(BERNARD TAGUINOD) IBABALIK ni dating Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez ang parusang kamatayan para mabitay ang mga taong gobyerno na magnanakaw ng P5 milyon sa kaban ng bayan kapag nanalo siya sa 2025 senatorial race. Sagot ito ni Rodriguez kay Karen Davila sa programang “Haparan” nang tanungin kung bakit siya ay dapat iboto ng taumbayan at iluklok sa Senado sa susunod na eleksyon. “Sapagkat ako ay lalaban sa corruption at alam ko kung paano labanan ito. Aamyendahan ko ang plunder law,” ani Rodriguez. Sa ilalim ng kasalukuyang batas, P50 million…
Read MoreDay: January 8, 2025
Opinyon sa NSC revamp kinontra MALISYOSO SI HARRY – ES BERSAMIN
ITINUTURING ng Malakanyang na may ‘malisya’ ang pagkakaunawa ng ilan na ang naging desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na alisin ang Bise-Presidente mula sa National Security Council (NSC) ay prelude o panimula sa Batas Militar. Inalis ni Pangulong Marcos ang Bise-Presidente at mga dating Pangulong ng bansa mula sa NSC upang tiyakin na ang body ay maaaring maka-adapt sa nag-eebolusyon na mga hamon. Subalit, kagyat na pinuna at sinabi ng dating tagapagsalita ni dating pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na si Harry Roque sa kanyang Facebook post noong nakaraang linggo…
Read MoreHalaga ng piso mahina pa rin UTANG NG PINAS P16-T NA NOONG NOB.
UMABOT na sa P16.090 trillion ang kabuuang ‘ outstanding debt’ ng gobyerno ng Pilipinas “as of end-November sa P16.090 trillion, sinasabing tumaas ng 10% noong 2023. Makikita sa data na ipinalabas ng Bureau of the Treasury (BTr) na ang outstanding debt ng gobyerno ng Pilipinas ay umabot na sa P16.090 trillion “as of end-November 2024,” sumasalamin ito sa 10.9% na pagtaas mula sa P14.508 trillion “as of end-November 2023.” Ito rin ay 0.4% na mas mataas kaysa sa P16.020 “as of end October 2024. “The debt portfolio increased… due to…
Read MoreLINGAP PARTY-LIST ANGAT SA SURVEY
BAGAMAN ngayong 2025 Midterm Election pa lang sasabak ang LINGAP Party-list (#112) ay humataw na ito sa isinagawang survey noong nakaraang Disyembre 2024. Sa survey ng Insight Pioneers na isinagawa mula Disyembre 15 hanggang 18, 2024 sa 1 hanggang 156 Party-list na sinurvey ng kumpanya ay nasa pang-21 ang LINGAP o Liga ng Nagkakaisang Mahihirap. Naungusan pa ng LINGAP ang iba pang party-list na dating nang may umupong kinatawan sa Kongreso nitong nakaraang 19th Congress. Kabilang sa nais gawin ng LINGAP ay magkaroon ng KKK o “Kabuhayan, sapat na kita…
Read MoreAGRESYON NG CHINA SA WPS SUKDULAN NA
“ITO na ang sukdulan ng agresyon.” Ganito inilarawan ni House assistant majority leader Jay Khonghun ang presensya ng giant ship ng Chinese Coast Guard sa territorial water ng kanilang lalawigan sa Zambales na bahagi ng West Philippine Sea. “Ang mga barkong ito ay simbolo ng pambu-bully na hindi natin dapat palampasin,” ayon pa sa mambabatas kasunod ng pagpasok ng pinakamalaking barko ng China sa Bajo de Masinloc na may bigat na 12,000-tons. Sa ngayon ay sinusubaybayan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang galaw ng nasabing barko ng China na umiikot…
Read MorePNP MAY PERSON OF INTEREST NA SA SEA GAMES MEDALIST KILLER
INIHAYAG ng Philippine National Police na may tinututukan nang person of interest ang mga imbestigador sa pananaksak at pagpatay kay SEA Games gold medalist Mervin Guarte na kasapi rin ng Philippine Air Force. Sa ipinarating na report ng Oriental Mindoro PNP sa punong himpilan ng Pambansang Pulisya sa Camp Crame sa Quezon City, sinasabing tuloy-tuloy ang ginagawa nilang pagbabantay sa mga aktibidad ng itinuturing nilang person of interest. Magugunitang si Guarte ay pinaslang habang natutulog noong Martes ng madaling araw sa bahay ng kaibigan nitong barangay kagawad sa Calapan City,…
Read More7 BUS NASUNOG SA GARAHE
LAGUNA – Sugatan ang isang lalaki habang pitong bus ang natupok nang masunog ang garahe sa Pulo-Diezmo Road, Barangay Pulo, Cabuyao City, bandang alas-8:00 ng umaga noong Martes. Ayon sa imbestigasyon ng BFP Cabuyao, apat na mga tauhan ng isang junkshop ang nagbabakbak ng lumang bus para sa scrap sa garahe ng shuttle services corporation, nang biglang sumiklab ang apoy. Sumaklolo naman ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) Cabuyao at idineklarang fire-out pasado alas-9:16 ng umaga. Nasugatan sa insidente ang 46-anyos na isang under-chassis mechanic na dumanas…
Read More7 CREW MEMBERS NASAGIP SA LUMUBOG NA BARKO
QUEZON – Nasagip ang pitong crew members matapos lumubog ang sinasakyang cargo vessel sa karagatang sakop ng Barangay Poblacion sa bayan ng Patnanungan sa lalawigan noong Martes ng umaga. Ayon sa report, bandang alas-10:15 ng umaga nang magsimulang pasukin ng tubig ang cargo motorize boat na M/B Krystal Faith, matapos maabutan ito ng malalaking alon at masamang panahon habang patungo sa port sa bayan ng Atimonan galing sa Patnanungan island. Agad nagsagawa ng rescue operation ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard at Patnanungan PNP at sinagip ang mga sakay…
Read More2 OBRERO NALAGLAG SA BUBONG, 1 PATAY
BATANGAS – Patay ang isang trabahador habang sugatan ang kasama nito matapos mahulog mula sa bubong ng isang gusali sa Barangay Manghinao Proper, sa bayan ng Bauan sa lalawigan noong Martes ng umaga. Batay sa imbestigasyon ng Bauan Police, bandang alas-8:20 ng umaga, ang mga biktimang sina alyas “Teodorico Jr.” at “Aley” ay nagwe-welding sa bubong ng Dialysis Center na pag-aari ng LGU Bauan, nang biglang natanggal ang kinakapitan nilang bakal na senepa. Dahil dito, nahulog ang dalawa mula sa taas na humigit-kumulang 30 talampakan. Agad isinugod ang mga biktima…
Read More