ANIM na indibidwal ang binitbit ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI), katuwang ang pulisya ng Pakil Municipal Station ng Laguna, makaraang mabuking sa pamimili ng boto noong Huwebes ng hapon. Kinilala ni NBI Director Jaime Santiago ang mga suspek na sina alyas “Norberto” 51, driver, dismissed police ng Calamba Laguna; “Carlo Ryan”, 42, ng Tondo; “Allan”, dati nang naaresto ng NBI, at dating consultant; “Jojo”, 33, ng Tondo, Manila; “Edgardo”, 57, ng Batangas City, “Ernesto”, 63, habang nakatakas naman ang isang alyas “Limuel” ng Laguna. Base sa…
Read MoreDay: May 9, 2025
3K PULIS MAGBABANTAY SA ELEKSYON SA CAVITE
CAVITE – Umabot sa halos 3,000 puwersa ng seguridad at katuwang na mga ahensiya ng pamahalaan, ang ipakakalat sa buong lalawigan bilang paghahanda sa National Midterm and Local Election sa Mayo 12. Sa pangunguna nina Acting Provincial Director Police Colonel Dwight E. Alegre at Atty. Mitzele Veron Morales-Castro, Provincial Election Supervisor, isinagawa ng Cavite Police Provincial Office (PPO) ang send-off ceremony sa mga awtoridad, katuwang ang mga opisyal mula sa AFP, PCG, SWAT, BFP at RSU at iba’t ibang advocacy support groups, na ginanap sa Camp Gen. Pantaleon Garcia sa…
Read MoreMULTI-MILLION PUSLIT NA YOSI HULI NG CIDG
TINATAYANG P42 milyong halaga ng smuggled cigarettes ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa magkakahiway na police operations na nagresulta sa pagkakadakip sa sampung katao. Ayon sa report na ibinahagi ni CIDG Director, Maj. Gen. Nicolas Torre III, apat na law enforcement operations ang kanilang inilunsad matapos na magpositibo ang kanilang nakalap na intelligence information kaugnay sa kanilang anti-smuggling operation at pagsugpo sa mga pekeng produkto. Nasa humigit-kumulang P5.4 milyong halaga ng sigarilyong may tatak na RGD at Yan ang nakumpiska sa…
Read MoreHIGIT 400 REKLAMO NG VOTE BUYING AT ASR NATANGGAP NG COMELEC
MAHIGIT 400 reklamo ng vote buying at abuse of state resources (ASR) ang iniulat bago ang May 12 midterm elections, ayon sa Commission on Elections (Comelec). Sinabi ni Comelec-Committee on Kontra-Bigay chairperson Commissioner Ernesto Maceda sa “Meet The Manila Press” nitong Martes, kabuuang 439 vote buying at ASR ang inihain hanggang noong Mayo 8. Sa nasabing bilang, 268 ang vote buying, 139 ang ASR, at 41 ang vote buying at ASR. Ayon sa komisyuner, karamihan sa uri ng vote buying na ini-report ay pamamahagi ng pera, cash assistance at pamamahagi…
Read MoreHARASSMENT NG CHINA SA PHIL. NAVY SHIP, INAASAHAN NA – DFA
HINDI umano nababahala ang Department of National Defense sa naganap na panibagong pangha-harass ng China nang dikitan at harangan ng China People’s Liberation Army Navy ships ang nagpapatrolyang Philippine Navy ship sa bisinidad ng Bajo de Masinloc, 11 nautical miles ng Masinloc, Zambales. Hindi na ito naka-aalarma, ayon kay Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro sa isang chance interview matapos ang ginanap na Closing Ceremony para sa Balikatan 40-2025 iteration sa Camp Aguinaldo, Quezon City. “I’m not alarmed and I’m not surprised. Sinasabi ko na matagal na pakikibaka ito, pahayag ng…
Read MoreP.5-M PABUYA SA JOHNNY DAYANG CASE; SUSPEK TUKOY NA
NAGLAAN ng kalahating milyon ang Pamahalaang Panlalawigan ng Aklan at ang lokal na Pamahalaan ng Kalibo sa kinaroroonan ng suspek sa pamamamril sa beteranong mamamahayag na si Johnny Dayang sa Villa Salvacion, Brgy. Andagao, Kalibo noong Abril, 29 taong kasalukuyan. Sa ulat na nakarating sa Kampo Crame, sinabi ni Aklan Police Provincial Office (APPO) spokesperson Police Captain Audrey, sa backtracking ng Special Investigation Task Group (SITG) ay nakilala na ang suspek. Lahat na posibleng dinaanan ng suspek ay ni-review ng SITG ang CCTV footage hanggang sa nakita ito na hindi…
Read More4,125 PDLs KWALIPIKADONG BUMOTO SA LUNES
INUTUSAN ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr. ang mga superintendent ng mga piitan at penal farms na tiyakin ang maayos at mapayapang halalan sa Mayo 12. Ayon sa BuCor, 4,125 persons deprived of liberty (PDL) mula sa iba’t ibang piitan ang kwalipikadong bumoto. Kabilang dito ang mga nakakulong sa New Bilibid Prison, Davao Prison, Leyte Regional Prison, at iba pa. Sinabi ni Catapang na noong Disyembre, nagkaroon ng kasunduan ang BuCor, COMELEC, PAO, at BJMP para magpatupad ng inklusibong pagboto para sa mga PDLs sa mga…
Read MoreVP SARA PINABABASURA SA DOJ KASO LABAN SA KANYA
NAGSUMITE na ng counter affidavit si Vice President Sara Duterte sa Department of Justice kaugnay ng kasong inciting to Sedition at Grave Threats na may kaugnayan sa Cybercrime Prevention Act of 2012 na isinampa ng National Bureau of Investigation. Ito ay matapos sabihin ni VP Duterte na may kinausap na siyang tao para patayin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr, First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez kapag pinatay na siya. Ayon kay Paul Lim, isa sa legal counsel ng Pangalawang Pangulo, laman ng counter affidavit ni VP Duterte…
Read MoreN. ECIJA ‘KULELAT’ NA PROBINSYA SA REGION 3 — DSWD, DTI
BINANSAGANG pinakamahirap na probinsya o ‘poorest of the poor’ sa Gitnang Luzon ang lalawigan ng Nueva Ecija, base sa ulat ng Department of Social Welfare and Development (DWSD) at ng Department of Trade and Industry (DTI). Nasa 6.4 milyong indibidwal ang sinuri ng DSWD kung saan 1,548,767 ang na-identify na poorest of the poor sa Gitnang Luzon. Sa bilang na ito, ang Nueva Ecija ay mayroong pinakamahirap na residente na umaabot sa 417,939. Bumagsak ang kalidad ng kabuhayan ng mga Novo Ecijano sa loob ng mahabang pamumuno ni Governor Aurelio…
Read More