INUULAN ng batikos sa social media ang Grab at Move It dahil sa madalas na kanselasyon at price surge ngayong panahon ng Kapaskuhan. Nag-trending ang post ng isang commuter na pinipilit ng isang rider na mag-cancel matapos tanggihan na isakay ito. Sa screenshot ng kanilang usapan, inutusan ng rider ang commuter na i-cancel na ang booking, bagay na ayaw gawin ng pasahero. Dinadagsa rin ng reklamo ang mismong Facebook page ng Move It and Grab ukol sa madalas na kanselasyon, lalo na kung automatic na nababawas sa GCash o Grab…
Read MoreDay: November 29, 2024
ERICE, NAIWAN SA ERE SA LABAN VS MIRU?
MISTULANG iniwan sa ere ang dating kinatawan ng ikalawang distrito ng Caloocan City na si Edgar Erice matapos itong mabigong magsumite ng ebidensya sa kanyang mga paratang laban sa Commission on Elections (Comelec) at Miru Systems. Ang kawalan ng ebidensya ang nagtulak sa Comelec Second Division na ideklarang paninira lamang ang mga pahayag ni Erice, na tila may layuning guluhin ang nalalapit na 2025 national and local elections. Bunga nito, ilang netizens ang nagkomento na, mukhang nagamit lang si Erice ng dating provider ng automated counting machines (ACMs) na Smartmatic.…
Read MoreCLERGY FOR GOOD GOVERNANCE INILUNSAD NG KAPARIAN
MAHIGIT dalawang daang pari, obispo mula sa iba’t ibang Diocese sa Luzon, Visayas at Mindanao ang lumagda bilang convernors ng Clergy for Good Governance (CGG). Layunin ng grupo na tugunan ang iba’t ibang isyu na kinakaharap ng bansa na may kinalaman sa moralidad, espiritwal at maging pulitikal. Ang Clergy for Good Governance ay binubuo ng 211 na pari sa buong bansa. Bago ang launching, isang misa ang ginawa sa Immaculate Conception Cathedral sa Quezon City na dinaluhan ng iba’t ibang personalidad tulad nina dating DICT Sec. Eliseo Rio at dating…
Read MoreTAGUBA MAGTUTURO NG MGA SANGKOT SA SHABU SMUGGLING
NAKAHANDA umanong muling humarap at magsilbing state witness ang fixer sa Bureau of Customs na nahatulan ng habambuhay na pagkakulong dahil sa pagpapalusot ng may 600 kilo ng shabu na nagkakahalaga sa Php6.4 billion. Kinumpirma ni Manila 6th District Representative Benny Abante sa ginanap na MACHRA Balitaan sa Harbour View, sa Rizal Park, Manila na nagpahayag si Mark Taguba sa handa siyang maging state witness sa isinasagawang imbestigasyon ng House Quad committee hinggil sa illegal drugs, at extrajudicial killings. Ayon kay Pastor Benny Abante, na may hawak ng isang investigation…
Read MoreVP SARA IMPOSIBLENG SUSPENDIHIN NI MARCOS
SINABI ng Department of Justice (DOJ) na hindi maaaring suspendihin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Bise Presidente Sara Duterte sa kabila ng pahayag ng huli na nag-utos siyang patayin ang mag-asawang Marcos gayundin si Speaker Martin Romualdez kapag siya ay pinaslang. Nilinaw ni Justice Secretary Jesse Andres na ang Ombudsman lamang ang maaaring magsuspinde sa pangalawang pinakamataas na opisyal ng bansa habang ang mga ehekutibo ng lokal na pamahalaan lamang ang maaaring suspendihin ng Executive Branch. Ang kasalukuyang Ombudsman na si Samuel Martires ay itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte…
Read MoreERICE HINDI PA AALISIN SA BALOTA NG COMELEC
MANANATILI pa rin sa balota ang pangalan ni dating representative Edgar Erice bilang kandidato ng ikalawang distrito ng Caloocan City. Ginawa ni Comelec Chair George Garcia ang paglilinaw kasunod ng desisyon ng Comelec 2nd division sa diskwalipikasyon ng mambabatas. Ayon kay Garcia, hindi pa naman final and executory ang desisyon ng Comelec na nagdi-disqualify kay Erice bilang kandidatong Kinatawan ng Lungsod. Sinabi ni Garcia na maaari pang umapela ang mambabatas at hangga’t hindi pa final and executory ang nasabing desisyon ay mananatili pa ring kandidato si Erice. Kahapon, tuluyan ng…
Read MorePRINT MEDIA NANANATILING EPEKTIBONG COMMUNICATION TOOL
NANANATILING makabuluhan ang print media at magpapatuloy na magiging matagumpay sa gitna ng digital age. Sa naging talumpati ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cesar Chavez na inihayag ni PCO Senior Undersecretary Emerald Anne Ridao sa idinaos na UPMGPhils Tinta Print Media Conference 2024, araw ng Lunes, kinilala ni Chavez ang mahalagang papel ng print media sa pagpapalaganap ng impormasyon sa publiko. “Indeed, I have only one point to make: print media will remain relevant in the years and decades to come,”ang sinabi ni Chavez. Habang ang digital age ang…
Read MoreHIGIT 2000 PAMILYA BENEPISYARYO NG 4PH HOUSING SA LOS BAÑOS, LAGUNA
NASA mahigit 2 libong pamilya na mga nakatira sa mapanganib na lugar ang magkakaroon ng ligtas at disenteng tahanan sa susunod na taon. Ito ay sa pamamagitan ng higit 2,000 housing units na itatayo sa Brgy. Anos, Los Baños, Laguna, sa ilalim ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) Program ng pamahalaan. Nasa 17 gusali ang itatayo para sa vertical housing project na ilalaan sa sa 2,120 pamilya sa naturang bayan. Prayoridad na mabigyan ng housing units ang mahihirap, mga nakatira sa danger zones tulad ng tabing riles at tabing…
Read MorePAGASA ISLAND DINAGSA NG CHINESE SHIPS
INILARAWAN bilang “extraordinarily large” fleet ng Chinese ships ang namataan sa loob ng territorial sea ng Pagasa (Thitu) Island. Ito ang nakita sa West Philippine Sea monitor, araw ng Miyerkoles. Nito lamang Martes, may “73-75 ships” ang namataan sa 2.5 hanggang 5.5 nautical miles (NM) sa bahagi ng Pagasa Island, na nasa loob ng 12 NM territorial waters, ayon kay SeaLight director at retired US Air Force colonel Ray Powell. “[This is] by far the largest PRC [People’s Republic of China] vessel swarm I’ve ever seen off Thitu (Pag-asa) Island,”…
Read More