APEKTADO NA EKONOMIYA SA TALAMAK NA KATIWALIAN

CLICKBAIT ni JO BARLIZO BUMAGAL ang takbo ng ekonomiya ng bansa sa 4% nitong third quarter ng taon. Ito ang pinakamababang lebel sa loob ng higit isang dekada kung hindi isasama ang panahon ng pandemya. Ayan, isa raw sa dahilan ang korupsyon sa flood control projects at ang epekto ng mga kalamidad. Naku, hindi pa mawawala ang isyu ng eskandalo ng korupsyon kaya malabong makamit pa ang paglago ng ekonomiya sa 5.5 hanggang 6.5 porsyento ngayong taon. Dahil lugmok ang ibang nasalanta ng mga kalamidad ay rerendahan din nila ang…

Read More

TULONG NA WALANG PATID AT SERBISYONG ABOT-KAMAY MULA SA PCSO

TARGET ni KA REX CAYANONG ISANG malinaw na patunay ng tunay na malasakit ng pamahalaan sa mga Pilipino ang pakikiisa ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa programang Lab for All sa Tanza, Cavite nitong Nobyembre 4. Sa pangunguna nina PCSO General Manager Mel Robles at Chairman Felix Reyes, kasama sina Directors Jennifer Guevara at Janet Mercado, mahigit 1,500 Charitimba ang naipamahagi. Isa itong konkretong tulong para sa mga pamilyang nangangailangan ng kaagapay sa kalusugan at pang-araw-araw na buhay. Hindi lingid sa publiko ang malaking layunin ng Lab for All,…

Read More

OMBUDSMAN NAKURYENTE SA ARREST ORDER VS BATO

TILA nakuryente ang Ombudsman matapos linawin ng Department of Justice (DOJ) na wala pa itong natatanggap na kopya ng umano’y warrant of arrest laban kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa mula sa International Criminal Court (ICC). Sa gitna ng mga kumakalat na ulat, sinabi ni Atty. Polo Martinez, tagapagsalita ng DOJ, na wala pa silang kumpirmasyon hinggil sa sinasabing kautusan ng ICC. “As of this hour, we are currently working to verify this information. We have also not yet seen or received a copy of said arrest warrant. We shall…

Read More

Pwersahan na sa mga pasaway 1M KATAO INILIKAS SA HAGUPIT NG ST UWAN

NAGBABALA ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga residenteng ayaw lumikas sa high-risk areas, kasabay ng utos sa Philippine National Police (PNP) na ipatupad ang pwersahang pagpapalikas kung kinakailangan. Sa inilabas na gabay ng DILG hinggil sa Forced Evacuation and Handling of Residents Refusing to Leave High-Risk Areas, binigyang-diin ng kagawaran na may batas na nagbibigay kapangyarihan sa mga lokal na opisyal at pulis na magsagawa ng mandatory evacuation para sa kaligtasan ng publiko. Ito’y habang naghahanda ang bansa sa Super Typhoon Uwan (international name: Fung-Wong)…

Read More

PAGBUBUKAS NG SESYON NG SENADO SUSPENDIDO

IPINAG-UTOS ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ang suspensyon ng pasok sa Senado, ngayong Lunes, Nobyembre 10. Ito ay bunsod ng inaasahang epekto ng pananalasa ng Super Typhoon Uwan. Dahil dito, suspendido ang nakatakdang pagbabalik ng sesyon ng Senado mula sa halos isang buwang break. Sa pagbabalik sesyon, inaasahang tatalakayin ang ilan pang mahahalagang panukalang batas partikular ang pagbuo ng Independent People’s Commission na tututok sa imbestigasyon sa lahat ng proyekto ng gobyerno gayundin ang 2026 budget at anomalya sa flood control projects. Kamara Wala Ring Pasok Sinuspinde na…

Read More

30% DAGDAG-SAHOD SA MGA KAKAYOD TUWING MAY BAGYO ISINULONG

NAIS ni Senador Loren Legarda na bigyan ng dagdag na sahod na 30% ang mga empleyado sa pribadong sektor na napipilitang pumasok kahit na may bagyo na signal number 3, 4 at 5. Sa Senate Bill 520 na inihain ni Legarda, binigyang-diin na bukod sa maraming bagyo ang pumapasok sa bansa, naka-posisyon din ito sa tinatawag na “Pacific Ring of Fire” kaya nakararanas ng maraming kalamidad katulad ng baha, cyclones, tagtuyot, earthquakes, tsunamis, at landslides. Binanggit pa ng senador na noong 2024, sa ikatlong pagkakataon ay nanguna ang Pilipinas sa…

Read More

MILF COMMANDER PATAY, 2 ANAK SUGATAN SA SAGUPAAN

MAGUINDANAO DEL SUR – Patay ang isang Moro Islamic Liberation Front (MILF) commander habang malubha namang nasugatan ang dalawa niyang anak na lalaki sa nangyaring barilan noong Huwebes ng hapon sa Barangay Ganta, bayan ng Shariff Saydona Mustaph, sa lalawigan. Ayon kay Lt. Col. Jopy Ventura, PNP Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region (PROBAR) spokesperson, sangkot sa nangyaring barilan ang Buisan family, na suportado umano ng MILF Task Force Itihad, at ang pamilya ni Kagi Fahad Sapal, na sinasabing sinuportahan naman ng MILF 105th Base Command. Kinilala sa ulat ang…

Read More

WELLNESS CENTER OWNER, PINUKPOK NG 4 HOLDAPER

CAVITE – Tinutugis ng pulisya ang dalawang riding in tandem suspects na nangholdap sa isang wellness center at pinukpok ng replikang baril sa ulo ang may-ari ng establisimyento sa Bacoor City noong Sabado ng gabi. Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Renz” at “Nico” at dalawang kasamahan, pawang mga residente ng Taguig City at sakay ng dalawang motorsiklo. Ayon sa salaysay ng may-ari ng Beauty Chimezie Wellness Center sa Brgy. Mambog 2, Bacoor City, na si alyas Jaleam, bandang alas-9:30 ng gabi nang pumarada ang apat na mga suspek…

Read More

MAG-AMA NASALPOK NG MOTORSIKLO, 1 PATAY

CAVITE – Nalagutan ng hininga ang isang ama habang inoobserbahan sa pagamutan ang kanyang 10-anyos na lalaking anak makaraang masagasaan ng isang motorsiklo habang tumatawid sa kalsada sa Bacoor City noong Sabado ng gabi. Isinugod sa Southern Tagalog Regional Hospital ang mag-amang sina alyas “Gil”, 40, at “Ken”, 10, residente ng Brgy. Habay 1, Bacoor City, Cavite subalit namatay habang nilalapatan ng lunas ang ama. Isinugod din sa Binakayan Medical Center ang driver ng motorsiklong Suzuki GSX150 na may plakang 566NTJ, na si alyas “Rodrigo”, 73, dahil sa sugat sa…

Read More