NIREREPASO na ng Department of Education (DepEd) ang classroom observation policy nito kasunod ng pagkamatay ng isang public school teacher habang isinasagawa ang class observation, sa gitna ng matagal nang reklamo ng mga guro ukol sa labis na pressure sa evaluation process. Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, nilinaw niyang hindi na sole basis ang classroom observation sa teacher performance evaluation. “Actually under review ‘yun kasi ‘yun yung reklamo ng mga teachers na minsan masyadong pressure yung environment,” pahayag ni Angara sa isang ambush interview sa San Francisco High School…
Read MoreDay: January 10, 2026
SAKSI NGAYON PHOTOJOURNALIST, PUMANAW HABANG NAGKOKOBER NG TRASLACION
PUMANAW ang SAKSI Ngayon photojournalist na si Itoh Son matapos makaranas ng paninikip ng dibdib habang nagkokober ng Traslacion bandang alas-3 ng madaling araw nitong Enero 9. Ayon sa MDRRMO, isinugod si Son sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, kung saan na-revive pa siya ngunit kalaunan ay binawian din ng buhay, ayon sa kumpirmasyon ng pamilya. Binigyang-pugay ng pamunuan ng SAKSI Ngayon ang kanyang dedikasyon, tapang at propesyonalismo sa hanapbuhay. Samantala, base sa tala ng Philippine Red Cross, umabot sa 298 katao ang nabigyan ng medikal na tulong sa…
Read More₱143-M LUXURY CARS NA KONEKTADO KAY ZALDY CO, SINAMSAM NG BOC
WALONG mamahaling sasakyan na tinatayang nagkakahalaga ng ₱143 milyon ang kinumpiska ng Bureau of Customs (BOC) at iniuugnay umano kay dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co. Isinilbi ang warrant of seizure sa mga sasakyang nakaparada sa isang multi-level parking facility sa BGC, Taguig City, kasunod ng intelligence report ng Independent Commission for Infrastructure (ICI). Pinaghihinalaang iligal na na-import ang mga sasakyan at konektado sa mga alegasyon ng maanomalyang flood control projects. Siyam ang sakop ng warrant ngunit walo lamang ang kumpirmadong nasamsam. Pinangunahan ang operasyon ng BOC katuwang ang…
Read MoreTRASLACION CROWD NABAWASAN; ANDAS BUMAGAL SA AGRESIBONG KABATAAN
MAS kaunti ang lumahok sa Traslacion ngayong taon kumpara noong 2025, ayon sa pamunuan ng Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno. Tinatayang aabot pa rin sa halos isang milyon ang kabuuang crowd, subalit hindi umano kasing-dami ng nagdaang taon. Ayon sa Quiapo Church, bumagal ang usad ng andas dahil sa mga kabataang agresibong sumasalubong, humahawak sa lubid at umaakyat sa andas, dahilan para umatras-abante ang prusisyon. Dahil dito, mas nagtagal ang Traslacion kumpara sa mga nakaraang taon. Patuloy ang panawagan ng mga organizer sa mga deboto—lalo na sa…
Read More₱104-M SUPERLOTTO, ₱10-M LOTTO JACKPOT NATUMBOK!
INSTANT milyonaryo ang tatlong masuwerteng mananaya ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) matapos matumbok ang dalawang major jackpot. Ayon kay PCSO Vice Chairman at General Manager Melquiades “Mel” Robles, dalawang mananaya ang maghahati sa ₱104,548,763.10 jackpot ng SuperLotto 6/49 na may winning combination na 09-11-12-24-26-30. Nabili ang mga tiket sa Caloocan City at Los Baños, Laguna. Samantala, nasolo ng isang mananaya ang ₱10,042,884.60 jackpot ng Lotto 6/42 na may kombinasyong 00-11-13-17-29-32, na binili sa Project 7, Quezon City. Binobola ang SuperLotto 6/49 tuwing Martes, Huwebes at Linggo, habang ang Lotto…
Read More