“8484” TEXT HOTLINE NG BOC INILUNSAD

8484 TEXT HOTLINE

(Ni JOEL O. AMONGO)

PORMAL na ring  inilunsad ng Bureau of Customs (BOC) Intelligence Group (IG) kamakailan ang “8484” bilang isang special text hotline number para maisumbong ang masamang gawain sa Aduana.

Ang nasabing  text hotline ay maaaring direktang mai-report ng publiko ang sinumang BOC official o empleyado na gumawa ng iregularidad na transaksyon sa brokers/importers/fixers at iba pa na may kinalaman sa smuggling, panunuhol, ilegal na droga at iba pang gawaing ilegal.

Sa pamamagitan ng pagpapadala ng text message sa “8484” na may kumpletong detalye ng 5Ws at 1H (who, what, when, where, why at how) ma¬ging ang mamamayan  na makapagpadala ng  pinaghihinalaang corruption-related incidents ay makatitiyak na sila’y mananatiling hindi malalaman  ang pagkaka¬kilanlan.

Itinatag ang  nabanggit na  special reporting hotline system para sa publiko upang magkaroon sila ng boses na makapagreklamo na walang kinatatakutan at ang pinakamahalaga ay makatulong sa Bureau para mawala ang korapsyon sa mga matataas na opisyal man o mababang ranggo.

Ang “8484” hotline, sa pakikipagtulungan ng third-party provider, ay pansamantalang  bukas pa lamang para sa mga Globe-TM users 24/7.

Nauna rito, ay nagbigay ng direktiba si Customs Commissioner Rey Leo¬nardo B. Guerrero sa lahat ng District Collectors na alamin nila ang kanilang mga tagasunod at tiyakin na ginagampanan nila ang kanilang mga gawain.

“Set a good example for them to follow – do not commit graft and corruption,” bilin pa ng Customs chief.

243

Related posts

Leave a Comment