CAVITE – Arestado ang isang retiradong police office dahil sa paglabag sa batas trapiko at kawalan ng plaka ng kanyang sasakyan at nanutok ng baril sa isang traffic enforcer saka tumakas sa Bacoor City noong Miyerkoles ng hapon. Nahaharap sa kasong threat, direct assault at paglabag sa Art. 151 ng Revised Penal Code at R.A. 10591 ang suspek na si alyas “Regino”, 62, isang retired police officer, at residente ng La Union. Ayon sa nagreklamong si Marvin Salas y Era, 30, miyembro ng Bacoor Traffic Management Division, pinara nito ang…
Read MoreDay: January 10, 2025
NANGOTONG SA CAVITE BUKING NA PEKENG HPG
CAVITE – Naka-hospital arrest ang isang buko vendor na nagpapanggap na miyembro ng Highway Patrol Group (HPG), at umano’y nangongotong sa mga motorista, matapos mabaril habang nakikipagbuno sa isang awtoridad sa Gen. Trias City noong Miyerkoles ng gabi. Nilalapatan ng lunas sa ospital ang suspek na si alyas “Lawrence”, binata, ng Phase 1, Parklane Subd., Brgy. San Francisco, Gen. Trias City dahil sa tama ng bala sa kanyang katawan mula sa service firearm ni Police Chief Master Sergeant Elan Demate, 45, ng PHPT-Cavite Camp Pantaleon Garcia, Imus City. Ayon sa…
Read MoreP1-M DROGA NASABAT SA LAGUNA
LAGUNA – Nasamsam ng mga awtoridad ang mahigit P1 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Concepcion sa bayan ng Lumban sa lalawigan dakong alas-2:30 ng madaling araw nitong Huwebes. Arestado sa operasyon ang suspek na si alyas “Axcel”, itinuturing na isang high value individual (HVI) sa operasyon ng droga sa rehiyon. Ayon sa Lumban Municipal Police Station, isinagawa ang buy-bust operation ng mga tauhan ng Lumban Drug Enforcement Team, katuwang ang PDEA. Nakumpiska mula sa suspek ang tatlong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu…
Read MoreNAKIISA SA TRASLACION 2025 MAS DUMAMI
(JOCELYN DOMENDEN) TUMAAS ang bilang ng mga sumama sa prusisyon ng Poong Hesus Nazareno sa unang mga oras kumpara sa nakaraang taon lalo na sa Quirino Grandstand at Quiapo. Ngayong taon, umabot sa 220,000 ang naitalang deboto sa Quirino Grandstand na mas mataas sa nagdaang taon. Matapos ang Misa Mayor ng alas-5 hanggang alas-6 ng umaga, nasa 77,000 deboto naman ang sumunod sa Andas habang ang malaking grupo ng deboto ay nagtungo na sa Quiapo Church. Ilang deboto rin ang hindi na nagawang makalapit pa sa Quirino Grandstand at minabuting…
Read MoreGrupo ng magsasaka ubos na pasensya PINOY PINAPATAY NI BBM SA GUTOM AT KAHIRAPAN
(BERNARD TAGUINOD) “PINAPATAY sa kagutuman at kahirapan ni (Pangulong Ferdinand “Bongbong”) Marcos Jr., ang mamamayang Pilipino, lalo na ang mga maralitang konsyumer.” Ganyan inilarawan ng grupong Amihan ang sitwasyon sa ilalim ni Marcos matapos maitala sa survey ng Social Weather Station (SWS) na 63% sa pamilyang Pilipino ang mahirap. Ito ang pinakamataas na poverty rate sa nakaraang dalawang dekada kaya ayon sa secretary general ng Amihan na si Cathy Estavillo ay dapat nang magkaisa ang sambayanang Pilipino na labanan ang anti-poor policies ng Pangulo. “Mula nang maupo siya, hindi naramdaman…
Read MoreSPECIAL AUDIT HIRIT SA PHILHEALTH
INATASAN ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Anti-Red Tape Authority (ARTA) at Commission on Audit (COA) na maglunsad ng special audit sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth). Ilan sa mga nais ni Manila Rep. Rolando Valeriano na alamin sa hiwalay o kaya joint audit ng ARTA at COA ang hindi maayos na trabaho ng PhilHealth pagdating sa remittances sa mga hospital at pamamahala sa kanilang database. “The 2023 audited financial statements of PhilHealth contain many leads for ARTA and COA to pursue. Those 87 pages of audit…
Read MoreWAGE HIKE IMBES DAGDAG NA KONTRIBUSYON
IGINIIT ng isang mambabatas sa Kamara na iprayoridad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos ang national minimum wage increase sa mga manggagawang Pilipino imbes magdagdag ng kontribusyon sa Social Security System (SSS). Kasabay nito, umapela si Rep. Perci Cendaña sa Malacanang na suspendihin ang dagdag na SSS contribution habang nasa gitna ng kahirapan ang mahigit kalahati sa pamilyang Pilipino dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo publiko. “Humingi ‘yung mga tao ng taas-sweldo, pero ang nakuha nila contribution hike? This increase is insensitive to the demands…
Read MoreMARY JANE VELOSO: KWENTO NG PAKIKIBAKA AT PAG-ASA
(Ni LEA BAJASAN) ANG pangalan na Mary Jane Veloso ay tumatak na sa maraming Pilipino. Ang kanyang kwento ay tungkol sa sakripisyo, kawalan ng katarungan, at pag-asa. Ipinanganak sa isang maliit na bayan sa Nueva Ecija noong Enero 10, 1985, si Mary Jane ay lumaki sa kahirapan. Bilang nag-iisang magulang ng dalawang lalaki, nagsumikap siya para matustusan ang kanyang mga anak. Tulad ng maraming Pilipino, nangarap siya ng magandang buhay para sa kanyang pamilya. Noong 2010, inalok siya ng trabaho bilang domestic worker sa Malaysia. Nagtiwala siya sa taong nagrekrut…
Read MoreDENGVAXIA CASE IDINULOG NG SOLGEN SA CA
SUPORTADO ng mga kamag-anakan ng mga batang mag-aaral na nasawi diumano sanhi ng Dengvaxia vaccine ang legal na hakbang ng Office of the Solicitor General na buhayin ang na-dismiss ng Quezon City Regional Trial Court na walong kaso ng Dengvaxia. Pinuri ni Sumachen Dominguez, pangulo ng Samahan ng mga Magulang, Anak at Biktima ng Dengvaxia, si Solicitor General Menardo Guevarra sa kanyang pagsasampa ng mga petitions for review on certiorari sa Court of Appeals upang kuwestyunin ang pagbasura ng QC RTC sa mga kasong kriminal na isinampa laban kay dating…
Read More