IGINIIT ni Senador Risa Hontiveros ang pangangailangan ng agarang pagkilos ng Senado upang mapahusay at mapalakas ang kasalukuyang Anti-Espionage Law. Ito ay kasunod ng pagkakaaresto sa isang Chinese national na sangkot sa pang-eespiya. Ayon kay Hontiveros, habang patuloy na nagpapabalik-balik ang monster ship ng China sa West Philippine Sea, dapat matiyak ng pamahalaan na hindi natin hahayaan na napapalibutan na tayo ng mga espiya. Sinabi ng senador na matagal na niyang sinasabi na posibleng may Chinese spies sa bansa lalo na noong nagkaroon ng Visa Upon Arrival scheme sa Bureau…
Read MoreDay: January 22, 2025
BAM AQUINO UMAKYAT NG 5 PUNTOS SA PINASURVEY
NAKAMIT ni dating Senador Bam Aquino ang pinakamalaking pagtaas sa percentage points sa tracking ng Pinasurvey noong Disyembre. Dahil sa ratsadang ito ni Aquino, umakyat siya sa tabla para sa pang-anim hanggang pang-13 puwesto. Ayon kay Rolland Ramirez, Managing Director ng Insightspedia, Inc., ang kumpanya sa likod ng Pinasurvey, tumaas ng limang puntos ang percentage points ni Aquino, na siyang pinakamataas sa mga kandidatong katabla niya sa posisyon. Paliwanag ni Ramirez, nagpapakita ito na mayroon nang momentum si Aquino at ang kanyang totoong puwesto sa survey ay nasa itaas na…
Read MoreALTERNATIBONG GAMUTAN PARA SA MASA
MAGKATUWANG ang Philippine Rural Reconstruction Movement (PRRM) at ang Serve the People Health and Wellness (STP-HW) Volunteers sa pagtatayo ng bagong klinika na naglalaan ng alternatibong gamutan. Ang bagong klinika ay matatagpuan sa 56 Mother Ignacia Avenue, Diliman, Quezon City, sa ikalawang palapag ng PRRM building (sa pagitan ng Scout De Guia Street at Scout Dr. Lazcano Street). Ang serbisyong medikal ay bukas tuwing Martes mula 10:00 am hanggang 5:00 pm. para sa masang mahihirap. Sa idinaos na soft launch ng klinika kamakalawa ay may 35 na mga pasyente at…
Read MoreGRIJALDO PINAKULONG SA POLICE STATION
MULA sa de-aircon na detention cell sa Batasan Pambansa, inilipat sa kulungan ng Quezon City Police District Station 6 sa Batasan, Quezon City si Police Col. Hector Grijaldo matapos muling ma-contempt dahil sa kawalang galang umano nito sa Quad Committee. Sa mosyong ni Antipolo City Rep. Romeo Acop, inaprubahan ang panibagong contempt order laban kay Grijaldo na sinegundahan ng mosyon ni Abang Lingkod party-list Rep. Joseph Stephen Paduano na ikulong sa Batasan Police Station ang opisyal. Hindi napigilan ni Acop ang kanyang sarili na ipacontempt muli si Grijaldo matapos ang…
Read More3 TULAK NABITAG SA RIZAL
RIZAL- Isang construction worker na tinaguriang most wanted person sa Calabarzon, ang inaresto ng mga operatiba ng Morong Municipal Police Station, sa kasong pagtutulak ng ilegal na droga, noong Enero 21, 2025 sa Brgy. Cupang, Antipolo City. Kinilala ni PCol. Felipe Maraggun ang suspek na si alyas “Jhaps,” 28, nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, sa Regional Trial Court Branch 79 ng Morong, Rizal. Batay sa impormasyon, dati nang nahuli ang ang suspek sa ilegal na droga noong Nobyembre 29, 2018 matapos…
Read MoreDALAGITA HINALAY NG KATAGAY
ARESTADO ang isang 24-anyos na helper makaraan umanong gahasain ang isang 15-anyos na dalagitang kainuman sa Port Area, Manila noong Linggo ng madaling araw. Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Emmanuel Mike Gomez, station commander ng Manila Police District – Baseco Police Station 13, ang suspek na si alyas “Ronel”, 24, residente ng Port Area Manila. Base sa ulat ng pulisya, bandang alas-3:30 ng madaling araw nang mangyari ang panghahalay ng suspek sa biktima habang natutulog ito sa kanyang kuwarto. Salaysay ng biktimang si alyas “Trixie”, bago ang insidente nag-inuman sila…
Read MoreP9.5-M SHABU HULI SA DRUG BUST SA ILIGAN CITY
TINATAYANG aabot sa P9.5 milyong halaga illegal drugs ang nasamsam ng mga awtoridad sa isinagawang anti-narcotics operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Iligan City kahapon. Ayon sa ulat na isinumite sa tanggapan ni PDEA Director General Moro Virgilio Lazo, tinatayang 1,400 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na nagkakahalaga ng P9,520,000, ang nasamsam sa isinagawang buy-bust operation sa Tibanga Highway, Barangay San Miguel, Iligan City kahapon ng tanghali. Bandang alas-2:00 ng hapon inilunsad ng pinagsanib na puwersa ng PDEA RO IX Regional Special Enforcement…
Read MoreKaya ‘dinaga’ sa Impeach Sara? MARCOS TAKOT MAKALKAL SARILING CONFI AT INTEL FUNDS
(BERNARD TAGUINOD) KINASTIGO ng Makabayan bloc ang liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa patuloy na hindi pag-aksyon sa tatlong impeachment complaint na inihain ng iba’t ibang grupo laban kay Vice President Sara Duterte. Pangamba nila, ang hindi pag-aksyon ng Kamara ay pag-iwas din na mabulatlat ang pondo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. “Never in the history of Congress have we witnessed impeachment complaints languishing in the Secretary General’s office for more than a month,” ayon sa joint statement ng nasabing grupo na kinabibilangan nina ACT Teachers Rep. France Castro;…
Read MoreAPELA NG NSC SA KONGRESO: ANTI-ESPIONAGE LAW AMYENDAHAN
MULING umapela ang National Security Council (NSC) sa dalawang kapulungan ng Kongreso na bumalangkas at amyendahan ang antigong Anti-Espionage Law ng Pilipinas na hindi akma sa makabagong panahon. Ito ay kasunod ng pagkakadiskubre sa well planned at orchestrated spying, matapos madakip ang isang hinihinalang miyembro ng Chinese sleeper cell sa Pilipinas, na nagsasagawa ng unauthorized intelligence, surveillance and reconnaissance activities sa bansa. Ayon kay National Security Adviser Eduardo Año, dapat iprayoridad ang pagpasa ng mga amyenda sa Espionage Act, gayundin ang Countering Foreign Interference and Malign Influence Bill para magkaroon…
Read More