RAPIDO ni PATRICK TULFO NANINIWALA si Atty. Michael Henry Yusingco, Senior Research Fellow at the Ateneo Policy Center of the Ateneo School of Government, na hindi lang dapat pagpaliwanagin si Sen. Rodante Marcoleta, kundi dapat ay imbestigahan dahil sa isinumite nitong report ng kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN). Base sa report na ipinasa ni Marcoleta sa Senado, nasa kulang-kulang P52M ang kanyang assets o ari-arian. Pero sa isinumite nitong Statement of Contribution and Expenses (SOCE), umaabot sa P122.5 milyon ang nagastos nito noong nakaraang 2025 National…
Read MoreDay: November 11, 2025
FREEDOM OF INFORMATION BILL, ISABATAS NA!
PUNTO DE BISTA NI BAMBI PURISIMA TALAGANG kailangan na natin ng transparency sa gobyerno at ang Freedom of Information (FOI) law na wala tayo. Sa maraming pagkakataon, nakatago, hindi bukas at malinaw sa publiko ang mga gawain ng gobyerno, lalo na sa pagsasapubliko ng mga impormasyon at mga desisyon at aksyon ng mga halal at hinirang sa posisyon sa lokal at pambansang pamahalaan. Kung may transparency, may FOI law, may makukuhang impormasyon ang taumbayan na magsisiguro na ang mga opisyal ng gobyerno ay mapipigilan at maparurusahan kung gumagawa ng labag,…
Read MoreMAY SAKIT NA OFW SA SAUDI ARABIA, ‘DI PINAUUWI NG KUMPANYA
OFW JUAN ni DR. CHIE LEAGUE UMANDAP ISANG overseas Filipino worker (OFW) na si JR, isang skilled worker sa Riyadh, Saudi Arabia, ang kasalukuyang humaharap sa matinding kalbaryo matapos umanong tanggihan ng kanyang kumpanya ang kanyang kahilingan na makauwi sa Pilipinas, sa kabila ng kanyang lumalalang kondisyon sa kalusugan. Ayon sa pahayag ng kanyang kaanak, noong Hunyo 2024 ay nagsimulang makaranas si JR ng pananakit ng balakang at pwetan, kalakip pa ng pagdumi na may kasamang dugo. Sa una ay inakala niyang ito ay normal lamang, ngunit kalaunan ay hindi…
Read More‘DESTAB LIST’ PRODUKTO NG PANTASYA – PULONG
PINALAGAN ni Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte ang inilabas ni Ramon “Mon” Tulfo na umano’y “destabilization list”, na tinawag niyang “kasinungalingan mula sa isang laos na journalist.” “This guy must be really proud of his imagination — it’s the only thing working harder than his sense of journalism,” banat ni Duterte sa kanyang social media post. Sa listahan ni Tulfo, 16 na indibidwal ang mino-monitor ng gobyerno dahil umano’y nasa likod ng planong destabilisasyon laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Kasama sa listahan sina Romeo Poquiz, Orly de…
Read MoreANTI-POLITICAL DYNASTY AT ICAIC BILL, PRAYORIDAD NA NG KAMARA
UPANG mapalakas ang kampanya laban sa katiwalian at maibalik ang tiwala ng publiko sa pamahalaan, nakatakdang ipasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mga panukalang Anti-Political Dynasty Bill at Independent Commission Against Infrastructure Corruption (ICIAC). Inanunsyo ito ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III sa kanyang talumpati kahapon, sa pagbabalik-trabaho ng Kongreso matapos ang halos isang buwang recess, kalakip ng kanyang pakikiramay sa mga biktima ng bagyong Tino at Uwan. “May isang hamon na patuloy na humahadlang sa pag-unlad—ang korapsyon. Ito ang kalawang ng gobyerno na unti-unting kumakain sa tiwala…
Read MoreQC PINAIGTING KAMPANYA KONTRA FLU-LIKE ILLNESSES
TINIYAK ng Quezon City government na pinaigting nito ang kampanya laban sa Flu-Like Illnesses (FLI) kasunod ng pagtaas ng mga kaso ng naturang sakit sa lungsod. Ayon kay Jovit Junio, Disease Surveillance Officer ng City Epidemiology and Surveillance Division (QCESD) ng QC Health Department, tumataas ang bilang ng mga tinatamaan ng Influenza-Like Illness (ILI) sa lungsod sa mga nakalipas na linggo. Sa datos ng QCESD na inilabas noong Nobyembre 7, umabot sa 2,606 kaso ng ILI ang naitala sa Quezon City — 87 porsiyentong mas mataas kumpara sa 1,394 kaso…
Read MoreAFP TODO-KAYOD SA RELIEF AT ROAD REPAIR SA MGA SINALANTA NI ‘UWAN’
NGAYONG tuluyan nang lumabas ng Philippine Area of Responsibility ang Super Typhoon Uwan, all hands-on deck ang puwersa ng Armed Forces of the Philippines katuwang ang lahat ng major service command sa clearing, repair at restoration operation sa mga nasalantang lugar na hinagupit ng bagyo. Ayon kay Col. Francel Margaret Padilla, AFP Spokesperson, katuwang ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang ahensya na nasa ilalim ng Office of civil Defense at National Disaster Risk Reduction Management Council, nakatutok sila sa malawakang clearing operations, road and bridge repair…
Read MoreDAVAO OCC ‘EPICENTER’ NG GHOST PROJECTS SA MINDANAO ISLAND
KUNG Bulacan ang tinaguriang epicenter ng flood control projects sa buong Luzon, ang Davao Occidental naman ang katumbas nito sa Mindanao, ayon kay House Committee on Public Accounts Chairman at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon. Sa isang press conference kahapon, pinabulaanan ni Ridon ang pahayag ng ilan na walang problema sa flood control projects sa Davao Region, kabilang ang Davao City. “Makikita natin dito na hindi totoo na lahat ng proyekto ay kumpleto at walang problema,” ani Ridon, sabay pakita ng mga larawan ng mga proyektong “incomplete, unconstructed, at…
Read MoreP15K ABULOY SA SIMBAHAN, DINUGAS NG MENOR DE EDAD
CAVITE – Dinugas ng isang menor de edad at kasama nito ang tinatayang P15,000 na abuloy sa simbahan sa General Trias City noong Lunes ng gabi. Hawak na ng Gen. Trias Component City Police Station ang suspek na si alyas “Hyden”, isang out of school youth ng Brgy. San Francisco, habang pinaghahanap ang kasama nitong si alyas “Tino”. Ayon kay Father Ned Pelina, Parish Priest ng St. Gabriel Archangel Parish sa Brgy. San Francisco, Gen. Trias City, bandang alas-7:40 ng gabi nang dumating siya sa simbahan nang mapansin na ang…
Read More