Christmas Tree of Hope

Mr Hans Sy, chairman ng SM Prime Holdings, kasama ang kanyang pamilya—mga anak na sina Chiko, Howard, Harvey, anak na si Hanna Carinna, at asawang si Mrs. Carol Sy—ay pinarangalan ang mga donor at sponsor ng Child Haus sa panahon ng “Christmas Tree of Hope” pagdiriwang. Ang mga donor, na inihalintulad sa mga sanga ng Puno ng Pag-asa, kasama sina manny sy, Sergio Yu at pamilya, ang pamilyang Galo Lim, at si Ms. Marian, kalihim ng Eisa Mercado, ang gabay na liwanag ng Child Haus. Ang mga kinilalang nag-ambag ay…

Read More

VP Sara sa mga kongresista: MARCOS BUSISIIN DIN PAANO GINAGASTA PERA NG BAYAN

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) HINAMON ni Vice President Sara Duterte ang mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na imbestigahan din ang Office of the President kung paano nito ginugol ang kanyang confidential at intelligence fund noong 2023. Kasunod ito ng ulat ng Commission on Audit (COA) na nangunguna sa paggasta ang tanggapan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ayon kay Duterte, kung pakay talaga ng Kamara sa pagbusisi sa pondo ng kanyang tanggapan ay makabuo ng batas hinggil sa confidential funds dapat ay imbestigahan lahat maging ang tanggapan ni Marcos…

Read More

KAMARA ‘DI PA TAPOS KAY HARRY ROQUE

BAGAMA’T tatapusin na ang pagdinig sa isyung Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), hindi pa rin tatantanan ng Quad committee si dating Presidential spokesman Herminio “Harry” Roque. “Marami pa siyang kailangang ipaliwanag sa bayan,” deklara ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, lead chairman ng nasabing komite sa ika-13 pagdinig kahapon sa POGO, Extrajudicial Killings (EJK) at Illegal Drugs. Si Roque at kanyang misis na si Mylah ay unang na-contempt dahil sa patuloy nilang hindi pagdalo sa imbestigasyon ng Kamara ay nakaalis na sa bansa kaya hindi naipatupad ang arrest…

Read More

PANGALAN NI TEODORO HINDI PA TATANGGALIN SA BALOTA

HINDI pa tatanggalin sa balota ang pangalan ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro bilang kandidatong Congressman ng 2nd District ng lungsod. Paliwanag ni Comelec Chairman George Erwin Garcia, mananatili pa ring kandidato si Teodoro Hanggang hindi pa pinal ang desisyon ng En Banc. Maari pa aniyang maghain si Teodoro ng apela para kwestyunin ang naging desisyon ng 2nd Division ng Comelec. Si Teodoro ay dinisqualify ng Comelec matapos kwestyunin ni Sen. Koko Pimentel ang residency nito sa ikalawang Distrito ng Marikina. (JOCELYN DOMENDEN) 10

Read More

PAG-UNLAD NG PINAS MALABO PA RIN SA P6.352-T BUDGET

SA halip maging daan para makamit ang inaasam-asam na pag-unlad, mistulang lalo pang inilayo ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang bansa sa pangarap na ito ng sambayanang Pilipino sa inaprubahang P6.352 trilyon na pambansang pondo sa 2025. Ganito inilarawan ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel ang pambansang pondo na agad na niratipikahan noong Miyerkoles ng gabi, ilang oras matapos itong aprubahan sa bicameral conference committee at pirma na lamang ni Marcos ang kailangan para maging batas. “Tayo ay tumututol din sa ating na-ratify na bicameral conference committee…

Read More

12 NATATANGING KOOPERATIBA KINILALA

KINILALA ng Villar Foundation ang 12 natatanging kooperatiba mula sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas dahil sa kanilang mahahalagang kontribusyon sa pagbabawas ng kahirapan at pagpapaunlad ng komunidad. Ang seremonya ay ginanap sa Lungsod ng Las Piñas nitong ika -12 ng Disyembre. Bawat isa sa 12 ginawaran ay tumanggap ng tropeo ng pagkilala sa kanilang mga tagumpay at cash prize na P250,000.00 upang suportahan ang mga susunod pang inisyatiba na makikinabang ang kanilang mga komunidad. Ito na ang ika-12 taon ng Villar Foundation sa pagbibigay ng gantimpala sa mga natatanging…

Read More

BUBONG NG DRUG STORE, BINAKLAS NG BARKER

CAVITE – Huli sa akto ang isang 54-anyos na barker nang tangkain nitong pasukin ang isang kilalang drug store matapos dumaan sa bubong sa pamamagitan ng pagbaklas nito sa Imus City noong Miyerkoles ng umaga. Nasa kustodiya na ng Imus Component City Police Station ang suspek na si alyas “Renato” ng Brgy. Luma 1, Imus City, Cavite. Ayon sa ulat, tinangkang pasukin ng suspek ang isang drug store sa Brgy. Tanzang Luma 1, Imus City, Cavite sa pamamagitan ng pag-akyat sa bubong nito. Narinig naman ng naka-duty na security guard…

Read More

LASING NA RIDER PATAY SA SEMPLANG

QUEZON – Patay ang isang binata nang tumama sa gutter ang minamaneho nitong motorsiklo at bumaliktad sa Brgy. Ayuti, sa bayan ng Lucban sa lalawigan noong Miyerkoles ng umaga. Kinilala ang biktimang si Peejay De Veluz, 18-anyos, residente ng Barangay Tiawe. Ayon sa report ng Lucban Police, mag-aalas-8:00 ng umaga nang mangyari ang insidente sa kurbadang daan nang mawalan ng kontrol sa manibela ang biktima. Sumalpok ang motorsiklo sa gutter kaya tumilapon ang biktima at bumagsak sa palayan sa gilid ng kalsada. Grabeng napinsala ang katawan ng biktima na agad…

Read More

MAG-ASAWA NIRATRAT SA TINDAHAN, 1 PATAY

LAGUNA – Patay ang isang lalaki habang malubhang nasugatan ang asawa nito matapos na pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa kanilang tindahan sa Barangay Dita, Sta. Rosa City, noong Miyerkoles ng madaling araw. Ayon sa report ng Sta. Rosa City Police, dakong alas-3:00 ng madaling araw, abala ang mag-asawang biktima sa paghahanda at pagluluto ng pagkain sa kanilang tindahan nang biglang dumating ang hindi pa nakikilalang lalaki at pinagbabaril ang mga ito. Agad ding tumakas ang suspek matapos ang pamamaril sa mga biktima. Mabilis namang isinugod ang mga biktima sa…

Read More