TARGET ni KA REX CAYANONG MABIGAS na araw nga sa lalawigan ng Nueva Ecija! Sa mga bayan ng Cuyapo, Cabatuan, Malineng, Ungab, at Villa Flores, ramdam ang saya at pasasalamat ng mga mamamayan sa libreng sako-sakong bigas na ipinamigay ng Pamahalaang Panlalawigan. Pinangunahan nina Vice Governor Gil Raymund Umali at dating Gobernador Czarina Umali ang pamamahagi—isang patunay ng tunay na malasakit sa bawat pamilyang Novo Ecijano. Ang simpleng pamimigay ng bigas ay hindi lamang ayuda, kundi simbolo ng pagkalinga at pagkakaisa. Siyempre, sa panahong patuloy na tumataas ang presyo ng…
Read MoreDay: October 9, 2025
DAYCARE WORKER PATAY SA BANGGAAN NG 2 MOTOR
QUEZON – Patay ang isang daycare worker matapos ang salpukan ng dalawang motorsiklo sa kahabaan ng Sitio Bukal, Barangay Binay, sa bayan San Narciso sa lalawigan noong Miyerkoles ng umaga. Batay sa ulat ng San Narciso Municipal Police Station, bandang alas-8:30 ng umaga nang magsalpukan ang minamanehong motorsiklo ng asawa ng biktima na si “Jenelyn”, residente ng Barangay Villa Reyes, at ang motorsiklong minamaneho ng suspek na kinilalang si “Boby”, 43-anyos, isang magsasaka at residente ng Barangay Binay. Ayon sa imbestigasyon, magkasamang bumibiyahe noon si Jenelyn at ang kanyang asawa…
Read MoreP1.3-M DROGA NASABAT SA HVI SA LUCENA
LUCENA CITY – Arestado ang isang high value individual sa ikinasang buy-bust operation ng Provincial Drug Enforcement Unit ng Quezon Police Provincial Office sa Purok Narra, Barangay Isabang sa lungsod nitong Huwebes ng madaling araw. Kinilala ang suspek na si alyas “Jaypee”, 39, residente ng Barangay Guis-Guis, Sariaya, Quezon. Nasamsam sa suspek ang anim na sachet at isang plastic bag ng hinihinalang shabu na may kabuuang bigat na 65 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P1.3 milyon. Matapos ang transaksyon ng suspek at ng isang undercover police, agad itong inaresto at…
Read MoreP16-B SHABU SINUNOG NG PDEA SA CAVITE
CAVITE – Tinatayang P16,086,800,984.03 halaga ng illegal drugs o shabu, ang sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Integrated Waste Management Inc. (IWMI) sa Brgy. Aguado, Trece Martires City nitong Huwebes ng umaga. May kabuuang 2,904,756.6818 gramo ng solid illegal drugs, at 14,117.8500 milliliters na liquid illegal drugs ang sinunog sa pamamagitan ng thermal decomposition thermolysis, isang proseso kung saan sinusunog ang mga ito sa 1,000 degrees centigrade na init. Kabilang sa mga sinunog ang 2,336,482.6324 gramo ng methamphetamine hydrochloride o shabu; 529,906.1246 gramo ng marijuana; 3,067.6948 gramo ng MDMA o ecstasy; 8,790.8800 grams…
Read MoreINTEGRIDAD NI NARTATEZ, BAGONG MUKHA NG PNP – GOITIA
SA panahong madalas sinusukat ang pamumuno sa ingay at pagpapakita, namumukod-tangi si Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. sa kanyang katahimikan at paninindigan. Bilang pinuno ng Philippine National Police (PNP), ipinapakita niya na hindi kailangang maging maingay para maging epektibong lider. Sa halip, pinangungunahan niya ang organisasyon sa pamamagitan ng gawa, disiplina, at tapat na serbisyo sa mamamayan. Ayon kay Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia, si Nartatez ay “isang lider na ibinabalik ang dangal sa serbisyo publiko—tahimik pero matatag.” Mula nang maupo sa puwesto, agad niyang ipinapatupad ang masusing…
Read MoreFOI BILL MAY TSANSA NA — ABANTE
UMAASA si Manila Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr. na matutupad na sa wakas ang matagal nang hinihintay na Freedom of Information (FOI) Bill, matapos itong maisama sa Common Legislative Agenda (CLA) ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC). Si Abante, na siyang House committee on human rights chairman at may-akda ng House Bill 3642 o People’s Freedom of Information Act of 2025, ay nagsabing mahalaga ang nasabing panukala sa kampanya laban sa katiwalian at korapsyon. Kapag naisabatas, magkakaroon na ng akses ang publiko sa Statements of Assets, Liabilities, and Net Worth…
Read MoreP1.7-TRILYONG LUGI SA PSE, FAKE NEWS- GO
FAKE NEWS! — iyan ang matapang na pahayag ni Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Secretary Frederick Go laban sa kumakalat na ulat na umano’y P1.7 trilyong piso ang nawala sa market value ng mga kompanyang nakalista sa Philippine Stock Exchange (PSE) dahil sa isyu ng korapsyon sa flood control projects. Ayon kay Go, pawang kasinungalingan ang nasabing impormasyon na unang lumabas sa social media, kung saan sinasabing umabot sa 12% ang bagsak ng PSE. “The attributed source confirmed na fake news ito at hindi galing…
Read MorePasok sa eskwela at trabaho kinansela LA UNION NIYANIG NG MAGNITUDE 4.8 LINDOL
NAGSUSPINDE ng pasok sa eskwela at trabaho ang ilang local government units (LGUs) sa La Union, Pangasinan, at Benguet nitong Huwebes, matapos maramdaman ang magnitude 4.8 na lindol na tumama sa bayan ng Pugo, La Union. Batay sa inisyal na ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tumama ang lindol dakong alas-10:30 ng umaga, Oktubre 9, at may lalim na 10 kilometro. Ang epicenter ay tinukoy na 2 kilometro hilagang-silangan ng Pugo. Naramdaman ang Intensity V sa Baguio City, habang Intensity III naman sa Aringay, La Union; Bontoc,…
Read MoreREMULLA NANUMPA NA BILANG BAGONG OMBUDSMAN
OPISYAL nang nanumpa bilang bagong Ombudsman ng bansa si dating Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla kahapon sa harap ni Supreme Court Senior Associate Justice Marvic Leonen. Bagaman walang direktang marching orders mula kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sinabi ni Remulla na malinaw ang hangarin ng pangulo — linisin ang gobyerno sa korapsyon at gawing mas maayos at tapat ang pamamahala sa bansa. Ayon sa bagong Ombudsman, uunahin niyang ayusin ang mga guidelines upang masiguro ang maayos na pag-usad ng mga kaso sa kanyang tanggapan. Nagbiro pa si Remulla…
Read More