EPEKTIBO na mula nitong Hulyo 18 ang P50 daily wage increase sa Metro Manila, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE). Sa Facebook post nitong Biyernes, sinabi ng DOLE na ang daily wage para sa minimum wage earners sa non-agriculture sector sa Metro Manila ay nadagdagan mula P645, ngayon ay P695 na. Samantala, ang daily salary para sa mga manggagawa sa agriculture, retail/service establishments na may 15 manggagawa o mas kakaunti, ay madaragdagan naman mula P608 ay magiging P658. Gayundin sa manufacturing establishments na may regular na empleyado na…
Read MoreDay: July 18, 2025
PAGPASOK NG ‘TREATED’ HAZARDOUS, INFECTIOUS WASTES SA PORAC APRUB SA DENR
PORAC, Pampanga – Ang Environmental Clearance Certificate (ECC) na ibinigay sa Materials Recovery Facility (MRF) ng Primes Waste Solutions Pampanga, Inc. sa Barangay Planas, ang nagpapahintulot umano sa pagpasok ng hazardous waste kabilang ang pathological o infectious waste, sa nasabing lugar. Sa pamamagitan ng ECC na inaprubahan ni DENR R3 Regional Director Martin Jose Despi para sa Prime Waste, ay pinahihintulutan ito na magpatakbo ng isang landfill cell para sa treated hazardous wastes tulad ng iba’t ibang mga basura (pathological o infectious waste) at stabilized na basura (solidified wastes, chemically…
Read More2 PNP ANTI-NARCOTICS COPS HULI SA KASONG ROBBERY
DALAWANG tauhan ng Philippine National Police-Drug Enforcement Unit ang inaresto kaugnay sa umano’y kasong pagnanakaw sa isang print shop sa Pampanga, ayon sa PNP-Police Regional Office 3 (PRO 3). Ito ay matapos na ma-recover ng mga awtoridad ang sasakyan na ginamit umano sa pagnanakaw at makakuha ng mga dokumento na nag-uugnay sa dalawang police officer, sa getaway car. Ayon sa ulat, dinakip ang dalawang kasapi ng Pampanga Police Drug Enforcement Unit (PDEU) kaugnay sa pagnanakaw at umano’y tangkang abduction. Ayon kay PRO 3 chief, Police BGen. Ponce Rogelio Peñones, hindi…
Read MoreNAGTAMPO SA ANAK, KOREANO NAGBIGTI
CAVITE – Nagbigti ang isang 74-anyos na Koreano makaraan ang kanilang pagtatalo ng kanyang anak sa kanilang bahay sa Dasmariñas City, noong Huwebes ng gabi. Kinilala ang biktimang si alyas “Lim”, tubong Shung Ju, South Korea at residente ng Brgy. Burol Main, Dasmariñas City. Ayon sa salaysay ng kanyang anak na si alyas “Chul”, 16, bago ang insidente nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo ng kanyang ama sa kanilang bahay. Upang ‘di na humaba pa ang kanilang pagtatalo, umalis ang binatilyo at tinawag ang kanyang “ina” na live-in partner ng biktima…
Read More24K KATAO APEKTADO KAY CRISING, MAG-UTOL PATAY
UMABOT sa 24,000 indibidwal ang apektado ng patuloy pag-ulan dala ng Bagyong Crising, ayon sa inisyal na ulat na inilabas nitong Biyernes ng umaga ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), habang isang magkapatid ang namatay. Ayon sa inisyal report, namatay ang magkapatid nang mabagsakan sila ng puno ng acacia habang lulan ng motorsiklo sa kasagsagan ng pag-ulan sa bayan ng Ocampo sa lalawigan ng Camarines Sur nitong Biyernes ng hapon. Ayon kay Major Bernardo Peñero, hepe ng Ocampo Police Station, nasawi ang magkapatid na sina Christian Benlayo, 36, at Freddy…
Read More3 NOMINEES NG TINGOG PARTY-LIST NAWALA SA LISTAHAN
NAGKAROON ng pagbabago sa tatlong nominee ng Tingog Party-list na nanalo sa nagdaang eleskyon, ayon sa kumpirmasyon ni Comelec Chairman George Garcia. Sinabi ng poll chief, nawala sa listahan ang nominee numbers 3, 4, at 5 na sina Marie Josephine Diana Calatrava, Alexis De Veyra Yu, at Paul Richard Sevilla Muncada. Paliwanag ni Garcia, alinsunod sa batas ay susundin ng Komisyon ang ranking. Dahil nawala sa listahan ang nasabing mga nominee, nangangahulugan na papalit sa kanila ang pang-anim na nominee na si Yedda Marie Kittilstvedt Romualdez. Maglalabas naman ang komisyon…
Read MorePOSIBLENG SANGKOT SA KASO NG MISSING SABUNGEROS, NASA 30 PERSONALIDAD -DOJ
HIGIT 30 katao ang maaaring sangkot sa kaso ng mga nawawalang sabungero, ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla. Nakipagpulong si Remulla kay Julie “Dondon” Patidongan, alyas Totoy, sa Department of Justice sa Maynila nitong Biyernes upang humingi ng impormasyon at paglilinaw hinggil sa kaso. “We were talking about other people who may be involved… Maybe more than 30,” ani Remulla sa mga mamamahayag. Nang tanungin kung humiling si Patidongan na maging state witness, sinabi ni Remulla na kasalukuyan pa itong pinag-uusapan. “We have to put everything within the context…
Read More2 TRAFFIC ENFORCERS SA MAYNILA SINIBAK SA PANGONGOTONG
DALAWANG traffic enforcers ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang agad na sinibak matapos ang pangongotong sa driver ng isang truck sa kahabaan ng A.H. Lacson Avenue sa España, Maynila. Nakasaad sa memorandum na inaprubahan ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso na inaatasan ang dalawang enforcer na tumigil na sa pagpatupad ng tungkulin dahil sa kanilang pangongotong. Nakunan ang pangyayari ng isang bystander at agad na nag-viral sa social media. Ayon kay MTPB Director Dennis Viaje, ang maling pag-uugali ng naturang mga enforcer ay hindi lamang nakakaapekto sa moral ng…
Read MoreWANTED SA ROBBERY NATIMBOG SA PORT AREA
NADAKIP ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section ng Baseco Police Station 13 ng Manila Police District, ang isang 30-anyos na lalaki na suspek sa kasong robbery sa Sta. Rosa City, Laguna, noong Miyerkoles ng hapon sa Baseco Compound, Port Area, Manila. Kinilala ni MPD Director Police Brigadier General Arnold Evangelista Abad ang suspek na si Lumna Nadsev, nanunuluyan sa Baseco Compound. Ayon kay Police Lieutenant Colonel Rommel Anicete, commander ng MPD Station 13, bandang ala-1:00 ng hapon nang arestuhin ang suspek sa nabanggit na lugar. Nabatid mula kay…
Read More