2 ILLEGAL RECRUITERS TIMBOG SA NBI

ARESTADO ng National Bureau of Investigation-Cavite North District Office (CAVIDO North), sa pangunguna ni NBI Director Jaime Santiago, ang dalawang indibidwal sa kasong illegal recruitment and estafa. Nag-ugat ang kaso sa reklamong isinampa ng pitong indibidwal laban sa mga suspek. Ayon sa isang biktima, nakatanggap siya ng tawag mula sa umano’y recruitment agent na nagsabing siya ay mula sa CPL Masters Recruitment Inc., na nag-aalok ng skilled workers positions sa Austria sa pangakong monthly salary na P100,000. Natukso sa malaking sahod, ang biktima ay nag-apply para sa mason position at…

Read More

P238K SHABU INABANDONA SA SUBDIBISYON SA CALAMBA

LAGUNA – Laking gulat ng mga residente ng Spring Homes Subdivision sa Brgy. Bucal, sa Calamba City nang matagpuan ang isang inabandonang bag na naglalaman ng hinihinalang ilegal na droga. Isang residente ang nakakita sa plastic zip-lock bag na iniwan sa Daisy Street pasado alas-4:00 ng hapon noong Martes. Matapos makatanggap ng impormasyon, agad napasugod sa lugar ang mga tauhan ng Calamba City Police. Sa kanilang pagsisiyasat, natuklasang pitong plastic sachets ng hinihinalang shabu ang laman ng bag na iniwan sa gilid ng kalsada. Tinatayang 35 gramo kabuuang timbang nito…

Read More

P200K CASH, GADGETS TINANGAY NG AKYAT-BAHAY

CAVITE – Halos P200,000 halaga ng cash at gadgets ang tinangay ng hinihinalang isang akyat-bahay sa isang negosyante sa Tagaytay City noong Martes ng madaling araw. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-4:00 ng madaling araw nang pasukin ng suspek ang bahay ng negosyanteng si Michael Sinique, 52, sa Brgy. Kaybagal Central, Tagaytay City, sa pamamagitan ng pagdaan sa isang bukas na bintana. Tinangay umano ng suspek ang laptop (P64,000), isang Iphone 15 Promax (P67,000), firearm license, driver’s license, tatlong ATM cards, tatlong credit cards, dalawang earpods, at P20,000 cash,…

Read More

DATING TULAK NIRATRAT

RIZAL – Patay ang isang lalaking dating nakulong dahil sa pagkakasangkot sa bentahan ng ilegal na droga, makaraang pagbabarilin sa kanyang bahay sa Brgy. Mambugan, Antipolo City noong Martes ng gabi. Nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang biktimang kinilalang si Regalado Catanyag Jr., 46-anyos. Ayon sa ulat ng Antipolo Police, bandang alas-10:45 ng gabi, nagpapahinga ang biktima sa kanyang bahay nang biglang dumating ang dalawang armadong lalaki at pinaputukan ito. Agad ding tumakas ang mga suspek patungo sa hindi matukoy na lokasyon matapos ang pamamaril. Dinala…

Read More

Sa petisyon ni Atty. Rodriguez laban sa 2025 budget QUIMBO PINASISIPOT SA KORTE SUPREMA

(JULIET PACOT) INATASAN ng Korte Suprema si Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo na sumipot sa oral argument ukol sa blangkong items sa bicameral conference committee report ng 2025 national budget. Kinumpirma ito ni Atty. Vic Rodriguez, dating executive secretary at ngayon ay tumatakbong senador sa May 2025 election. Aniya, inobliga ng Korte Suprema si Quimbo at mga miyembro ng Technical Working Group ng Senado at House of Representatives, na humarap sa pagpapatuloy ng oral argument patungkol sa isyu sa Abril 1, 2 at 3, 2025. “Ipinag-utos ang pagdalo at…

Read More

P60-B PHILHEALTH FUND NA KINUHA NI MARCOS PINASOSOLI

(CHRISTIAN DALE) HINIMOK kahapon ni Supreme Court Associate Justice Antonio Kho. Jr. ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na hilingin kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na ibalik ang P60 billion pondo na inilipat sa national treasury bilang unprogrammed funds. Iginiit ng mahistrado na dapat gamitin ang naturang mga pondo upang mapalawak pa ang mga benepisyo ng PhilHealth, mapabuti ang mga serbisyo, at kumuha ng karagdagang mga tauhan upang matugunan ang mga pangangailangan sa healthcare ng ating bansa. Sa ulat, sinabi ni Kho. Jr. na napapanahon na para i-overhaul ang…

Read More

DAGDAG ALLOWANCE NG MGA SUNDALO ‘DI TOTOONG TINABLA NG GOBYERNO – SOLON

LALONG nanggigigil ang liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa mga nagkakalat ng fake news matapos palutangin na tinabla ng gobyerno ang dagdag na subsistence allowance ng mga sundalo. “This is a budol, a big lie! These false claims deceive our soldiers and undermine their trust in the government. But the truth is clear—this increase is funded, secured, and guaranteed under the 2025 budget,” ani Deputy Speaker David Suarez. Ayon sa mambabatas, mismong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos aniya ang nag-atas sa Kongreso na itaas sa P350 ang daily subsistence…

Read More

GISAHIN SI VAYAD-O SA SENADO!

BISTADOR ni RUDY SIM HINDI pa man humuhupa ang mainit na isyu ng kapalpakan at posibleng pagtatakip ng Bureau of Immigration kung paano nakatakas sa bansa si dating Bamban, Tarlac, Mayor Alice Guo o Guo Hua Ping, ay muling nababalot ngayon ng imbestigasyon ang pamunuan ni BI Commissioner Joel Anthony Viado matapos umanong makatakas o pinatakas ang isang mayamang South Korean fugitive habang ito ay may escort na jail guards para sa kanyang court hearing sa QC. Si ‘NA IKHYEON’ ay umalis umano sa warden facility sa Camp Bagong Diwa…

Read More

PONDO NG MARIKINA SA PHILHEALTH GINAMIT NA PANG-VIETNAM NI MAYOR?

CLICKBAIT ni JO BARLIZO NATUKLASAN ng Commission on Audit (COA) na ginamit ni Marikina Mayor Marcy Teodoro ang pondo ng PhilHealth sa pagbiyahe sa Vietnam na nagpalakas sa kanyang kasong technical malversation sa Ombudsman. Base sa natuklasan ng COA, kasama sa Vietnam trip na ito si Cong. Maan Teodoro, mga konsehal at iba pang opisyal ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina. Marami ang nagpuputok ang butse ngayon dahil sa milyong pondo mula sa PhilHealth na sa halip sa proyektong pangkalusugan ginamit ay nauwi para sa gastos sa biyaheng Vietnam ng grupo…

Read More