Muling pinatunayan ni PhilHealth Acting President and CEO Dr. Edwin M. Mercado na isakatuparan ang utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyaking “tuloy-tuloy ang serbisyo ng PhilHealth” sa pagtanggal ng polisiya nitong 45-day benefit limit. “Ang 45-day limit sa paggamit ng benepisyo ay lumang estratehiya sa pagkontrol ng gastos. Ngunit sa pagbabago ng ating payment mechanism, napapanahon nang repormahin ito dahil hindi natin mahuhulaan kung kailan mangangailangan ng serbisyong medikal ang mga kababayan natin. Marami sa mga serbisyo ang kinakailangan higit sa 45 araw. Kaya naman nagpapasalamat tayo…
Read MoreDay: March 20, 2025
ROQUE ‘EPAL’ LANG SA KASO NI DUTERTE SA ICC – DOJ
TINAWAG na “irrelevant” at walang kwenta si dating Presidential Spokesperson Harry Roque dahil umano sa pakikiepal nito sa isyu ng International Criminal Court (ICC). Ito ang tahasang inihayag ni Justice Secretary Jesus “Crispin” Remulla hinggil sa mga kasong crimes against humanity na isinampa laban kay dating pangulong Duterte sa The Hague, Netherlands. Sa “Kapihan sa Manila Bay” sa Cafe Adriatico, Malate, Manila, sinabi ni Remulla na sinisiksik lamang ni Roque ang kanyang sarili sa isyu upang magmukhang relevant. “Wala siyang kinalaman dito. Wala siyang bilang,” aniya. Hinikayat din ni Remulla…
Read MoreMAY LIBRENG ANTI-RABIES VAX SA ‘FUR BABIES’ SA MAYNILA
BILANG bahagi sa “Rabies Awareness Month,” inaanyayahan ng pamahalaang lungsod ang mga residente ng Maynila na may alagang “fur babies”, na samantalahin ang libreng anti-rabies vaccination na regular na ibinibigay ng city government sa maraming venues. Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna, ang lokal na pamahalaan ay may vaccination program para sa mga alagang aso at pusa na ginagawa sa City Hall, ng Manila Health Department (MHD) sa ilalim ni Dr. Arnold Pangan. Ito ay bukod pa sa libreng bakuna na ibinibigay tuwing may “Kalinga sa Maynila” na umiikot sa…
Read MoreMAY HINDI NATAWA: STAND-UP COMEDIAN NILIKIDA
PATULOY na kinikilala ng mga kagawad ng Philippine National Police ang mga responsable sa pamamaslang sa isang stand-up comedian na binaril ng ilang ulit sa loob ng isang beerhouse noong Sabado sa Angeles City sa lalawigan ng Pampanga. Matapos ang siyam na oras na pakikipaglaban sa kamatayan, nalagutan ng hininga ang biktimang si Goldenier “Gold” Dagal, 38-anyos, sa Angeles University Foundation Medical Center kung saan siya isinugod matapos na barilin ng tatlong suspek sa katawan at mukha. Batay sa report ng Angeles City Police, nangyari ang krimen noong Sabado ng…
Read More4 CAMPUSES NG CAVITE STATE U, BINULABOG NG BOMB THREAT
CAVITE – Sinuspinde ang klase at pinauwi ang mga estudyante, guro at empleyado makaraang nakatanggap ng tawag ang pamunuan ng Cavite State University (CVSU) na pasasabugin ang kanilang apat na campuses sa Silang, Indang, Cavite City at Bacoor City sa lalawigan. Ayon sa ulat, bandang alas-5:40 ng hapon noong Martes nang makatanggap ng tawag si Dr. Maria Lea Ulanday, OIC Campus administrator, mula kay Dr. Cristina Masibag Signi, Vic President ng CAVSU sa Silang, Brgy. Biga 1, Silang, Cavite campus, na may nag-ulat na may nakatanim na bomba sa kanilang…
Read MoreELECTION VIOLENCE SA MAGUINDANAO TUTULDUKAN NG PNP
INIHAYAG ni PNP chief, Gen. Rommel Francisco Marbil, na tutuldukan ang nagaganap na election related violence sa Maguindanao. Tiniyak ng opisyal na hindi nito pahihintulutan na mamayagpag ang anomang uri ng pananakot at paggamit ng dahas sa lugar lalo na sa papalapit na eleksyon. Sa isinagawang Political Candidates Forum and Peace Covenant Signing sa 6th Infantry Battalion Headquarters sa Awang, Cotabato City, iginiit ni Marbil na ginagawa nila ang lahat para matiyak ang maayos na electoral process. Dagdag pa ng opisyal na poprotektahan ng PNP ang demokrasya at hahayaan na…
Read MoreMILITARY CHECKPOINT PINAPUTUKAN, 2 PATAY
MAGUINDANAO DEL SUR – Patay ang dalawang lalaki nang makipagbarilan sa mga sundalo sa kagustuhang makatakas sa mga nakabantay sa isang checkpoint sa Barangay Old Maganoy, sa bayan ng Datu Abdullah Sangki sa lalawigan noong Martes ng umaga. Ayon kay Lt. Col. Udgie Villan, commanding officer ng 33rd Infantry Battalion, naalerto ang mga nakabantay sa Maganoy Detachment nang mamataan ang kahina-hinalang puting minivan na may plate number MAN 1169, at naobserbahang nag-aalangan na tumawid sa checkpoint. Bago pa tumapat sa nasabing checkpoint ay pinaputukan umano ang mga sundalo ng mga…
Read More11 VLOGGERS NAMUMURO SA CONTEMPT SA KAMARA
NAMUMURO sa contempt ang labing-isang social media personality at vlogger nang muli nilang ini-snub ang House Tri-Committee sa imbitasyon nitong dumalo sa pagsasagawa ng pagdinig noong nakaraang Biyernes kaugnay sa pagkalat ng mga fake news sa social media. Kabilang sa 11 malapit nang i-contempt ng House ay sina dating communications secretary Trixie Cruz-Angeles at mga vlogger o social media influencer na sina Aeron Peña, Allan Troy ‘Sass’ Rogando Sasot, Elizabeth Joie Cruz, Dr. Ethel Pineda Garcia, Jeffrey Almendras Celiz, Krizette Laureta Chu, Lorraine Marie Tablang Badoy-Partosa, Mark Anthony Lopez, Mary…
Read MoreNagbago ng tono ‘BATO’ HINDI NA SUSUKO SA ICC
KINUMPIRMA ni Senador Ronald Bato dela Rosa na kabilang sa kanyang opsyon sa sandaling lumabas na ang warrant of arrest laban sa kanya ang pagtatago at pagkakanlong sa Senado. Sa phonepatch interview ng Senate Media, tila nagbago ng isip ang senador sa nauna niyang pahayag na handa siyang sumuko kapag mayroon na siyang warrant of arrest upang makasama si dating pangulong Rodrigo Duterte sa kulungan at kanya itong maalagaan. Ipinaliwanag ni dela Rosa na mahirap ang sitwasyon sa The Hague kung saan maging ang anak ng dating pangulo na si…
Read More