KUNG mayroong higit na nahihirapan sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, lalo na ang pagkain, dahil hindi ito maresolba ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong Marcos Jr., ang mga kababaihan ang siyang tinatamaan ng husto. Ito ang tinuran ni House Assistant Minority Leader Arlene Brosas ng Gabriela Women’s Party kaugnay ng pagsisimula ng National Women’s Month kaya dismayado umano ang mga kababaihan kay Marcos dahil mistulang walang ginagawa ito para mapababa ang presyo ng mga bilihin. “As we open National Women’s Month, we highlight the hardships experienced by…
Read MoreDay: March 2, 2025
Ilang pulis iba kwento sa dinukot na estudyante sa Taguig RESCUE OPS NG AKG ‘SCRIPTED DRAMA’ NI REMULLA?
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) HANDANG ibunyag ng ilang opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang totoong kwento sa dinukot na 14-anyos na estudyante sa Taguig kamakailan. Nagpahayag ng kahandaang dumalo sa pagdinig ng Senado ngayong linggo ang ilang opisyal ng PNP para pabulaanan ang anila’y ‘bad script’ sa insidente na naunang inihayag ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla. Ito ay kaugnay sa iniulat ni Remulla na may “rescue operation” ang Anti-Kidnapping Group (AKG) sa kaso ng 14-anyos na estudyante mula sa British School Manila. Ngunit ang katotohanan umano…
Read MoreKUMPANYANG MAGHA-HIRE NG LOCAL RESIDENTS PINABIBIGYAN NG INSENTIBO
IMINUNGKAHI ni Alyansa senatorial candidate at Makati Mayor Abby Binay na magbigay ng insentibo sa mga kumpanyang magbibigay ng trabaho sa mga lokal na residente. Aniya, ito ay lilikha ng mas maraming trabaho at magpapalago sa lokal na ekonomiya ng mga “bedroom communities,” o mga lokalidad na malapit sa Metro Manila na karamihan sa mga residente ay nagtatrabaho sa Metro Manila. Ipinaliwanag niyang makikinabang dito ang San Jose del Monte, Bulacan, at iba pang katulad na lokalidad kung saan araw-araw bumibyahe papuntang Metro Manila ang maraming residente. Isa rin aniya…
Read MoreBILANG NA ARAW NG MGA ‘TOLONGGES’ SA MAYNILA
ITO ang banta ng tumatakbong alkalde at dating mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso matapos ipahayag na ibabalik niya ang maayos na pamamahala para matiyak ang katahmikan at kaayusan sa mga lansangan, umaga man o gabi. “Ikinakabahala ngayon ng mga taga-Maynila ang mga nangyayari sa Taft Avenue, R-10 at sa iba’t ibang sulok ng Maynila ang nagbabalikan na mga tolongges,” pahayag ni Domagoso sa isang panayam sa himpilan ng radyo. Pagtitiyak ni Domagoso, pananagutin sa batas ang mga tolongges tulad din sa mga pine-present niya noon kada linggo. Binigyang-diin ng dating…
Read MoreCAMPAIGN VIDEO NI QUIBOLOY PWEDE NANG IPALABAS SA MGA RALLY
NAGPAYONG, Lungsod ng Pasig — Simula pa noong Sabado, Marso 1, pinayagan na ng korte na ipalabas ang mga campaign video ng nakadetineng founder ng kongregasyon ng Kingdom of Jesus Christ (KoJC) na si pastor Apollo Quiboloy sa mga rally ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban). Tumatakbong senador si Quiboloy bilang guest candidate ng PDP-Laban sa nalalapit ng midterm elections na nakatakdang sa Mayo 12 ng taong kasalukuyan. Pinaboran ni Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 159 executive judge Rainelda Estacio-Montesa ang petisyon ni Quiboloy na payagan ang…
Read MoreLABAG SA BATAS ANG PAGMAMALUPIT SA HAYOP
THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO NAPAKARAMING kumakalat na mga post sa social media tungkol sa mga pagmamalupit at pagsasamantala sa mga hayop. Sa kabila ng pagsusulong ng mga kampanya at inisyatibang naglalayon na tratuhin ang mga hayop nang tama, para bang hindi pa rin matanggal sa maraming mga tao ang pagiging malupit sa mga nilalang na walang kalaban-laban. Minsan, hindi naman intensyong pagmalupitan ang mga hayop. Mayroong mga insidente na nakatali lang naman ang aso — pero sa ilalim ng tirik na araw, walang tubig at halos buto’t balat na…
Read MoreLOTTOMATIK, INOBASYON PARA SA MAS MALAWAK NA SERBISYO NG PCSO
TARGET NI KA REX CAYANONG SA layuning mapalakas ang benta ng lotto at mapalawig ang pondong inilaan para sa iba’t ibang programang pangkawanggawa ng gobyerno, nakipag-partner ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa DFNN upang ilunsad ang ‘LottoMatik’—isang portable na point-of-sale (PoS) device na nagdadala ng bagong sigla sa pagbili ng lotto tickets. Sa pamamagitan ng LottoMatik, naging mas madali at walang abala ang pagbili ng lotto tickets, nag-aalok ng mas episyenteng paraan upang makibahagi sa mga palaro ng PCSO. Higit pa rito, binibigyang-kakayahan nito ang maliliit na negosyo at mga…
Read MoreLIBRENG TRIP ABROAD NG ANAK NG ILANG PUBLIC OFFICIALS, IKINAKARGA SA PSC?
CLICKBAIT ni JO BARLIZO NUKNUKAN ng galing ang ilang public official. Magaling sa trabaho at magbigay ng serbisyo? Hindi. Magaling igiit ang kapangyarihan at posisyon, pwede pa. Eto ang klasik na halimbawa: Naisasama pala ang mga anak ng ilang public official sa biyahe ng Philippine Sports Commission (PSC) tuwing may palaro sa ibang bansa. Ang siste, libre ang lahat ng gastos. Grabe, gayung hindi naman kawani o opisyal ng PSC ang kanilang mga magulang. Napakapalad naman ng mga anak na ‘yan. Kahit walang legal personality sa ahensya ay naikakarga ang…
Read MoreAYUDA SA SENIOR CITIZENS NG MAYNILA GINAWANG 1K
MAGANDANG balita para sa may 200,000 senior citizens sa lungsod ng Maynila dahil mula ngayong Marso ay magiging isang libong piso na ang matatanggap na financial assistance ng mga lolo at lola. Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna, simula ngayong buwan ay dodoblehin na ang matatanggap na monthly financial assistance na magmumula sa city government kaya bawat isa ay makatatanggap na ng P4,000 kada apat na buwan. “Simula ngayong Marso ay makukuha na po ng ating mga lolo at lola ang kanilang dobladong monthly allowance. Mula P500, ngayon ay P1,000…
Read More