PUNA ni JOEL O. AMONGO KANYA-KANYANG tanggi ngayon ang mga opisyal ng pamahalaan na pinangalanan ng 18 dating mga sundalo, na hinatiran umano nila ng paper bag at male-maletang pera mula sa utos ng kanilang boss na si dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co. Kamakailan sa isang press conference na pinangunahan ni Atty. Levito Baligod, isiniwalat ng 18 dating mga sundalo na nag-deliver sila ng limpak-limpak na pera sa iba’t ibang mga opisyal ng pamahalaan. Siyempre, kabilang umano sa kanilang hinatiran ay si PBBM at ang pinsan nito na…
Read MoreDay: March 2, 2026
MAHIGIT 2M OFWs APEKTADO SA GULO SA MIDDLE EAST
AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS KUNG magpapatuloy ang gulo sa pagitan ng US-Israel laban sa Iran, tinatayang mahigit sa dalawang milyong Overseas Filipino Workers (OFWs) ang maaapektuhan. Nitong nakaraan ay nagsanib ang Estados Unidos at Israel para bombahin ang Iran, nasa 500 iba’t ibang lugar sa Iran ang pinuntirya ng magkakamping bansa, kabilang na ang Tehran kung saan tinamaan ang kinaroroonan ng Supreme Leader na si Ayatollah Ali Khamenei na ikinasawi nito. Bukod kay Khamenei, nasawi rin ang maraming iba pang mga opisyal ng Iran sa isinagawang airstrike ng…
Read MorePACQUIAO-MAYWEATHER II: HIGIT SA ISANG REMATCH, ISANG MISYON NG KARANGALAN
TARGET ni KA REX CAYANONG SA mundo ng boksing, iilan lamang ang may tapang na balikan ang isang laban na minsang nagdulot ng pagkadismaya. Ngunit para kay Manny Pacquiao, ang nalalapit na rematch kay Floyd Mayweather Jr. ay hindi simpleng paghihiganti. Ito ay isang misyon upang itama ang kasaysayan at patunayan ang patuloy na tibay ng isang alamat. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang kanilang unang sagupaan noong 2015 kung saan nanaig si Mayweather sa pamamagitan ng unanimous decision. Gayunman, ang tunay na sukatan ng isang kampeon ay hindi…
Read MoreHAZING VICTIM NA INIWAN SA OSPITAL, NAMATAY
CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa isang pasyenteng biktima ng hazing na dinala ng isang sasakyang Mitsubishi Mirage sa isang ospital at iniwan na kalaunan ay namatay sa Gen. Trias City noong Linggo, Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng pasyenteng biktima na dinala sa Gen. Trias Medical Hospital sa Brgy. Manggahan, General Trias City, bandang alas-2:11 ng hapon. Ayon sa ulat, isang Mitsubishi Mirage na may plakang NAV 9489, ang dumating sa nasabing ospital na may dalang pasyente na umano’y biktima ng hit and run, tinawag ang hospital…
Read More20 POSIBLENG KUTA NI ATONG ANG, SINALAKAY
INIHAYAG ni PNP chief, PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. na patuloy ang kanilang paghahanap sa negosyanteng si Charlie “Atong” Ang. Sinabi ni Nartatez, sa isinagawang press briefing sa Camp Crame, hindi lalagpas sa 20 lugar ang sinalakay ng operation team na posibleng pinagtataguan ng negosyante. ‘Yung ibang lugar ay naka-tatlong beses na binisita ng mga operation team, subalit bigo pa rin silang matagpuan. Sa ngayon, tinitingnan nila ang mga kaibigan ni Ang, na posibleng tumutulong sa pagtatago sa negosyante. Meron na rin umanong mga isla rito sa Pilipinas na may…
Read MorePNP NAKAALERTO SA POSIBLENG ‘SPILLOVER EFFECTS’ NG GIYERA SA ME
NAKAALERTO ang Philippine National Police (PNP) sa posibleng spillover effects sa bansa ng nagpapatuloy na giyera sa Gitnang Silangan. Ayon kay PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr., inatasan na niya ang PNP Intelligence Group na paigtingin ang pagmamanman sa extremist narratives at online radicalization. Bagamat wala pang namo-monitor na direktang banta kaugnay ng sigalot sa Middle East, mahigpit umanong binabantayan ng PNP ang anomang development na maaaring makaapekto sa internal security ng bansa. Patuloy rin ang koordinasyon ng pulisya sa Armed Forces of the Philippines at iba pang…
Read MoreANTI ROAD RAGE ACT, INIHAIN NI SANDRO MARCOS SA KAMARA
BILANG proteksyon sa mga motorista laban sa mga siga-siga sa daan, inihain ni House Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos ang House Bill No. 8190 o “Anti Road Rage Act.” Layunin ng panukala na gawing criminal offense ang road rage at magpataw ng mabigat na parusa sa sinomang mapatutunayang nagkasala. Ayon kay Marcos, kailangang malinaw ang depinisyon ng road rage at hindi ito dapat ituring na simpleng away-trapiko kung ito ay naglalagay sa panganib sa buhay, ari-arian at kaligtasan ng iba. Sa ilalim ng panukala, ang road rage…
Read MorePAGLILINAW NG NSC, DND, AFP: EDCA SITES HINDI US MILITARY FACILITIES
AGAD nilinaw ng National Security Council (NSC) at Department of National Defense (DND) na hindi military facilities ng Estados Unidos ang mga EDCA sites kaya hindi ito target ng anomang retaliatory attack ng Iran. Ayon kay Defense Spokesman Arsenio Andolong, nananatiling nakapokus ang kasalukuyang hostilidad sa Gitnang Silangan at walang kredibleng direktang banta sa Pilipinas o sa mga pasilidad nito. Binigyang-diin niyang ang Pilipinas ay hindi bahagi ng naturang teatro ng digmaan. Dagdag pa niya, ang mga pag-atake ng Iran ay nakatuon sa mga pasilidad ng Estados Unidos sa mga…
Read MoreLIBRENG CANCER SCREENING ISINUSULONG SA KAMARA
ISINUSULONG ni Leyte Rep. Martin Romualdez ang panukalang Cancer Risk Screening and Awareness Act na magbibigay ng libreng screening para sa breast, cervical, colorectal at prostate cancers. Layunin ng House Bill No. 7942 na mapalakas ang early detection upang maiwasan ang cancer deaths at mabawasan ang gastusing medikal ng mga pamilya. Tinukoy ni Romualdez ang datos ng Philippine Statistics Authority na nagsasabing ikatlong pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga Pilipino ang cancer. Sa ilalim ng panukala, magsasagawa ang Department of Health (DOH), katuwang ang mga LGU at health centers, ng…
Read More