ISKO NILAMPASO SINA LACUNA, VERSOZA!

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA BABALIK na, konting araw na lang ang ipaghihintay, babalik na nga si former Manila Mayor Francisco ”Isko Moreno” Domagoso at hindi na ito mapipigil pa. Sa huling resulta ng Voter Preference for Manila City Mayor, April 20-23, ng OCTA Research, ito ang sinasabi: Napakataas na 63% ang nakuha ni Yorme Isko (Aksyon) na sinagot ng 710,980 voters, at si Ate ng Maynila, nakaiiyak naman, 18% lang ang nakubra ni Doktora Honey (ASENSO) sa 205,964 voters na sinundan ni Sam Verzosa (IND), 16% sa 186,361…

Read More

PAREHO LANG NAGING PROBLEMA SA ALLWIN AT TAG CARGO

RAPIDO ni PATRICK TULFO  SA aming pagtugaygay sa isyu ng mga abandonadong balikbayan boxes na patuloy na nadaragdagan sa mga port ng Bureau of Customs, muling nagbalik sa alala ng inyong lingkod ang unang kasong hinawakan namin ukol dito, ito ang labinlimang containers ng Allwin Cargo na nanggaling sa United Arab Emirates (UAE). Ang Allwin Cargo ay pag-aari ng mag-asawang Urbiztondo na matagal nang nag-ooperate sa nasabing bansa pero sa hindi maintindihang kadahilanan ay bigla na lang inabandona ng mga ito ang mga padala ng kanilang mga kliyente. Hindi pa…

Read More

WALANG IMPOSIBLE

HOPE ni GUILLER VALENCIA “For with God nothing will be impossible.” Luke 1:37 NKJV. Dumating si Anghel Gabriel kay Maria, na isang birhen, at sinabi sa kanya na lilimliman siya ng banal na Espiritu at maglilihi siya at manganganak ng isang lalaki. Bukod pa rito, sinabi sa kanya ng anghel na ang kanyang kamag-anak na si Elizabeth, na baog ay nagdadalang tao, siya ay anim na buwan nang buntis. Tinapos ng anghel ang kanyang mensahe sa ating talata sa araw na ito: “Sapagka’t sa Dios ay walang anomang bagay na…

Read More

‘MAISUG’ NAKILAHOK SA LABOR DAY MARCH

NAGSAGAWA rin pagmamartsa ang grupo ng Hakbang ng Maisug bilang pakikiisa sa Araw ng Paggawa kahapon, Mayo Uno. Nagsimulang magmartsa ang grupo mula sa Morayta patungong Liwasang Bonifacio sa Maynila kung saan nagdaos ng maikling programa. Bahagi rin ng programa ang kanilang suporta sa mga tumatakbong senador na ineendorso ni dating pangulong Rodrigo Duterte kabilang si dating executive secretary Atty. Vic Rodriguez. Bago dinala sa The Hague, The Netherlands ang dating pangulo kung saan siya nakakulong dahil sa kasong crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC), hayagan ang kanyang…

Read More

ANAK NI ANSON QUE NILINIS NG PNP SA KIDNAP-SLAY CASE

NILINIS ng Philippine National Police ang pangalan ng anak ng negosyanteng si Anson Tan o Anson Que sa pagkakadawit nito sa pagdukot at pagpatay sa kanyang ama na unang ibinase sa salaysay ng isa pang Chinese national na unang nadakip ng mga awtoridad. Kahapon, inihayag ng PNP na walang direktang ebidensya na nag-uugnay kay Ronxian Gou o Alvin Que, 42-anyos, sa pagdukot at pagpatay sa kanyang amang si Anson Que. Ayon kay PNP spokesperson, B/Gen. Jean Fajardo, nakatakdang magsumite ngayong Biyernes ng mosyon sa Department of Justice ang PNP Anti-Kidnapping…

Read More

SOLON KAY BBM: OBRERO ‘WAG UTUIN SA LIBRENG LRT RIDE

TUWING Labor Day na lang, imbes na disente at nakabubuhay na sahod ang regalo ng gobyerno ay puro mumo lang at pagpapaasa ang ibinibigay sa mga manggagawa na siyang tunay na bumubuhay sa ekonomiya ng ating bansa. Pahayag ito ni House Assistant Minority Leader Arlene Brosas na malungkot na ginunita ang Labor Day dahil mistulang walang plano si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na sertipikahan bilang urgent bill ang ₱200 across-the-board wage increase na ipinasa ng Kamara. “Hindi sapat ang barya-baryang umento sa sahod o libreng sakay sa MRT at…

Read More

VP SARA NAG-AAKUSA NANG WALANG RESIBO – SOLON

PARA pagtakpan at ilihis ang katiwalian sa paggamit ng kanyang confidential and intelligence funds (CIF) na mahigit anim na raang milyong piso, nagbibintang ng korupsyon si Vice President Sara Duterte nang walang maipakitang resibo o pruweba. Ginawa ni House Deputy Majority Leader Paolo Ortega V ang pahayag bilang reaksyon sa statement ni Duterte na malaki na umano ang pinsala ng mali at katiwalian ng Kamara sa pangunguna ni House Speaker Martin Romualdez sa pambansang pondo. “Sa halip na magbato ng malalaking paratang, mas makabubuti kung harapin natin ang mga lehitimong…

Read More

KRISIS SA EDUKASYON ITINUTURING NA NATIONAL EMERGENCY NG SOLON

“THIS is not just a crisis—it’s a national emergency,” ganito inilarawan ni House Deputy Minority Leader France Castro ang kalagayan ng edukasyon sa bansa na lumabas sa pag-aaral ng Philippine Statistics Authority (PSA) na halos 19 milyon graduate ng junior high school ang bumagsak sa literacy dahil hindi nila naiintindihan ang kanilang binabasa. Nagsimula umano ang problema noong 2019 hanggang 2024 kaya hindi na umano ito maituturing na isang educational crisis kundi isa nang national emergency na dapat tugunan agad ng gobyerno. “When one out of five senior high school…

Read More

MALAKING PWERSA NG SAF, CIDG LUMUSOB SA DAVAO

ISINIWALAT ng anak ni dating pangulong Rodrigo Duterte na si Davao City Representative Paolo ‘Polong’ Duterte na nagpadala ng malaking puwersa ang Philippine National Police (PNP) sa kanilang lungsod na naging dahilan para bantayan ng kanilang mga tagasuporta ang kanilang bahay. “As of today, we have monitored the arrival of 30 CIDG (Criminal Investigation and Detection Group) ang 90 SAF (Special Action Force) personnel from Luzon,” ayon kay Duterte na ngayon ay nasa Netherlands kung saan nakakulong ang kanyang ama. Walang ibinigay na impormasyon ang mambabatas kung ano ang misyon…

Read More