UHAW SA KATARUNGAN

DPA ni BERNARD TAGUINOD IPINANGAKO ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla na bago magpasko ay may makukulong na mga sangkot sa pinakamalalang katiwalian sa kasaysayan ng bansa… ang harap-harapan at walang takot na pagnanakaw sa flood control projects. Ramdam siguro ng gobyernong ito na uhaw na uhaw na ang mga Pilipino sa katarungan kaya para maibsan ang kanilang pagkauhaw ay siniguro ni Remulla na hindi magiging masaya ang Pasko ng mga nangurakot sa kaban ng bayan. Pero kahit may makukulong bago magpasko, hindi pa rin maibsan ang pagkauhaw ng mga…

Read More

Bakit Hindi Inventory ang Pagbibilang ng Sahig?

GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN NAKATATAWA man sa iba, nakahihiya sa marami ang lumabas na video sa social media kung saan makikita ang isang fastfood crew na nakayuko habang nagtatrabaho. Habang abala ang ibang kasamahan sa pagtanggap ng order at paghahain, siya ay nagbibilang ng tiles sa sahig. Ayon sa ulat, utos daw ito ng kanilang manager bilang bahagi ng “inventory.” Seryoso ba ito? Ang pagbibilang ng tiles ay hindi inventory. Para sa mga crew, hindi ito biro. Ito ay nakaaapekto sa kanilang dangal at tiwala sa kanilang manager.…

Read More

SINGSON KAY BBM: PAIMBESTIGAHAN MO SA ICI ANG ILOCOS NORTE

PUNA ni JOEL O. AMONGO SINABI ni dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson kay Pangulong Junjun Marcos na kung gusto niyang maniwala sa kanya ang mga Pilipino, unahin niyang paimbestigahan sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang mga proyekto ng flood control sa Ilocos Norte na kanyang lalawigan. Natuklasan ni Singson na mismong sa Ilocos Norte ay maraming flood control projects na ang kontraktor ay ang pamilyang Discaya. Sinabi ni Singson, lumalabas na ang Ilocos Norte ay pangatlo sa Bulacan at Mindoro na pinakamalaking pinaglaanan ng pondo para sa flood…

Read More

MULA SA BILYON-BILYONG UTANG, SARILING BAHAY POSIBLE NA!

BISTADOR ni RUDY SIM ANG tahanan ay isang pangunahing pangangailangan. Pangarap ng bawat Pilipino ang magkaroon ng sariling bahay, hindi lang ito nangangahulugan ng seguridad at ginhawa, makatutulong din ito sa pagpapaunlad ng bawat miyembro ng pamilya. Ngunit sa hirap ng buhay ngayon at nagtataasang presyo ng mga bilihin sa Metro Manila, tila suntok sa buwan ang magkaroon ng sariling bahay. Sabi nga ng mga eksperto, umabot na sa 6.5 milyong tahanan ang kakulangan sa pabahay sa buong bansa, at posibleng lumobo pa sa 10 milyon bago matapos ang kasalukuyang…

Read More

BLACK BOX NG BUMAGSAK NA HUEY CHOPPER HINAHANAP PA

GINAGALUGAD ng mga awtoridad ang crash site ng bumagsak na Super Huey helicopter ng Philippine Air Force na ikinamatay ng dalawang piloto at apat na crew nito sa Agusan del Sur. Ayon kay PAF spokesperson, Colonel Ma. Christina Basco, tuloy-tuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Philippine Air Force (PAF) sa bumagsak na Super Huey helicopter, kasama ang ilang mga tauhan mula Scene of the Crime Operatives (SOCO) na nananatiling nasa crash site nitong Miyerkoles, para mahanap ang flight data recorder ng chopper at makalap ang pira-pirasong bahagi nito na magagamit sa…

Read More

‘DIPLOMA MILLS’ SA MGA GURO PINALALANSAG

IPINANAWAGAN ni House Committee on Higher Education Chairman Rep. Jude Acidre sa Commission on Higher Education (CHED) na buwagin ang mga graduate school na tinaguriang “diploma mills” o mga paaralang nagbibigay ng diploma ngunit kulang sa tunay na kalidad ng pagtuturo. Base sa ulat ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II), lumitaw na mahigit kalahati ng mga guro na nag-enroll sa mga graduate school ay walang natututunan sa mga programang ito. “The goal of higher learning for teachers should never be about collecting diplomas. It should be about deepening…

Read More

MAYNILA NAG-DONATE NG P1-M SA CEBU

NANAWAGAN si Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso sa mga Manileño na tumulong sa mga nasalanta ng Bagyong Tino partikular sa mamamayan ng Cebu at iba pang mga lugar. Bilang pakikiisa sa panawagan, ang pamahalaang lungsod ay nagbigay ng donasyong P1 milyon sa pamahalaang panlalawigan at hinimok ang mga residente na mag-ambag sa mga pagsisikap na tumulong. Sa kanyang Facebook live, ipinahayag ni Domagoso ang kanyang pakikiramay sa mga biktima ng Bagyong Tino, na ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ay nag-iwan ng hindi bababa sa 66 patay,…

Read More

DEPENSA NG ABOGADO NI ZALDY CO HINDI BUMENTA

HINDI bumenta sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pahayag ng abogado ni dating Congressman Elizaldy “Zaldy” Co na may seryosong banta sa buhay nito kaya hindi makauwi. Para kay Caloocan City Rep. Edgar Erice, idinadahilan na lamang ni Co ang kanyang seguridad para hindi harapin ng personal ang mga kasong ibinintang sa kanya sa anomalya sa flood control projects. “Kung tunay na may banta sa kanyang buhay bakit hindi siya mag-testify via online upang ipaliwanag lahat ng kanyang kinalaman o ano ang mga tunay na pangyayari,” pahayag ni Erice sa…

Read More

Parehong bagsak ratings PBBM, VP SARA NAGHILAHAN PABABA

KAPWA lumagpak ang trust at performance ratings nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte sa pinakahuling Tugon ng Masa Survey ng OCTA Research para sa ikatlong kwarto ng 2025. Base sa datos, 7 puntos ang ibinaba ng trust rating ni Marcos, mula 64% noong Hulyo tungo sa 57% ngayong Setyembre. Pinakamalakas pa rin ang tiwala sa kanya sa Balance Luzon (67%), kasunod ang NCR (55%), habang tumaas naman ang kanyang distrust rating ng 5 puntos sa 25%, karamihan ay mula Mindanao. Sa performance rating, bumagsak din…

Read More