MAGHAHAIN ng panukalang batas si ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo para mabigyan ng pension ang mga overseas Filipino workers (OFWs) pag-nagretiro na ang mga ito at nagpasyang manirahan na lang sa bansa. Sa ambush interview ng media kamakailan, sinabi ni Cong. Tulfo, “Mga bagong bayani ang tawag natin sa kanila dahil sa ambag nila sa ekonomiya ng bansa”. “Pero pag-tumanda na sila, naghihirap at umaasa na lang sa bigay ng mga anak. Ganyan ba ang dapat maranasan ng isang bayani?” ani Tulfo na tumatakbong senador sa ilalim ng Alyansa sa Bagong…
Read MoreDay: March 31, 2025
SPEAKER ROMUALDEZ: PAGBISITA NG US DEFENSE CHIEF PATUNAY NG MATIBAY NA ALYANSA NG US AT PH
NAKIISA si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa mainit na pagtanggap ng bansa kay United States Defense Secretary Pete Hegseth, sa kauna-unahang pagbisita nito sa Pilipinas. “His presence reaffirms the deep, historic, and forward-looking alliance that has long bound our two nations in friendship and shared purpose,” ani Speaker Romualdez, pinuno ng Kamara de Representantes na mayroong 306 kinatawan. Ayon kay Speaker Romualdez, ang pagbisita ni Hegseth ay nangyari sa kritikal na panahon sa rehiyon at nagbibigay-diin sa pagnanais na mapanatili ang kapayapaan, katatagan, at pangingibabaw ng batas sa gitna…
Read MoreSUPPORTERS PINAKAKALMA NI SARA DISCAYA
HINIKAYAT ni Pasig City mayoral candidate Sara Discaya ang kanyang mga tagasuporta na manatiling kalmado at iwasan ang pakikipagtalo sa mga tagasuporta ng ibang kandidato. Ginawa ni Discaya ang panawagan makaraang marami ang magpahayag ng pagkadismaya sa aksyon ni Mayor Vico Sotto sa idinaos na peace covenant event isang araw bago ang unang araw ng kampanya para sa mga lokal na kandidato. Sa nasabi kasing event, nakuhanan ng larawan si Sotto na ipinakita niyang kunwari ay mayroon siyang kinakamayan. Ayon sa kampo ni Discaya, dumalo ito sa aktibidad pero hindi…
Read MoreSURVEY: CAJAYON-UY NANGUNA SA CALOOCAN 2ND DISTRICT
MAYORYA ng mga botante ay iboboto si Mitch Cajayon-Uy, re-electionist ng 2nd District Representative ng Caloocan City, kung gaganapin ang halalan ngayong araw. Ito ay base sa isinagawang survey ng Social Weather Station o SWS kung saan nasa 58 porsyento ng 1,800 rehistradong botante sa lugar ang iboboto si Cajayon. Kung ikukumpara sa 35 porsiyentong nakuha ng kanyang karibal, ang SWS Surveys ay nagpapakita ng malawak na margin ni Cajayon laban sa kanyang kalaban sa darating na Congressional race para sa Midterm Elections ngayong taon. Samantala, pitong porsyento ng mga…
Read MoreGOBYERNO SA MAYNILA MARARAMDAMANG MULI – ISKO
RAMDAM na ramdam ang pagnanais ng taga Maynila na maibalik sa pwesto si dating Manila mayor Isko Moreno-Domagoso na ngayon ay mayoralty candidate, katunayan, dinagsa ang Proclamation rally nito sa Moriones, Tondo. Bagama’t umaambon, hindi natinag ang mga tagasuporta at nagmamahal kay Yorme na naghintay para pakinggan ang kanyang mga adhikain para sa pagbuhay sa anila’y napabayaang kabisera. Sa kanyang pagtayo sa entablado, walang ibang sigaw ang Manilenyo kundi ‘bumalik kana…bumalik kana..bumalik kana Yorme’. Kasama ng buong tiket ng Yorme’s Choice, muling nakiusap si Yorme sa mamamayan ng Maynila na…
Read More