Habang edukasyon, kalusugan ng Pinoy nganga KONGRESO PALDO SA PONDO SA 2025

(BERNARD TAGUINOD) LUMOBO ng mahigit P50 bilyon ang budget ng dalawang kapulungan ng Kongreso matapos madagdagan ng mahigit pitumpu’t walong bilyon sa bicameral conference committee. Bukod sa Senado at Kamara ay nadagdagan din ang budget ng Commission on Appointments (CA) habang walang dagdag na naibigay sa Senate Electoral Tribunal (SET) at House of Representative Electoral Tribunal (HRET). Base sa Bicam report, nadagdagan ng P17.3 billion ang budget ng Kamara sa susunod na taon kaya magiging P33.6 billion na ito mula sa inirerekomenda na Department of Budget and Management (DBM) na…

Read More

2025 NATIONAL BUDGET HITIK SA PORK BARREL

INSULTO sa sambayanang Pilipino ang 2025 national budget na pinuno umano ng Bicameral Conference Committee ng pork barrel. Ganito inilarawan ng mga miyembro ng Makabayan bloc sa Kamara ang pinagtibay na pambansang pondo na nagkakahalaga ng P6.352 trilyon sa Bicam na binubuo ng 12 senador at 12 congressmen. “Ang pondo ng bayan ay dapat nakalaan para sa taumbayan, hindi sa pangangampanya ng mga nasa poder! This budget is an insult to the Filipino people who are struggling with skyrocketing prices, low wages, and deteriorating public services,” ani Kabataan party-list Rep.…

Read More

LTFRB NAGLABAS NG SHOW CAUSE ORDER VS MOVE IT SA PAGLABAG SA RIDER CAP

NAGLABAS ng show cause order ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa ride-hailing company na Move It, na inatasang magpaliwanag kaugnay ng alegasyon na lumampas ito sa itinakdang rider cap at nabigong iulat ang activation, deactivation, at reactivation ng kanilang mga rider. Ang show cause order ay nag-ugat mula sa pag-amin ng isang kinatawan ng Move It sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services na nabigo ang kumpanya na ipaalam sa ahensya ang pagbabago o pagtaas ng bilang ng kanilang rider. Sa inilabas na kautusan, binigyan…

Read More

MARY JANE VELOSO INILIPAT SA JAKARTA

NAUDLOT ang pagbisita ng pamilya ng Filipina death row convict na si Mary Jane Veloso sa Indonesia matapos makansela ang kanilang dapat sana’y byahe patungo sa nasabing bansa. “Kami, mga magulang at anak ni Mary Jane ay nanghihinayang na hindi kami matutuloy sa pagbisita kay Mary Jane dahil napaghandaan po namin ito at nasasabik namin siyang makasama makalipas ng isang taon mula nang huli naming bisita sa kanya,” ang nakasaad sa isang kalatas. Nakansela ang December 16 hanggang 18 trip ng pamilya Veloso sa Yogyakarta matapos na ipaalam sa kanila…

Read More

BAWAL BASTOS LAW IKINALAT SA PUBLIKO

NAGKABIT ng mga sticker sa mga pampublikong sasakyan ang pamunuan ng Cavite Police Provincial Office (PPO) bilang bahagi ng pagpapalaganap ng mga panuntunan ng “Bawal Bastos Law” o Safe Spaces Act (RA11313). Pinangunahan ni Cavite Police Director PCOL Dwight Alegre ang pagkakabit ng sticker sa mga tricycle at PUVs kung saan makikita ang hotline number ng lokal na pulisya para maireport ang anomang uri ng pambabastos. Layon ng batas na ito na protektahan ang lahat mula sa Gender-Based Sexual Harassment (GBSH) na karaniwang nagaganap sa mga pampublikong lugar/sasakyan, online platforms,…

Read More

P81-B KONTRABANDO NASAMSAM NG ADUANA

NADOBLE ng Bureau of Customs (BOC) ang halaga ng kontrabando na kanilang nasamsam ngayong taon kumpara noong taong 2023 ng kapareho ring panahon. Sa inisyal na pre-year end report ng BOC, umaabot na sa mahigit P81 billion ang mga nasamsam na kontrabando ng Aduana nitong Disyembre 2024 na halos doble ang bilang mula sa nakaraang taon. Nabatid na noong taong 2023 ay nakapagtala ang Customs ng kabuuang halaga na P43.29 billion. Ayon kay BOC Intelligence Office Alvin Enciso, mahigit kalahati ng seizure value ay nagmula sa Customs Intelligence and Investigation…

Read More

124 KATAO INILIKAS SA LANDSLIDE SA LOPEZ, QUEZON

QUEZON – Umakyat na sa 124 katao na mula sa 51 pamilya, ang inilikas dahil sa biglaang paggalaw ng lupa sa Barangay Matinik, sa bayan ng Lopez sa lalawigan noong Sabado ng gabi hanggang Linggo ng umaga. Nasa barangay hall ngayon ang mga residente at binawalan ng mga awtoridad na bumalik muna sa kanilang mga bahay dahil hanggang kahapon ay nararamdaman pa ang mga pagyanig. Bukod sa 15 bahay na nasira, dalawang classroom ng Matinik Elementary School ang nagkaroon ng pinsala at apektado rin ang kanilang electric at water supply.…

Read More

UNANG SIMBANG GABI GENERALLY PEACEFUL

IPINAGMAMALAKI ng Philippine National Police ma masasabing generally peaceful ang selebrasyon ng unang Simbang Gabi na hudyat ng nalalapit na kapaskuhan dahil walang naitalang krimen o untoward incident ang mga awtoridad. Ito ay sa gitna ng libo-libong tao na dumalo sa unang Simbang Gabi, ayon kay PNP spokesperson P/BGen. Jean Fajardo. Magugunitang inihayag ng PNP National Capital Region Police Office na mahigit sampung libong pulis ang kanilang ikinalat kaugnay sa tradisyunal na Simbang Gabi bilang paghahanda sa inaasahang dagsa ng mga mananampalataya. “Ilang oras pa lang bago ang Simbang Gabi,…

Read More

P1.4-M KUSH NASABAT, 1 ARESTADO

HAWAK na ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency ang isang kilo ng high grade marijuana o kush na nasabat sa isinagawang joint anti-illegal drug interdiction operation. Ayon sa ulat, tinatayang nagkakahalaga ng P1.4 million ang high grade marijuana na nasamsam ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA), sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG). Dinakip ng mga awtoridad ang tumatayong consignee ng nasabat na parcel na napatunayang naglalaman ng kush, sa isinagawang entrapment operation sa Central Mail Exchange Center (CMEC)…

Read More