TAUHAN NG BI NA SANGKOT SA PAGTAKAS NG SOKOR FUGITIVE KINASUHAN

KINASUHANna sa Department of Justice ang mga tauhan ng Bureau of Immigration na sangkot sa pagtakas ng isang high-profile South Korean fugitive. Ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, ang pagsasampa ng kaso laban sa personnel ng immigration ay batay sa nakuhang ebidensya gaya ng CCTV footage at testimonya ng mga nakakita Sa footage, makikita na ineskortan ang dayuhan ng immigration personnel sa isang establisyimento para gumamit ng CR. Ilang sandali pa ay lumabas ang pugante na mag-isa saka tumawid sa kalsada at sumakay sa isang get-away vehicle. Tiniyak ni…

Read More

HIRING NG ADMIN SUPPORT STAFF SA DEPED UMARANGKADA

SA utos ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., tuloy-tuloy na ang ginagawang renewal at hiring ng Department of Education (DepEd) ng mga school-based Administrative Support Staff sa ilalim ng Contract of Service (CoS) sa lahat ng pampublikong paaralan sa bansa na may kabuuang bilang na 7,062 empleyado. Layon nito na alisin na sa mga guro ang mga gawaing walang kinalaman sa pagtuturo upang matiyak na nakatuon na lamang ang kanilang pansin at ilalaan ang oras sa pangangailangan ng mga mag-aaral, samantalang ang mga non-teaching staff naman ay gagawa ng mga administratibong…

Read More

MEDIA KAISA NG COMELEC PARA SA MALINIS AT PATAS NA ELEKSYON

ITO ay matapos na magkasundo at lumagda sa ‘pledge of commitment’ ang media organizations sa bansa sa Commission on Elections. Target ng nasabing hakbang na siguraduhing magiging malinis, patas at may integridad ang gaganaping 2025 midterm election. Una rito, nagkaroon muna ng palitan ng mga tanong at suhestyon sa pagitan ng poll body at mga kasapi ng media. Lumahok sa naturang pagpirma ang mga kinatawan ng komisyon at mga kinatawan mula sa TV, radyo, print at maging ng online. Sa isang pahayag, sinabi ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia, boluntaryo…

Read More

PRIVATE SECURITY PERSONNEL BINALAAN SA PAGPAPAGAMIT SA MGA KANDIDATO

NAGBABALA ang Philippine National Police Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (PNP-SOSIA) sa mga private security personnel hinggil sa tamang pagsunod sa mga alituntunin ng kanila propesyon, lalo na ngayong election period. Batay sa inilabas na memorandum advisory ng PNP-SOSIA, ipinagbabawal ang pagdadala ng armas at paggamit sa mga pribadong security personnel bilang bodyguard ng mga kandidato maliban na lang kung may pahintulot mula sa Commission on Elections o Comelec. Inihayag ng PNP supervisory office na dapat tumalima ang mga private secutiry personnel sa umiiral na batas at huwag…

Read More

2 NASAWING PILOTO NG PAF GAGAWARAN NG PARANGAL

GAGAWARAN ng arrival honor at pagkilala ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang dalawang piloto ng Philippine Air Force na nasawi sa isinagawang midnight air support mission para sa ground troops ng Philippine Army na nagsasagawa tactical operation laban sa nalalabing communist New People’s Army sa area ng Mindanao. Inaasahang pangungunahan mismo ni AFP Commander in Chief President Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang pagsalubong at paggawad ng parangal kina Major Salang-oy at 1Lt. April John Dadulla na nasawi habang tumutupad ng kanilang tungkulin. Inaasahan ang pagdating ngayong Sabado ng dalawang piloto…

Read More

DATING SEKYU NG POGO HULI SA PAGBENTA NG TEXT BLASTER

KALABOSO ang dating security guard ng isang POGO hub makaraang madakip sa ikinasang entrapment operation ng PNP-Anti Cybercrime Group (ACG) habang nagbebenta ng IMSI o International Mobile Subscriber Identity catcher o Text Blaster sa Pasay City. Nag-ugat ang pagkaaresto sa suspek makaraang makita sa social media ng mga tauhan ng cyber patrol na ibinibenta ang nasabing device na nagkahalaga ng P600,000. Ayon kay PNP-ACG Director Police Brig. Gen. Bernard Yang, ikinasa ang entrapment operation kung saan kinontak ng isang poseur buyer ang suspek para sa bibilhing nasabing text blaster. Napagkasundo…

Read More

2 BEBOT TIMBOG SA JOINT BUY-BUST OPS NG PDEA, PNP

DALAWANG babaeng hinihinalang bigtime drug personalities ang nadakip sa ikinasang joint buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine National Police sa EDSA Balintawak southbound, Barangay Apolonio Samson, Quezon City. Kinilala ang mga nasakote sa anti-drug operation na si alyas “Lei”, 34, walang hanapbuhay at residente ng Barangay Bagong Barrio, Caloocan City at isang dalagita na residente ng Barangay Balonbato, Quezon City. Matapos na magpositibo ang nakalap na intelligence information at isinagawang surveillance operation ay inilatag ang joint anti-narcotics operation ng mga ahente ng PDEA Regional Office IV-A Special…

Read More