PATULOY ang pagpasok ng mga bakuna sa bansa na tinatanggap ng Bureau of Customs (BOC).
Ang pinakabagong dumating, sa pamamagitan ng Port of Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ay ang 324,090 dosis ng bakunang Pfizer-BioNTech.
Dumating ito noong Hulyo 26 NAIA-Terminal 3.
Ang nasabing mga bakuna ay aprubado sa NAIA’s One Stop Shop bago pa dumating sa nasabing paliparan.
Nang dumating ang mga bakuna ay agad na binantayan patungo sa itinakdang cold storage facility.
Ang Pfizer-BioNTech na mula sa United States of America ay isa sa mga bakunang binigyan ng Emergency Use Authorization (EUA) ng Food and Drug Administration (FDA).
Noong Mayo 10, dumating sa bansa ang unang batch ng Pfizer na naglaman ng 193,050 dosis.
Maayos ding tinanggap ang mga ito ng BOC.
Sa kasalukuyan, mayroong 3,364,920 dosis ng bakunang Pfizer ang iprinoseso ng BOC mula noong Mayo. (Joel O. Amongo)
92