VP SARA, ISKO SANIB-PWERSA

NAGSANIB-PWERSA na sina Vice President Sara Duterte at Manila mayoral candidate Isko Moreno. Kasunod ito ng pagdalo ni VP Sara sa campaign rally ng Yorme’s Choice sa Mayhaligue, Distrito dos ng Maynila noong Huwebes ng gabi at pag-endorso ng Bise Presidente sa Team Duterte para sa May 12 elections. Sinuportahan din ni VP Sara si Isko na tumatakbong alkalde ng Maynila gayundin ang kanyang buong tiket dahil naniniwala siyang maganda ang kanilang mga layunin na mamuno sa lungsod. Inilarawan niya kung gaano kabuti ang pamamalakad ni Domagoso sa Maynila noong…

Read More

KAHALAGAHAN NG TURISMO, INFRA DEVELOPMENT SA PAG-UNLAD DINIINAN NI CAMILLE VILLAR

SA pagbanggit sa malaking potensyal ng Benguet bilang destinasyon ng turismo, nangako ang millennial senatorial candidate na si Camille Villar na itutulak ang higit pang mga proyekto na magtataguyod sa lalawigan at sa natitirang bahagi ng Cordillera Autonomous Region (CAR) bilang pangunahing destinasyon sa paglalakbay sa bansa. Sa pagsasalita sa ika-113 Founding Anniversary ng Itogon noong Huwebes, ipinahayag ni Camille Villar ang kanyang paghanga sa mamamayan nito, sa mayamang kasaysayan at likas na yaman nito. Nangako ang batang Villar na ipagpapatuloy ang mga proyektong magsusulong ng pag-unlad sa rehiyon, na…

Read More

POSIBLENG PAKIKIALAM NG BANYAGA SA MAY POLLS PINANGANGAMBAHAN NG ‘ALYANSA’

NAGLABAS ng mariing pahayag ng pakikiisa sa sambayanang Pilipino ang Alyansa Para sa Bagong Pilipinas nitong Biyernes sa gitna ng tumitinding pangamba ukol sa posibleng panghihimasok ng dayuhan sa halalan sa Mayo, kasabay ng pagdedeklara na tanging mga Pilipino ang dapat magpasya para sa kinabukasan ng bansa. “Kaisa ng sambayanang Pilipino ang Alyansa Para sa Bagong Pilipinas. Tayo lamang ang may karapatang humubog sa ating kinabukasan,” ani Navotas Rep. Toby Tiangco, campaign manager ng Senate slate na suportado ng administrasyon. Ginawa ang deklarasyon matapos ang pagbubunyag ng matataas na opisyal…

Read More

SUPREME COURT NAILATAG ANG MGA ALITUNTUNIN SA PAMAMAHAYAG SA MEDIA SUMMIT 2025

MATAGUMPAY ang tatlong araw na Media Summit 2025 na isinagawa ng Korte Suprema sa Lungsod ng Baguio para sa kapakanan ng mga journalist na nagko-cover ng justice beat. Ayon kay Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Sue Ting, layon ng naturang aktibidad na mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga mamamahayag sa tamang pamamaraan ng pagkilos sa Korte Suprema at mas malalim na pag-intindi sa mga terminong ginagamit dito. Giit ni Atty. Ting, mas mapapalalim ng Media Summit ang pang-unawa at kaalaman sa mga desisyon ng korte at maipaalam ito sa…

Read More

VENDORS PARTY-LIST IPINADIDISKWALIPIKA NG KONTRA DAYA

RAPIDO ni PATRICK TULFO SINAMPAHAN ng grupong Kontra Daya ng kasong diskwalipikasyon ang Vendors Party-list sa Commission on Elections (Comelec). Sa tatlumpu’t tatlong pahinang reklamong isinampa sa election body, sinabi ng Kontra Daya na hindi naman kinakatawan ng unang tatlong nominado ng nasabing party-list na sina Malou Lipana, Florencio Pesigan at Sheryl Sandil, ang sektor na kanilang nirerepresenta. Dati ko na pong pinuna sa pitak na ito ang tatlong naunang nominado ng Vendors Party-list na sina Lipana, Pesigan at Sandil. Dahil ayon sa ating pagsasaliksik, hindi naman po mga vendor…

Read More

Serbisyong Isko, babalik na, darating na!

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA ITINAKDA na, hindi na mapipigilan pa: Mangyayari ang nais ng Manilenyo, ito ay maibalik ang totoong serbisyo. Wala nang duda pa: isang malaking tagumpay ang mangyayari sa Mayo 12 — tulad ng itinakda na ng maraming survey, lahat mula sa OCTA Research, Pulse Asia, Social Weather Station, at maging ang Kalye Survey, nangingibabaw si Yorme Isko. Ang pulso at puso ng Manilenyo, tumitibok sa sigla sa pagbabalik ni former Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, at may bonus pang magaling na vice mayor Chi-Chi Atienza…

Read More

FORTY

HOPE ni GUILLER VALENCIA  SABI nila, life begins at forty. Pero sa Bible, very interesting ang number 40. Si Moises ay nanatili sa Mt. Sinai for 40 days bago bumaba ng bundok na bitbit ang tableta na may Sampung Utos. Forty years naman sa wilderness ang mga Israelitas bago nakapasok sa Land of Promise. Si prophet Elijah ay nasa wilderness for 40 days without food in the Mountain of God. Ang pag-eespiya ng Israelitas sa Canaan ay 40 days din. Si Noah ay 40 days and nights ding nasa arko…

Read More

LUMALAKAS ANG ASENSO PINOY, TINGOG AT 4K PARTYLISTS

TARGET ni KA REX CAYANONG SA darating na halalan ngayong May 12, 2025, muli na namang mamimili ang sambayanang Pilipino kung sino ang karapat-dapat na kumatawan sa kanilang tinig sa Kongreso. Kaya sa hanay ng mga party-list na naglalayong itaguyod ang kapakanan ng karaniwang mamamayan, kapansin-pansin ang mabilis na pag-angat ng Asenso Pinoy, batay sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS). Ayon sa naturang survey na isinagawa noong Abril 11–15 at kinomisyon ng Stratbase, nakakuha ang Asenso Pinoy ng 4.08% ng boto mula sa mga respondent na pumili ng…

Read More

VP SARA SA MARCOS ADMIN: BINUBUDOL NA NAMAN TAUMBAYAN

ITINUTURING ni Vice President Sara Duterte na panloloko o pambubudol na naman sa taumbayan ang pagbebenta ng Department of Agriculture (DA) ng P20 kada kilo ng bigas sa Visayas Region. Ang P20 kada kilo ng bigas ay tinatawag na election promise na naglalayong palakasin ang tsansa ng senatorial candidates ng administrasyon. Muli aniya ay sinusubukan na namang lokohin ng administrasyon ang mga tao sa pangako nitong ibenta ang bigas sa P20 kada kilo. “Well, hindi ko alam kung anong motibo nila. Baka, yes, inaano na nila ang mga tao, binubudol…

Read More