KONGRESO SOURCE NG KORUPSYON – PANELO

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) PARA kay dating presidential legal counsel Atty. Salvador Panelo, dapat alisan ang Kongreso ng access sa pondo ng bayan dahil pinagmumulan ito ng korupsyon. Dahil aniya sa malawak nitong access sa budget kaya nagkakaroon ng anomalya. “Ang source of corruption is access of the members of Congress to money, dapat talaga tanggalin na ‘yan, executive lang dapat ‘yan, wala nang budget allocated for the members of Congress in whatever form, para wala nang problema,” aniya pa. Matatandaang sa isang panayam ng media, Setyembre noong isang taon…

Read More

DATING PROSECUTOR IPATATAWAG SA KAMARA

NAGKAROON umano ng ‘gross miscarriage of justice’ noong administrasyon ni dating pangulong Rodrigo Duterte dahil isinakripisyo ang maliliit na tao para pagtakpan ang mga mastermind sa ilegal na drogang dumating sa bansa noon. Dahil dito, posibleng paharapin sa pagdinig ng Kamara ang prosecutor na humawak sa kontrobersyal na puslit na P12 billion droga. Sa ika-14 pagdinig ng Quad Committee kahapon, hindi naitago ng leader chairman nito na si Rep. Robert Ace Barbers ang kanyang pagkadismaya dahil imbes na mga mastermind ay mga fall guy umano ang nasentensyahan ng hanggang 40…

Read More

Mag-Invest Ngayong 2025 sa Palawan Gold PALAWAN GOLD: ANG ABOT-KAYANG GINTO PARA SA BAWAT PILIPINO

SIMULAN ang taon sa pagpapalago ng iyong ipon! Isa sa napatunayan nang mainam at maaasahang investment ngayong 2025 ay ang pagbili ng ginto. Ang Palawan Gold, handog ng matatatag at mapagkakatiwalaan na Palawan Group of Companies, ay isa sa mga pinakamahusay at pinakaligtas na paraan ng pag-invest. Ito ay isang abot-kaya at matalinong hakbang upang mapanatili at mapalago ang iyong ari-arian (asset) o yaman sa kabila ng pabago-bagong kalagayan ng ekonomiya. Pagtaas ng presyo ng ginto kada gramo sa Pilipinas mula 2014 hanggang 2024 Ang ginto ay itinuturing na isang…

Read More

SEN. BATO NAGTATAGO SA MEDIA IMBES NA HUMARAP SA QUAD COMM

MULING hinamon ng Quad Committee si dating Philippine National Police (PNP) Chief at ngayo’y Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na humarap sa kanilang imbestigasyon imbes na magtago sa saya ng media. Kahapon ay muling ipinagpatuloy ng komite ang kanilang imbestigasyon kung saan tinalakay ang usapin sa ilegal na droga na kabilang sa tatlong isyung iniimbestigahan kabilang na ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) at Extra-judicial killings (EJK). “Ang ating senador Bato dela Rosa, nung tinanong siya, ayaw naman niyang humarap sa amin. Pinapaharap namin para maging malinaw ang lahat ng…

Read More

VIVA PIT “PAYE”!

KAPE AT BRANDY ni Sonny T Mallari LINTIK din talaga ang utak ng Pinoy sa timbangan ng tama at mali. Ito ay tungkol sa naging viral na video ng isang sekyu sa isang mall sa Mandaluyong City at babaeng nagtitinda ng sampaguita. Matapos na tadyakan ng sekyu, lamasin at ibasura ang tindang sampaguita, ang pobreng biktima pa ngayon – sa mata ng mga ipokrito at ipokritang netizens – ang pinalalabas na masama dahil 22-anyos na siya at nasa kolehiyo ay hindi raw marunong umintindi na bawal ang pagtitinda sa lugar,…

Read More

SEMENTERYO SA LIMAY, BATAAN AAYUSIN ‘DI GIGIBAIN – DAVID

RAPIDO NI TULFO NILINAW ni Limay, Bataan Mayor Richie David ang plano ng munisipyo na aayusin lamang ang pampublikong sementeryo sa bayan, at hindi gigibain. Ito ay matapos lumabas ang mga maling impormasyon at naging sanhi ng kaguluhan at ‘di pagkakaintindihan sa mga kaanak ng mga nakalibing sa nasabing sementeryo. Ayon kay David, lalagyan lamang ng mga kolumbaryo ang paligid ng sementeryo upang makapaglagay ng daanan. Ang rehabilitasyon umano ay upang malinis ang sementeryo na ginawang tapunan ng mga basura, maging ng tinatapon na mga sanggol at ginagawa rin umanong…

Read More

SINA TIAONG MAYOR RJ MEA AT AKO BISAYA PARTY-LIST REP. SONNY LAGON

TARGET NI KA REX CAYANONG MALINAW na ang matagumpay na distribusyon ng wheelchair at eyeglasses na isinagawa noong Enero 14, 2025, sa Tiaong Municipal Hall Lobby sa Quezon, ay isang patunay ng epektibong pamumuno at tunay na malasakit sa kapwa. Sa pangunguna ng tanggapan ni Senator Francis Tolentino at sa presensya ng kanyang anak, si Mr. Patrick Andrei Tolentino, naging makabuluhan ang aktibidad para sa mga residente ng Tiaong. Hindi lamang simpleng distribusyon ng kagamitan ang naganap. Ito rin ay isang mensahe ng pakikiisa at pagtugon sa mga pangangailangan ng mga…

Read More

Sa taumbayan ang katapatan ko, hindi sa mga politiko: Yorme Isko

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA MAY nagtanong na ilang mga tsismosa at tsismoso: Bakit daw magkalaban ngayon ang dating magkakampi na sina Francisco “Yorme Isko Moreno” Domagoso at Mayora Honey Lacuna? Paano, sino at saan daw nag-umpisa ang lahat? Bueno, sa mga tsismosa at tsismoso, nangyari ang pagsasaboy ng putik, pagpapasama sa imahe at karakter ni Yorme Isko nang magdeklara itong tatakbo siyang muli bilang alkalde ng Maynila kontra sa dating bise niya na taimtim niyang tinulungan noon, ngayon ay Mayora Lacuna. Inakusahan ng kampo ni Lacuna na trapo…

Read More

Sensory-friendly screening ng “Firefly” sa SM Cinemas, nagbigay ng liwanag ukol sa inclusion

Isang bata na nasa autism spectrum ang nagbahagi ng isang matamis na ngiti kasama ang kanyang pamilya sa sensory-friendly screening ng “Firefly” sa SM Southmall. Sa pagdiriwang ng National Autism Consciousness Week, nagkaisa ang SM Cares, SM Cinema, Autism Society Philippines (ASP), at GMA Pictures upang magdaos ng isang matagumpay na sensory-friendly screening ng award-winning film na “Firefly” noong Enero 17, 2025. Mahigit 2,000 participants mula sa iba’t ibang SM malls—kabilang ang mga bata na nasa autism spectrum at kanilang pamilya—ang nag-enjoy sa isang heartwarming at inclusive na movie experience.…

Read More