DPA ni BERNARD TAGUINOD TAPOS na ang eleksyon at nagdesisyon na ang mga tao kung sino ang mga politikong nais nilang mamuno o manungkulan sa kanila sa loob ng 1,095 araw mula sa June 30, 2025 hanggang Junes 30, 2028. Pero hindi ko maiwasang malungkot dahil ang desisyon ng mga botante ay base sa perang natanggap nila sa local candidates mula congressman, governor, mayor pababa sa Sangguniang Bayan at City Council. Ang laging pokus natin kasi rito sa Metro Manila ay ‘yung senatorial candidates lang pero ang lala ng sitwasyon…
Read MoreDay: May 19, 2025
KATAPATAN SA PIPILIING SUSUNOD NA PNP CHIEF
PUNA ni JOEL O. AMONGO SA darating Hunyo 7, 2025 ay magreretiro na si PNP chief, Gen. Rommel Francisco D. Marbil kaya nakatutok na ngayon ang atensyon sa kung sino ang susunod na mamumuno sa 230,000 miyembro ng pambansang pulisya. Isa itong napakahalagang transisyon na hindi lamang basta regular na pagpapalit ng liderato – maaari itong makaapekto sa pambansang seguridad, operasyon ng pulisya, at kinabukasan ng bansa. May apat na pangalan ang umiikot sa Camp Crame at sa mga usapan sa hanay ng mga opisyal: sina PNP No. 2 Lt.…
Read MoreRECONCILIATION AFTER ELECTION LUMABO
AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS MAGANDA sana kung mangyayari na back to normal ang mga Pilipino pagkatapos ng 2025 midterm election, kaya lang mukhang hindi ito ang magiging sitwasyon natin dahil ang susunod na pagkakaabalahan ng ating mga mambabatas ay ang impeachment laban kay Vice President Inday Sara Duterte. Bago pa man simulan ang kampanyahan ng 2025 midterm election noong Pebrero 5, 2025, isang impeachment complaint ang inihain laban kay VP Inday Sara na ang kauna-unahang lumagda ay si Rep. Sandro Marcos ng Ilocos Norte at ang pinakahuli ay…
Read MoreDUTERTE YOUTH PEKENG BOSES NG KABATAAN – FARMERS
INAKUSAHAN ng isang grupo ng kababaihang magsasaka na pekeng boses ng mga kabataan ang Duterte Youth party-list kaya hiniling ng mga ito sa Commission on Elections (Comelec) na idiskwalipika ito. Bukod dito, sinabi ni Zen Soriano, tagapagsalita ng Amihan, na maging ang ibang pekeng party-list ay dapat idiskwalipika ng Comelec subalit hindi ito nagbanggit ng partikular pang grupo bukod sa Duterte Youth. “Ang Duterte Youth ay hindi kinatawan ng tunay na boses ng kabataan. Kinatawan sila ng pamilyang Duterte, political dynasties, burukrata kapitalista, at mga trapo. Dapat kalampagin ang Comelec…
Read MoreKATOTOHANAN, PANANAGUTAN LANG SA IMPEACHMENT VS SARA
ITO ang sagot ni Iloilo Congressman Lorenz Defensor na isa sa itinalagang House prosecutor sa impeachment trial sa pahayag ni Vice President Sara Duterte na gusto niyang matuloy ang paglilitis sa kanya dahil nais umano nito ng ‘bloodbath’. Sa Hunyo 3 ay sisimulan na ng Senado na tatayong Impeachment court ang proseso subalit sa pagkatapos pa ng State of the Nation Address (SoNA) ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa July 28 sisimulan ang paglilitis Inamin ni VP Duterte na nais ng kanyang defense team na harangin ang impeachment trial,…
Read MoreRomualdez vs Pulong vs Benitez 3-WAY FIGHT SA SPEAKERSHIP
NAMUMURO ang three-way fight sa Speakership sa 20th Congress kapag pinatulan ni Davao City Representative Paolo ‘Pulong’ Duterte ang pagtutulak sa kanyang kapatid na si Vice President Sara Duterte na kunin ang nasabing posisyon. Unang sinabi ni VP Sara kinausap na niya ang kanyang kuya na tumakbo bilang Speaker o kaya maging Minority Leader ng Kamara subalit hanggang ngayon ay walang sagot dito ang kapatid. Unang lumutang ang pangalan ni Bacolod City Congressman Albee Benitez na posibleng makabangga ni Leyte Representative Martin Romualdez sa House leadership kaya kung sasali pa…
Read More3 PARTY-LIST NAKAKUHA NG 3 UPUAN SA KONGRESO
MAY tig-tatlong pwesto sa 20th Congress ang Akbayan, Duterte Youth at Tingog party-list habang ang ACT-CIS at Ako Bicol ay tig-dalawang pwesto, ayon sa Commission on Elections (Comelec). Ang unang 3 nominado ng Akbayan ay sina Chel Diokno, Percival Cendana at Dadah Kiram Ismula. Ang unang 3 nominado ng Duterte Youth ay sina Drixie Mae Suarez Cardema, Berlin Baday Lingwa at Ron Godfrey Waggawag Bawalan habang sa Tingog ay sina Andrew Julian Romualdez, Jude Acidre at Happy Calatrava. Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia kahapon na magpapatuloy ang proklamasyon ng…
Read MoreHIGIT 800 SCHOOLS KASALI SA REVISED SHS CURRICULUM
MAHIGIT 800 eskuwelahan sa buong bansa ang lalahok sa pilot run ng binagong Senior High School (SHS) curriculum ng basic education program ngayong incoming School Year 2025-2026. Ang paliwanag ni Department of Education (DepEd) Undersecretary Wilfredo Cabral sa isinagawang briefing ng committee on Basic Education and Culture na ang central office ng DepEd ay paunang naglista ng 727 eskwelahan na klasipikado bilang “highly ready” na makasama para sa gagawing pagsubok ng pinalakas at pinatibay na programa para sa Grades 11 at 12. Gayunman, sa nakuhang feedback mula sa Senate committee…
Read MorePAGTUPAD NG FPJ PANDAY BAYANIHAN SA PANGAKO TINIYAK NI POE
KASAMA sa mga iprinoklama ng Comelec kahapon ang FPJ Panday Bayanihan Party-list na nakakuha ng 538,003 boto sa katatapos na midterm elections. Ang first nominee na si Brian Poe Llamanzares ang uupo sa Kongreso sa darating na 20th Congress. Sinamahan si Brian ng inang si Senator Grace Poe sa proklamasyon ng party-list. Matapos ito ay nagbigay ng mensahe ang senadora para pasalamatan ang mga nagtiwala sa anak na si Brian. “Maraming salamat sa Panginoon, at sa tiwala ng ating mga kababayan. Makakaasa kayo na magsisikap ang aking anak para sa…
Read More