1,720 ARESTADO SA COMELEC GUN BAN

UMABOT na sa 1,720 ang bilang ng mga nahuling lumabag sa ipinatutupad na gun ban ng Commission on Elections (COMELEC) sa loob lamang ng 60 araw na implementasyon nito.

Sa datos ng Philippine National Police, nasa 1,654 ng mga naaresto ay pawang mga sibilyan, 27 ang security guards, habang 15 naman ang kasapi ng pulisya, siyam sa hanay ng mga sundalo at may 15 iba pa na mula sa mga ahensya ng pamahalaan.

Resulta ito ng 1,598 police operation na ikinasa sa iba’t ibang panig ng bansa buhat nang magsimula ang panahon ng halalan.

Sumampa naman sa 1,325 ang kabuuang bilang ng nakumpiskang mga armas, kabilang ang 662 deadly weapons at pampasabog habang nasa 7,426 ang nasamsam na mga bala. (JESSE KABEL)

76

Related posts

Leave a Comment