WALANG KUKURAP NG MATA! (VP Sara Duterte impeachment trial)

KAPE AT BRANDY ni SONNY T. MALLARI UMPISAHAN na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte! Ito ang ipinagsisigawan ng maraming mamamayan, abogado at eksperto sa batas, negosyante, at ang ilang bumuo ng 1987 Constitution. Maging si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ay nagpahayag din ng pagkadismaya sa pag-antala sa impeachment trial. “To delay the trial or even to abort it is to suppress the TRUTH. It is a sin. The opponent, the devil, is rightly called Prince of Lies,” ang sinabi ng lider ng simbahang Katoliko sa kanyang Facebook…

Read More

MGA AHENSYA NG GOBYERNO NAGSANIB-PWERSA NA

RAPIDO ni PATRICK TULFO NAGKAROON na sa wakas ng pirmahan sa pagitan ng mga ahensya ng gobyerno, ang Department of Trade and Industry (DTI), Department of Finance (DOF), Department of Migrant Workers (DMW), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at Bureau of Customs (BOC), upang hanapan ng solusyon ang lumalalang problema ng mga naabandonang balikbayan boxes sa Bureau of Customs. Layunin ng pagsasanib-pwersa ng naturang mga ahensiya na may kinalaman sa problema, na makagawa ng mga regulasyon o panuntunan para masawata na ang suliraning ito. Sa aking panayam kay Asec. Francis…

Read More

TUNAY NGA BA NA MAY KALAYAAN ANG PILIPINAS?

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA TUNAY nga bang “kalayaan” ang nangyari noong Hunyo 12, 1898? O, ang araw na iyon ay araw na “naipagbili” ang aking mga pangarap bilang isang bansa at lahi? Tara dear readers, buklatin natin ang mga pahina ng ating kasaysayan. Ang unang bugso ng pagpapahayag ng nais nating makalaya sa kuko ng mapanlupig na kolonyalistang Espanya ay nangyari maaaring Agosto 23 o kaya Agosto 26, nang sabay-sabay na pinunit ng mga manghihimagsik ang kanilang mga sedula sa pamumuno ni Gat Andres Bonifacio at mga kasapi…

Read More

TAGUMPAY NI CONG. BONG SUNTAY, TAGUMPAY NG SERBISYONG TAPAT SA Q.C.

TARGET ni KA REX CAYANONG SA kabila ng mainit at mahigpit na laban sa pulitika, nanaig ang boses ng mamamayan ng Quezon City sa pagkapanalo ni 4th District Congressman Bong Suntay laban sa kanyang matinding katunggali na si Rep. Marvin Rillo. Ang tagumpay na ito ay patunay ng paninindigan ng taumbayan para sa isang lider na tunay na naglilingkod, hindi lamang sa panahon ng kampanya, kundi sa bawat araw ng kanyang panunungkulan. Hindi maikakaila na si Cong. Suntay ay isa sa kinikilalang masipag at bukas-palad na mga mambabatas ng lungsod.…

Read More

CONTEMPT VS ROQUE, IBA PA INALIS NA NG KAMARA

MALIBAN kay dating Presidential spokesman Harry Roque na may arrest warrant dahil sa kasong kriminal sa isang korte sa Pampanga, maaari nang magpakita muli sa publiko ang kanyang misis na si Maila Roque matapos bawiin ng Quad Committee ang kanyang contempt order. Bukod sa misis ni Roque, pwede na ring magpakita muli ang dating economic adviser ni dating pangulong Rodrigo Duterte na si Michael Yang kasama sina dating Police Col. Hector Grijaldo at SPO4 Arthur Narsolis. “The motion to lift the contempt order for Col. Grijaldo, spouses Myla and Atty.…

Read More

Senado ‘ginalaw na ang baso’ HOUSE PROSECUTORS: GAME NA

HANDANG-HANDA na ang prosecution panel ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa bakbakan sa Impeachment Court para litisin si Vice President Sara Duterte. Ito ang binigyang-diin ng tagapagsalita ng Kamara na si Atty. Princess Abante kasabay ng pahayag na ikinatuwa ng Kamara na matapos ang apat na buwan ay ‘ginalaw na ng Senado ang baso’. “Well, the House of Representatives welcome this development, ginalaw na po ang baso. Nakinig na po ang Senado sa mga pahayag, hindi lang ng Kamara kundi ng iba’t ibang sektor ng lipunan. At again, handa naman…

Read More

TERMINATION NG IMPEACHMENT VS VP SARA INIHAIN SA SENADO

HINDI pa man pormal na nasisimulan sa Senado ang impeachment trial, inihain ni Senador Robin Padilla ang Senate Resolution 1371 na nagdedeklarang terminated o tapos na nag impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte. Ikinatwiran ni Padilla na mag-aadjourn sine die na ang Kongreso sa Hunyo 13 at lahat ng proceedings nito ay matatapos na. Binanggit niya sa resolusyon na hindi maaaring tumawid sa 20th Congress ang impeachment dahil sa kawalan ng hurisdiksyon. Nakasaad din sa resolusyon ang Rule 44 Sec. 123 ng rules of the Senate kung saan…

Read More

2 HOLDAPER SA TONDO TIMBOG SA 3 MINUTES RESPONSE NG NCRPO

ARESTADO ang dalawang hinihinalang mga holdaper sa isinagawang 3 minutes response ng mga tauhan ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) nitong Martes ng madaling araw sa Tondo, Manila. Sa direktiba ni Police General Nicolas Torre III, PNP chief, bandang alas-2:10 ng madaling araw nang holdapin ang 33-anyos na driver sa Honorio Lopez Boulevard sa Barangay 129 sa Tondo, sakop ng MPD-Raxabago Police Station 1. Agad namang nagresponde ang mga tauhan ni Police Major General Anthony Aberin, NCRPO chief, na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang holdaper na may edad na…

Read More

8 TAGUIG POLICE SINIBAK SA WARRANTLESS SEARCH

IPINASIBAK ni NCRPO Director Police Major General Anthony Aberin ang walo sa 10 pulis na sangkot umano sa pagpasok sa isang bahay nang walang search warrant noong Pebrero 9, 2025. Batay sa isinagawang comprehensive investigation ng Disciplinary Authority ng NCRPO, lumitaw na napatunayang nagkasala sa kasong grave neglect of duty ang substation commander at maparurusahan ito ng one rank demotion. Limang pulis naman ang napatunayang nagkasala sa kasong grave misconduct, less grave misconduct at conduct of unbecoming of a police officer, na may kaparusahang pagkakasibak sa serbisyo. Habang napatunayan namang…

Read More