(CHRISTIAN DALE) UMATRAS sa hamon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang tumangging sumailalim siya sa hair follicle drug test. Ang katwiran ng Chief Executive, wala naman itong koneksyon sa constitutional principle na “public office is a public trust.” Tugon ito ng Pangulo sa panawagan ni dating Executive Secretary Vic Rodriguez sa isinagawang GMA Network’s ‘Tanong ng Bayan: The GMA Senatorial Face-Off 2025’ nitong Sabado, Pebrero 1. Hinikayat ni Rodriguez si Pangulong Marcos na sumailalim sa ‘credible hair follicle test’ para ‘once and for all’ ay mabalewala na ang paratang sa…
Read MoreDay: February 2, 2025
PROTESTA KONTRA ‘INUTIL’ NA MARCOS ADMIN KASADO
GALIT na ang sambayanang Pilipino dahil lumalabas na walang kakayahan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na panagutin ang mga nagkasala, paglala ng kalagayan ng mga tao at katiwalian. Ito umano ang mensahe ng kilos protesta sa EDSA noong Enero 31, na ayon sa grupo Bayan Muna ay masusundan ng mas malaki at malawakang pagkilos sa anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa Pebrero 25. “The January 31 protest reflects public dissatisfaction and outrage over the inept leadership of Marcos. As families reel from the cost of living crisis, Marcos…
Read MoreP200 ACROSS-THE-BOARD WAGE HIKE APRUB SA HOUSE PANEL
INAPRUBAHAN ng House committee on labor and employment nitong Huwebes ang panukalang batas na nagbibigay ng dagdag na P200 sa arawang sahod para sa lahat ng manggagawa sa pribadong sektor. Ang pag-apruba sa panukala ay nangyari matapos ang pakikipagpulong ni House Speaker Martin Romualdez sa mga lider ng iba’t ibang grupong manggagawa kung saan napag-usapan ang umento sa sweldo. Pinagtibay ng komite, sa pangunguna ni Rizal 2nd District Rep. Juan Fidel Felipe Nograles, ang mosyon ni Cotabato 3rd District Rep. Ma. Alana Samantha Santos na aprubahan ang substitute bill para…
Read MoreLAGYAN NA NG MGA GAMOT AT GAMIT LAHAT NG GOV’T HOSPITALS – CONG TULFO
ISUSULONG ngayong araw ni ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo at iba pang mga kasamahan sa Kongreso ang batas na magtatakda sa Department of Health (DOH) na lagyan na ng mga gamit at gamot ang lahat ng mga ospital ng pamahalaan sa buong bansa partikular na sa mga liblib na lugar. Ang panukalang batas “Universal Medical Access and Equipment Act of 2025” ay ihahain ni Cong. Tulfo, kasama sina ACT-CIS Representatives Edvic Yap, Jocelyn Tulfo, Benguet Cong. Eric Yap at Quezon City Rep. Ralph Tulfo. “Nakakasawa nang marinig mula sa mga kababayan…
Read MoreCRUISE TOURISM BUMALIK NA SA ANTAS NG PRE-PANDEMIC
NAGTALA ang Philippine Ports Authority (PPA) ng kapansin-pansing 61.9 percent na pagtaas sa cruise passenger arrivals noong 2024, na umabot sa 142,574 na mga pasahero Ayon sa PPA, ito ay isang makabuluhang pagtaas mula sa 88,080 noong 2023. Sinabi ng ports authority, nagmarka ng pinakamataas na bilang ng post-pandemic para sa bansa, ang mga proyekto ng ahensya at nagpapatuloy sa paglago sa 2025 na umaasa ng 185,000 na mga pasahero sa cruise, isang 29.8 percent na pagtaas mula sa nakaraang taon. Samantala, upang suportahan ang lumalagong cruise tourism industry, ang…
Read More2 TIRADOR NG MOTORSIKLO TIKLO SA FOLLOW-UP
SWAK sa kulungan ang dalawa sa tatlong tirador ng motorsiklo makaraang mahagip ng CCTV ang umano’y pagnanakaw ng mga ito ng isang motorsiklo sa Barangay 783, Sta. Ana, Manila noong Huwebes ng gabi. Kinilala ang suspek na sina alyas “Jeremiah”, 26, at “Bryan Bilen”, 18, kapwa residente ng Sta. Ana, habang nakaeskapo ang kasama nilang si alyas “Andy Boy”. Base sa ulat ni Police Major Christian Dee Cacho, hepe ng District Anti – Carnapping unit (DACU) ng Manila Police District, bandang alas-5:38 ng hapon nang dumulog ang complainant na si…
Read MoreBABALIK NA SI YORME ISKO; GOODBYE HONEY LACUNA
BATAY sa mga survey ng Social Weather Station, Pulse Asia, OCTA Research, PhilDATA Trends at sa latest survey – na tinanong ang mga iskolar ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) ay lalong pinatibay ang nakatakdang panalo at pagbabalik ni Yorme Isko bilang alkalde ng lungsod sa palapit na 2025 midterm elections. Kasama na ang dumadagundong na sigaw: Bumalik ka na Yorme Isko, walang puknat na reaksyon ng mga botante at ang tuloy-tuloy na paglago ng suporta sa kanya, hindi na mapipigilan pa, babalik na si Isko. Panahon na para…
Read MoreLibong Batangueño nakilahok ‘PRAYER RALLY’ PARA SA PEACEFUL BATANGAS IKINASA SA BAUAN
LIBU-LIBONG Batangueño ang nagtipon sa bayan ng Bauan para sa Prayer Rally para sa Mapayapang Batangas, na naglalayong itaguyod ang pagkakaisa, pananampalataya, at kapayapaan bago ang darating na halalan. Nagsimula ang programa sa isang ‘Walk for Peace’, 12:30 ng tanghali, simula sa Bauan Technical High School na nagtapos sa Plaza Orense. Sumisimbolo ang ‘Walk for Peace’ sa sama-samang adhikain ng mga Batangueño para sa isang mapayapa at maayos na halalan. Lumahok sa kaganapan ang iba’t ibang sektor ng lipunan, kabilang ang mga pinuno ng relihiyon, opisyal ng gobyerno, komunidad ng…
Read MoreTRABAHO PARTY-LIST UMANGAT SA 2025 SWS SURVEY
TUMAAS nang 19 na pwesto ang 106 Trabaho Party-List sa Stratbase-SWS January 2025 pre-election survey na inilabas ng Social Weather Stations noong Biyernes. Mula sa pagiging top 54-55 noong December 2024 ay naging top 36 na ngayong January 2025 ang Trabaho Party-List sa mga napipisil na iboto ng taumbayan sa darating na halalan sa Mayo. Sang-ayon sa resulta ng survey ay nagpasalamat ang Trabaho Party-List sa opisyal nitong Facebook page: “Isang malaking tagumpay po na nagpapakita ng tiwala ang mga manggagawa sa ating layunin. Maraming salamat po!” Ang pag-angat ng…
Read More