316 TIMBOG SA 1 WEEK ANTI-CRIME OPS SA LAGUNA

LAGUNA – Umabot sa 316 drug personalities at iba pang crime suspects ang natimbog sa isang linggong kampanya laban sa kriminalidad sa lalawigang ito.

Ayon kay P/Col. Randy Glenn Silvio, Officer-in-Charge ng Laguna PPO, 124 sa mga arestado ay most wanted persons sa lalawigan.

“Mula August 15 hanggang 31, nagkaroon tayo ng iba’t ibang operation laban sa illegal drugs, loose firearms, most wanted and other wanted persons, at illegal gambling na nagresulta sa pagkaaresto ng 316 suspects at iba pang akusado,” ayon kay Silvio.

Sa arestadong most wanted persons, tatlo ang regional level most wanted persons, tatlo ang ang provincial level at 31 naman ang city at municipal level habang 84 ang nabibilang sa other wanted persons.

Ayon pa sa opisyal, ang mga naaresto ay may warrant of arrest sa mga kasong rape, rape with sexual assault, child rape, selling and possessing of illegal drugs, carnapping, qualified theft (38 counts), human trafficking, frustrated murder, attempted murder, child abuse, illegal possession of firearms and ammunition, robbery with violence, robbery, at acts of lasciviousness.

Samatala, 83 naman ang naaresto sa anti-illegal drug operations at nasa 65,72 grams ng hinihinalang  shabu na may estimated value na P498,62, at 23.57 grams ng marijuana na may estimated value na P11,700, ang nakumpiska.

Habang umabot sa 109 katao ang natimbog dahil sa ilegal na sugal. (NILOU DEL CARMEN)

172

Related posts

Leave a Comment