298 DINAPUAN NG DELTA VARIANT SA CALABARZON

UMAKYAT na sa 298 ang bilang ng mga dinapuan ng mas mabagsik na Delta variant ng COVID-19 sa buong rehiyon ng Calabarzon.

Sa pinakahuling ulat na inilabas ng Regional Biosurveillance noong Setyembre 5, nakapagtala sa lalawigan ng Laguna ng 85 kaso habang sa Cavite naman ay 71 cases; Rizal, 62l; Batangas, 43; Quezon, 26, at Lucena City, 11 ang kaso.

Walo sa mga ito ang binawian ng buhay sa buong rehiyon, tig-dalawa sa lalawigan ng Rizal at Quezon habang sa tig-iisa naman sa Cavite, Laguna, Batangas at Lucena City.

Napag-alaman na lumobo ang bilang ng mga tinamaan ng Delta variant matapos ang isinagawang mass testing ang Department of Health Region 4-A kaugnay sa “Project DELTA” (Detect Early Local Transmission through Antigen Testing) sa lalawigan ng Quezon noong Setyembre 1-3, 2021 sa mga residente sa Brgy. Manggalang sa Sariaya, Brgy. Buliran sa San Antonio, at Brgy. Lusacan sa Tiaong.

Ayon kay DOH4-A Regional Director Eduardo Janairo, dalawang pasyente pa na may kaso ng Delta variant ang ginagamot sa Quezon, 172 pasyente naman ang mga nakarekober na at 116 ang bineberipika pa. (CYRILL QUILO)

84

Related posts

Leave a Comment