER COVERAGE AWARD MULA SA MWSS
TUMANGGAP ng panibagong parangal ang Marikina City matapos makamit ang 2024 Kaagapay sa Kalusugan at Kapaligiran for Sewer Coverage Award mula sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System Regulatory Office (MWSS RO). Bitbit ang 81 porsiyentong sewer coverage, naungusan ng Marikina City ang Pasay City (48 porsyento) at siyudad ng Maynila (45 porsyento) para sa pagkilala. Tinanggap ni Mayor Marcy Teodoro ang parangal mula kay MWSS RO Chief Regulator Patrick Lester Ty sa Marikina City Hall, na sinaksihan nina Marikina 2nd District Rep. Maan Teodoro. “Pinagtibay ng pagkilalang ito ang kakayahan…
Read MoreRODRIGUEZ NAMAHAGI NG BIGAS AT FERTILIZERS SA BUKIDNON
PINANGUNAHAN ng kinatawan ng A Teacher Party-list na si Virginia Rodriguez ang pamimigay ng libreng bigas at organic na fertilizers sa daan-daang magsasaka mula sa Valencia City, Bukidnon para lalong lumago ang produksyon ng kanilang ani sa probinsya. Si Rodriguez, na sinamahan ni Valencia City Mayor Azucena Huervas, ay nagsabi na ang pinamigay na organic fertilizers, na may kasama pang libro niya na may pamagat na “Leave Nobody Hungry”, ay makatutulong sa pagbibigay dagdag kaalaman sa magsasaka upang magkaroon ng sustainable agricultural practices at malaman ang makabagong teknolohiyang ginagamit sa…
Read More