883 NEW COVID CASES SA CALABARZON

NAKAPAGTALA ang Department of Health DOH 4-A ng 883 panibagong kaso ng COVID-19 sa CALABARZON.

Sa bagong talaang inilabas ng ahensya noong Miyerkoles, umabot na sa 87,457 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso sa CALABARZON mula nang magsimula ang pandemya noong nakaraang taon.

Ang naitalang may pinakamataas na bilang ng aktibong kaso ang lalawigan ng Cavite na umabot sa 3,094; sumunod ang Rizal na may 2.184; Laguna, 1,986; Batangas, 1,095; Quezon, 373, at Lucena City, 28.

Tumaas naman ang bilang ng mga gumaling sa sakit na umabot sa 76,268 at 2,447 naman ang namatay.

Gayunpaman, patuloy ang paalala ng DOH4-A sa mamamayan na ugaliing sundin ang mga aalituntunin at health protocols upang maiwasan ang nakamamatay na virus. (CYRILL QUILO)

109

Related posts

Leave a Comment