“THE Office of the President has nothing to do with it.” Ito ang tugon ng Malakanyang sa impeachment complaint na inihain ng ilang private citizens sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Ang katwiran ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin, malinaw na ‘independent initiative’ na ng mga nagreklamo ang naging hakbang na ito at ang pag-endorso nito ay karapatan naman ng kahit sinong miyembro ng Kongreso. “The President’s earlier statement on the matter is unambiguous,” ang sinabi ni Bersamin, tinukoy ang kamakailan na naging pagtutol ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa anomang…
Read MoreDay: December 3, 2024
Marcos Jr. walang long-term projects PILIPINAS NABABANGKAROTE SA AYUDA
(CHRISTIAN DALE) ITINURONG dahilan ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang pagtutok ng administrasyong Marcos Jr. sa short-term aid o ayuda kaya nauubos ang pondo ng bayan. Sa isang pahayag, sinabi ni Duterte na kasalukuyang nasa “state of hemorrhage” ang panunungkulan ni Marcos Jr. Sa halip aniyang mamuhunan sa long-term projects ay dinadaan sa ayuda ng administrasyong Marcos ang mga kinakaharap na suliranin ng bansa. Ikinababahala ng dating lider ang pagkaubos at aniya’y malversation of funds ng government financial institutions (GFIs), kabilang na ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), Government Service…
Read MoreHUWAD SI MARY GRACE PIATTOS
WALANG Pilipino na nagngangalang “Mary Grace Piattos”. Ito ang laman ng certification documents mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) na may petsang November 25 na inisyu subalit noong Lunes, December 2, ng hapon lamang natanggap Mababang Kapulungan ng Kongreso. Nilagdaan ni National Statistician and Civil Registrar General Undersecretary Claire Dennis Mapa ang nasabing sertipikasyon para sa tanggapan ni House committee on good government and public accountability chair Joel Chua. Base sa nasabing dokumento, negatibo sa database ng “record of birth” ng PSA ang nasabing pangalan at maging sa ‘record of…
Read MorePanelo sa paghahanap ng ICC ng testigo DU30 WALANG KASONG EJK
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) NANINIWALA si dating presidential legal counsel Atty. Salvador Panelo na wala talagang kasong extra judicial killings (EJK) ang International Criminal Court (ICC) laban kay dating pangulong Rodrigo Duterte. Reaksyon ito ni Panelo sa ulat na nagbukas ng portal ang ICC para sa mga nagnanais magsumite ng impormasyon sa war on drugs ng Duterte administration. Aniya, may epekto sa paghahabol kay Duterte ang internet portal ng ICC. “Iyan ay pagpapatunay na talagang wala silang kaso. Dahil kung may kaso ka, hindi ka mananawagan ng testigo,” ani Panelo.…
Read More6 COMMUNIST NPA TERRORISTS PATAY SA SAGUPAAN SA SAMAR
ANIM na kasapi ng communist New People’s Army ang napatay ng makasagupa nila ang mga tauhan ng 19th Infantry “Commando” Battalion, 8th Infantry “Stormtroopers” Division, ng Philippine Army sa liblib na bahagi ng Barangay Paco, Las Navas, Northern Samar noong Lunes. Bukod sa anim na napaslang ay nabawi rin ng militar ang apat na high powered firearms sa isinagawang clearing operation sa lugar na pinangyarihan ng engkwentro matapos ang inilunsad na Joint Focused Military Operations. Ayon sa ulat na ipinarating ni JTF Storm and 8th Infantry Division Maj. Gen. Adonis…
Read MoreMCWM NAKAKUHA NG TRO VS CDC, BCDA
NAGLABAS ang Capas Regional Trial Court ng Temporary Restraining Order (TRO) na nagpapahintulot sa Metro Clark Waste Management (MCWM) na magpatuloy sa operasyon sa Kalangitan Sanitary Landfill sa gitna ng patuloy na legal na labanan sa Clark Development Corporation (CDC) at Bases Conversion Development Authority (BCDA). Ang utos ng korte ay epektibo noong Nobyembre 28, 2024, at tatagal ng 20 araw kung saan nagbabawal sa mga opisyal ng CDC at BCDA na hadlangan ang mga aktibidad sa negosyo ng MCWM o hadlangan ang kumpanya na tuparin ang mga kontrata nito…
Read MoreMATAAS NA PASAHE, SURGE FEES NG GRAB INIIMBESTIGAHAN NG LTFRB
NAGSASAGAWA na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng imbestigasyon ukol sa ginagamit na algorithm ng Grab para sa pasahe at price surge nito na inirereklamo ng mga customer. Sa isang radio interview, sinabi ni LTFRB chairperson Teofilo Guadiz na dinidinig na ng ahensiya ang reklamo ukol sa sistema ng Grab sa pagtatakda nito ng singil sa pasahe at surge fees. “Base sa pag-aaral natin, ang algorithm nila masyado nga pong malaki so we’re trimming it down, iyong kanilang mga surge fee,” wika ni Guadiz. “Ang formula nila,…
Read MoreDE-KALIDAD NA EDUKASYON NG MARIKINA CITY UNI PINURI; 1ST-TIME NURSING EXAM TAKERS PASADO
NAKAMIT ng Pamantasan ng Lungsod ng Marikina (PLMar) ang 100-porsiyentong passing rate para sa first-time takers ng November 2024 Nursing Licensure Examination, na nagpatibay sa dedikasyon nitong magbigay ng de-kalidad na edukasyon sa mga estudyante ng Marikina City. Kinilala ang 67 first-time takers at walong iba pang nakapasa sa flag ceremony sa Marikina City Hall. Sa nasabing event, pinuri ni Marikina 1st District Rep. Maan Teodoro ang mga nakapasa sa pagbibigay karangalan sa siyudad at pagbibigay diin sa de-kalidad na edukasyon na hatid ng PLMar. “Proud na proud kami ni…
Read MoreNON-WAGE BENEFITS TULAD NG ALLOWANCES, SUBSIDIES ISINUSULONG NG TRABAHO PARTY-LIST
PARA maiangat ang antas ng pamumuhay ng bawat Pilipinong manggagawa, isinusulong ng Trabaho Party-list ang paghahandog ng mga non-wage benefits tulad ng allowances at subsidies. Ayon kay Atty. Mitchell-David Espiritu, tagapagsalita ng Trabaho Party-list, mainam ang paghahandog ng mga naturang benepisyo, lalo na’t mayroon na namang 2.3% inflation rate noong Oktubre 2024. Hinimok ng grupo ang mga employer na magbigay ng benepisyo tulad ng rice subsidy, transportation allowance, at medical allowance upang maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng bilihin. Para kay Atty. Espiritu, itong mga non-wage benefits ang…
Read More