50% ABSENT SA ONLINE CLASSES

“MAY mga report na kalahati lang ng kabataan ang nakapasok sa kanilang online class.”

Ito ang pahayag ni Rep. France Castro sa kanilang monitoring sa mga guro na miyembro ng Alliance of Concerned Teachers na kanyang kinakatawan sa mababang kapulungan.

Hindi na ito ikinagulat ng mambabatas dahil hindi umano pinaghandaan nang husto ang blended learning na ipinatupad ng Department of Education (DepEd) habang nasa gitna ng pandemya ang bansa dahil sa COVID-19.

“Hanggang ngayon, hindi pa rin kumpleto ang mga modyul ng mga bata, hindi lahat ay nabigyan ng gadgets, kulang na kulang ang binibigay sa mga guro na teaching expenses allowance para sa mga bagong moda ng pagtuturo,” ani Castro.

Bukod sa gadgets ay hirap na hirap din ang internet connection lalo na sa mga lalawigan kaya hindi nakapapasok sa kanilang online classes ang mga estudyante.

Tulad ng lahat, nais umano ni Castro na maging matagumpay ang blended learning subalit dehado aniya rito ang mga anak ng mahihirap na walang pambili ng gadgets, walang internet connection kaya kahit nakapag-enroll ang mga ito ay hindi sila nakapapasok sa kanilang online classes.

Dahil dito, nangangamba ang mambabatas na marami ang magda-dropout ngayong school year at madaragdagan pa ang may 3 milyon na hindi nakapag-enroll kung hindi aayusin ng DepEd ang problema sa lalong madaling panahon.

“Kung hindi gumawa ng paraan ang mga guro, magulang at opisyal ng lokal na pamahalaan, malamang hindi nakapagsimula muli ang pasukan ngayong Oktubre,” ani Castro.

Iminungkahi naman ni Quezon City Rep. Alfred Vargas sa DepEd, Department of Information and Communications Technology (DICT) at mga Telecommunication Companies (Telcos) na maisaayos ang problemang blended learning.

“DepEd should also find ways to bring down the cost of internet access for educational activities.

It would be better if teachers and students can log on to online class portals for free so cost would no longer be a concern,” ani Vargas. (BERNARD TAGUINOD)

182

Related posts

Leave a Comment