REQUIRED na ngayon ang sinomang magre-request ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng isang opisyal ng gobyerno na magsumite ng kanilang output report sa loob ng limang araw, ayon sa National Privacy Commission (NPC). Sa panayam ng Bagong Pilipinas Ngayon, ipinaliwanag ni NPC Deputy Commissioner Atty. Jose Belarmino II na ang nasabing report ay kailangang isumite sa repository agency o sa mismong ahensya ng gobyerno kung saan empleyado ang opisyal na pinagmulan ng SALN. Paalala ni Belarmino, sa pagkuha ng SALN ng sinomang opisyal, dapat pa ring…
Read MoreDay: November 5, 2025
PNP magpapakalat ng higit 10K tauhan: 3-DAY ACCOUNTABILITY RALLY NG INC KASADO NA
TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang kahandaan para sa tatlong araw na accountability at transparency rally ng Iglesia ni Cristo (INC) na gaganapin sa Rizal Park sa Maynila. Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Randulf Tuano, mahigit 10,000 pulis mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ang ipakakalat sa buong paligid ng Luneta sa Nobyembre 16, 17, at 18 upang matiyak ang mapayapa at maayos na daloy ng pagtitipon. Bilang bahagi ng seguridad, itataas din ng NCRPO ang alert status habang nakabantay sa anomang posibleng pagbabago sa sitwasyon…
Read MoreP115-M DROGA NASAMSAM NG PDEA
TINATAYANG mahigit P115 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa inilunsad ng joint anti-narcotics operation na pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), sa Cagayan de Oro City. Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, isang coordinated anti-drug operation ang inilatag ng PDEA 10 – Misamis Occidental Provincial Office, katuwang ang PDEA RO 10 – Misamis Oriental PO, MISOR Airport Interdiction Unit, MISOR Seaport Interdiction Unit, PNP COCPO-CIU, PNP COCPO-PS4, at PNP RDEU 10, na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang big time…
Read MoreCash, dokumento tinangay STEEL COMPANY NILOOBAN NG 5 KALALAKIHAN
CAVITE – Pinaghahanap ng pulisya ang limang kalalakihan na pumasok sa isang steel company, iginapos ang naka-duty na security guard at tinangay ang mahahalagang dokumento, identification cards at ‘di nabatid na halaga ng cash sa Carmona City noong Martes ng madaling araw. Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan sa limang kalalakihan. Ayon sa salaysay ni “Katrina”, 37, empleyado ng Grand Shine Iron Steel Corporation sa Brgy. Lantic, Carmona, Cavite, dakong ala-1:00 ng madaling araw nang pumasok ang limang kalalakihan sa bintana at iginapos ang guwardiya na si alyas “Wilfredo”…
Read MoreSEA TRAVEL SUSPENSION SA VISAYAS INALIS NA NG PCG
INALIS na ng Philippine Coast Guard (PCG) Davao Region ang suspensyon ng biyahe ng mga barko sa Visayas dahil sa bumubuting lagay ng panahon. Pinayagan na rin ng PCG station sa Surigao del Norte ang mga sasakyang-pandagat na maglayag mula sa probinsya ng Cebu. Sinabi ni Surigao del Norte PCG station commander, Ensign Roy Christopher Orillaneda, ang tropical cyclone warning signal ay wala na sa Cebu. Nangangahulugang maaari nang tumuloy sa kanilang destinasyon ang stranded na mga pasahero sa daungan sa Surigao City at Lipata. Inalis na rin ng PCG…
Read MoreP268K SHABU, ECSTASY NASABAT SA CAVITE
CAVITE – Tinatayang mahigit sa P200,000 halaga ng umano’y shabu at ecstasy ang nasabat sa nadakip na hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation Bacoor City noong Martes. Hawak na ng Bacoor Component City Police Station (CPS) ang naarestong suspek na si alyas “Polo” ng Bacoor City, Cavite. Ayon sa ulat, bandang alas-8:25 ng umaga, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Cavite Provincial Office, katuwang ang PDEA RO IV-A RSET II at Bacoor Component City Police Station, sa Pinyahan St.,…
Read MoreSuspensyon hinarang ng SC: SUSAN YAP, ALKALDE PA RIN NG TARLAC CITY
MANANATILI sa puwesto at magpapatuloy sa kanyang tungkulin bilang alkalde si Tarlac City Mayor Susan Yap, matapos maglabas ang Korte Suprema ng isang status quo ante order na pansamantalang nagpapatigil sa pagpapatupad ng desisyon ng COMELEC en banc laban sa kanya. Sa kanilang en banc session, iniutos ng Korte Suprema na panatilihin ang status quo sa pagitan ng mga partido, na nangangahulugang patuloy na gaganap si Yap sa kanyang mga tungkulin bilang Alkalde ng Lungsod ng Tarlac habang isinasailalim sa judicial review ang kanyang petisyon. Inatasan din ng Korte Suprema…
Read MoreEPIRA LAW PINAREREPASO
ITINUTULAK ngayon ng Murang Kuryente Partylist na alisin ang 12% Value Added Tax (VAT) sa kuryente na isa sa pangunahing pasanin ng mga Pilipino. Ayon kay Rep. Arthur Yap, napapanahon nang repasuhin ang Electric Power Industry Reform Act of 2001 (EPIRA Law) na siyang nagtakda ng VAT sa bayad sa kuryente ng mga household consumers. Sa ginanap na Kapihan sa Manila Bay sa Adriatico, Manila, sinabi ni Yap na inihain na niya sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na mag-aalis ng VAT sa mga kumukonsumo ng hanggang 300…
Read MorePERMACULTURE IPAKIKILALA SA MGA QCITIZEN
Magtutulungan ang Quezon City Government at Philippine Permaculture Association (PPA) para isulong at ipakilala ang permaculture sa mga QCitizen. Ang permaculture ay isang sustainable system ng matalinong paggamit ng lupa at likas na yaman, kung saan minimal ang nalilikhang basura at napangangalagaan ang kalikasan. Sa pulong ng PPA at lokal na pamahalaan, inilatag ang plano para sa PermaKyusi Conference — isang pagtitipon na tatalakay sa kahalagahan ng permaculture — na gaganapin sa Quezon Memorial Circle mula Nobyembre 27 hanggang 30. Dumalo sa pulong sina Mayor Joy Belmonte, PPA Founder Bert…
Read More