DPA ni BERNARD TAGUINOD LABING-ISANG araw mula ngayon ay magsisimula na sa kanilang tungkulin ang lahat ng nahalal na mga opisyales ng gobyerno noong May 12, 2025 midterm election, kahit kuwestiyonable pa ang kanilang pagkapanalo. Kahit ‘yung local candidates mula sa mga konsehal ng bayan at lungsod hanggang sa congressmen na namili ng boto ay magsisimula na ang kanilang tatlong taong kapangyarihan at paninilbihan (?) sa taumbayan. Maging ‘yung mga nanalo dahil sa magic at palpak na Miru System, sa ayaw at sa gusto natin ay uupo na, at magtrabaho…
Read MoreDay: June 18, 2025
Singil na Hindi Makatao
GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN MAY video ngayon na kumakalat kung saan isang taxi driver ang naningil ng P1,260 mula NAIA Terminal 3 papuntang Terminal 2. Magkadikit lang ang dalawang terminal pero ganito kalaki ang singil. Hindi ito unang beses na nangyari. Matagal na itong ginagawa ng ilang taxi driver. Ngayon lang talaga may malinaw na ebidensya. Maraming pasahero ang naka-experience na ng ganito. Hindi pa man nakasasakay, may presyo na agad. Hindi metro ang gamit kundi usapan. At kung ayaw mo, iiwan ka nila. Walang pakialam kung may…
Read MoreVIADO HUGAS-KAMAY SA ISSUES SA BI
BISTADOR ni RUDY SIM HABANG mainit ang sigalot ng dalawang matataas na opisyales ng Bureau of Immigration (BI) kaugnay sa isyu ng katiwalian, ay nananatiling matibay pa rin ang pagmumukha ni Commissioner Joel Anthony Viado at nakukuha pa nitong ngumiti sa harap ng media habang nakakubli sa kanyang likuran ang iba’t ibang alegasyon ng katiwalian sa kanyang pamumuno. Matatandaang isang open white paper ang kumalat sa ahensya na nakarating kay PBBM, bagama’t walang pirma ang naturang reklamo ng katiwalian kay Viado ng ilang concerned employees ng ahensya, ay mariin nilang…
Read MoreINTERIM RELEASE NI DIGONG HINAHARANG NG ‘TAMBANGAG’
PUNA ni JOEL O. AMONGO PURSIGIDO talaga ang ilang mga politiko na pabagsakin ang mga Duterte para hindi makaporma ang sinoman sa kanila pagsapit ng 2028 Presidential Election. Matatandaang kamakailan, inakusahan ni Ka Eric Celis na ang administrasyon ni PBBM ay nakipagsabwatan sa makakaliwang grupo para pabagsakin ang mga Duterte. Maging si Senator Imee Marcos ay kumbinsido sa ginagawang pag-atake ng administrasyon ng kanyang kapatid (PBBM) sa mga Duterte, hanggang sa humantong sa pagpapaaresto at pagpapadala kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.…
Read MorePaglaban sa droga ng Marcos admin kulang pa PUBLIKO DAPAT SAFE
SA kabila ng pagtaas o malaking bilang ng ilegal na droga na nasasabat sa mga nakaraang taon, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang estatistika ay hindi sapat maliban na lamang kung makikita at mararamdaman ng publiko ang pagbabago. “It’s not sufficient that you are safe, you must feel safe,” aniya. Kaugnay nito, inatasan ng Pangulo ang Philippine National Police (PNP) at Philippine Coast Guard (PCG) na paigtingin ang seguridad sa lahat ng mga pangunahing drug entry points at tiyakin na kaagad sisirain ang mga nakumpiskang ilegal na droga…
Read MoreKamara sinalag alegasyon ni VP Sara GALAWAN SA KONGRESO MAY KATAPAT NA PONDO
SINALAG ng Kamara ang patutsada ni Vice President Sara Duterte na may mga mambabatas na napilitang pumirma sa impeachment laban sa kanya dahil takot mawalan ng pondo. “Baka masyado na silang nasanay na lahat ng lahat ng galaw ng kanilang mga kakampi ay kailangan may bayad,” ani Atty. Princess Abante, tagapagsalita ng Mababang Kapulungan ng Kongreso. Bago ito ay naglabas ng alegasyon si Duterte na bukod sa hindi umano nabasa ng mga kongresista ang impeachment complaint ay may budget na ibinigay sa mga pumirmang mambabatas. Noong Pebrero 5, 2025, inendorso…
Read MoreBATAS SA PAGGAMIT NG AI PINAPOPORMA
NABIGYANG pansin ang pangangailangan ng batas sa paggamit ng Artificial Intelligence (AI) technology matapos ang kontrobersya kung saan lumitaw na nagiging instrumento ito sa pagpapakalat ng kasinungalingan, maling impormasyon at naratibo. Noong 2023, naghain ng panukala si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers para magtatag ng “superbody” o Artificial Intelligence Development Authority (AIDA) na magre-regulate sa paggamit ng AI Technology subalit hindi ito naipasa ng katatapos na 19th Congress. Dahil dito, iginiit ng mambabatas na kailangang bigyan ng atensyon sa 20th Congress ang nasabing panukala. Hangga’t hindi aniya nare-regulate…
Read More22 PINOY OFFICIALS STRANDED SA ISRAEL
(BERNARD TAGUINOD) KINUMPIRMA ni Israeli Ambassador to the Philippines Ilan Fluss na ilang opisyal sa lokal na pamahalaan ng Pilipinas ang naipit sa Israel kasunod ng tumitinding tensyon nito sa Iran. Sa pahayag ni Fluss noong Martes, Hunyo 17, 2025, nasa 22 local government officials ang stranded sa Israel na binubuo ng 17 mayor at at limang local government representatives. “About 17 mayors and local government representatives, then a few from the dairy industry. So altogether, we have 22 in Israel. I have to say that from what I see,…
Read MoreTOP RANKING COMMUNIST TERRORIST LEADER, 2 PA PATAY SA SAGUPAAN
ISANG top-ranking communist terrorist leader at dalawang tauhan nito ang napaslang nang makasagupa ang tropa ng 93rd Infantry “Bantay Kapayapaan” Battalion ng Philippine Army nitong Miyerkoles ng umaga sa liblib na bahagi ng Barangay Cogon, Carigara, Leyte. Ayon kay Brigadier General Noel Vestuir, commander ng Army 802nd Infantry (Peerless) Brigade, habang nagsasagawa ng tactical patrol operation ang kanilang mga tauhan ay nasabat nila ang grupo ng mga teroristang NPA sa ilalim ng Squad 2, Island Committee (IC) LEVOX ng Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC). Isa sa mga napatay ay…
Read More