Atty. Rodriguez nanawagan ng payapang pagkilos PANINIKIL NG MARCOS ADMIN KONDENAHIN

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) NANAWAGAN si dating executive secretary Atty. Vic Rodriguez sa taumbayan na tapusin na ang pananahimik at sama-samang kondenahin ang opresyon ng administrasyong Marcos. Sa isang video message na kumalat kahapon sa social media, sinabi ni Rodriguez na nananawagan siya sa taumbayan bilang isang Pilipino at abogado patungkol sa pagtrato ng mga mambabatas kay Atty. Zuleika Lopez na chief of staff ni Vice President Sara Duterte. “Bilang isang Pilipino at abogado, ako ay nananawagan sa mamamayang Pilipino na basagin na ang pananahimik at inyong katahimikan. Mariin po…

Read More

HEARING NG KAMARA PARA SA AMBISYON NI ROMUALDEZ – VP SARA

(CHRISTIAN DALE) BINATIKOS ni Vice President Sara Duterte ang pagdinig ng House committee on good government and public accountability na itinuturing niya bilang isang political attack para sirain siya at tulungan si Speaker Martin Romualdez sa sinasabing ambisyon para sa pagka-pangulo. Si Romualdez ay hindi naman naging aktibong kalahok sa mga pagdinig kung saan ang mga miyembro ay naghahangad ng pananagutan para sa public funds, subalit ipinanukala na dumalo si VP Sara at mag-testify sa ilalim ng panunumpa. “On that point, nanalo si Martin Romualdez. She’s resigning. Tatapusin lang niya…

Read More

PAGKALKAL SA CF NI VP SARA TULOY

(BERNARD TAGUINOD) WALANG plano ang House committee on good government and public accountability na itigil ang imbestigasyon sa umano’y maling paggamit sa confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education noong 2023. Ginawa ng administration congressmen ang pahayag sa gitna ng tensyon na namagitan sa mga ito at ng Pangalawang Pangulo matapos dalawin ng huli ang kanyang chief of staff (COS) na si Atty. Zuleika Lopez na nakakulong sa Kamara bunsod ng pagka-contempt noong Miyerkoles. “She can lash out all she wants, but the question…

Read More

P2-M MARIJUANA SINUNOG SA BENGUET

UMABOT sa P2,080,000 halaga ng marijuana plants ang binunot at sinunog ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa nadiskubreng tatlong taniman ng marijuana sa Sitio Manggahan, Brgy. Kayapa, Bakun, Benguet kahapon. Ayon sa ulat na nakarating sa tanggapan nI PDEA Director General Moro Virgilio Lazo, nagsagawa ng marijuana eradication operation ang kanilang mga operatiba mula sa PDEA RO I-Ilocos Norte Provincial Office (PDEA RO I-INPO), PDEA RSET, PDEA Seaport Interdiction Unit, PDEA La Union Provincial Office, PDEA Cordillera Administrative Region, Philippine Army 501st Infantry Brigade 5ID, 51st Division…

Read More

BINATA PATAY SA SAKSAK NG BINATILYO

BATANGAS – Patay ang isang binata makaraang tadtarin ng saksak ng kanyang kaalitan na isang 17-anyos na binatilyo sa Brgy. 5 sa bayan ng Lian, sa lalawigan noong Sabado ng gabi. Kinilala ang biktimang si John Pert Luis Mendoza, 19-anyos, residente ng nasabing barangay. Ayon sa report, dakong alas-9:00 ng gabi, nakatayo ang biktima sa lugar kasama ang kanyang mga kaibigan, nang dumating ang suspek na si alyas “Kuya” at biglang inundayan ng sunod-sunod na saksak si Mendoza. Isinugod ang biktima sa Apacible Memorial District Hospital sa Nasugbu, subalit idineklarang…

Read More

SECURITY PROTOCOL KAY MARCOS ITINAAS

LUBHANG nakababahala at hindi tama umano ang naging pahayag ni Vice President Sara Duterte na kumontrata na siya ng assassin upang likidahin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. maging si First lady Liza Araneta Marcos at Speaker Martin Romualdez, kung may mangyari sa kanya. Bunsod nito ay itinaas na ng Presidential Security Command (PSC) ang security protocol nito sa mag-asawang Marcos at pinsang si Romualdez. “The National Security Council considers all threats to the President of the Philippines as serious. All threats against the life of the President shall be validated…

Read More

REP. ERWIN TULFO, 4 PANG MAMBABATAS PINABIBIGYAN NG 10% DISCOUNT SA GAMOT MGA RANK AND FILE GOVT EMPLOYEE

ISINUSULONG ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS partylist Rep. Erwin Tulfo, at apat pa niyang kasamahan sa Kongreso na mabigyan ng 10 percent discount sa gamot ang mga rank and file na kawani ng pamahalaan para makatulong sa kanilang mga gastusin sa pagkakasakit. Ayon kay Tulfo, ihahain niya ngayong Lunes kasama sina ACT-CIS partylist Reps. Edvic Yap at Jocelyn Tulfo, Benguet Rep. Eric Yap at Quezon City 2nd district Rep. Ralph Wendel Tulfo, ang bill na “An act granting rank and file government employees a 10% discount on the…

Read More

P700-M SERBISYO, AYUDA INIHATID NG BPSF SA SAMAR

MATAGUMPAY na nailunsad sa lalawigan ng Samar ang huling yugto ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ngayong 2024, isang pangunahing inisyatiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na naglalayong ilapit ang mga serbisyo ng gobyerno sa mamamayan. Ang event, na inilunsad noong Nobyembre 22 at magpapatuloy hanggang sa susunod na araw sa Northwest Samar State University sa Calbayog City, ay namahagi ng higit sa P700 milyong halaga ng mga programa, serbisyo, at tulong-pinansyal sa mahigit 60,000 benepisyaryo, na nagpapatibay sa kahalagahan nito bilang isang mahalagang mekanismo para sa paghahatid…

Read More

BANTA NI VP SARA LABAN KINA PBBM, FL, SPEAKER ROMUALDEZ LAMAN NG BALITA SA BUONG MUNDO

LAMAN ng halos lahat ng telebisyon, dyaryo, at online news sa buong mundo ang banta ni Vice President Sara Duterte noong Biyernes ng gabi na pinapapatay nito sa isang “hitman” si Pangulong Marcos at asawa nitong si Liza, at Speaker Martin Romualdez kung sakali na siya ay mapatay. Ilan sa mga kilalang news organization na binalita ang pagbabanta ni VP laban kay PBBM ang CNN, Bloomberg, Reuters, Associated Press ng Amerika, Agence France Presse ng France, ABC, CBS, Fox News, Strait Times ng Singapore, Nikkei TV ng Japan at ilan…

Read More