5 ARESTADO SA SHABU, MARIJUANA

TINATAYANG P476,000 halaga ng shabu at P180,000 halaga ng marijuana ang nakumpiska noong Sabado ng hapon sa magkahiwalay na buy-bust operations sa mga lungsod ng Muntinlupa, at Makati.

Sa naantalang police report kahapon ng umaga, dakong alas-4:50 ng hapon noong Sabado, nagsagawa ng buy-bust operation ang Station Drugs Enforcement Unit, na pinangungunahan ni P/Maj. Peter Aquino, sa Purok 2, Brgy. Cupang, Muntinlupa City, na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek na kinilalang sina Ramil Geremillo at Marcelino Obzunar, magkapitbahay sa Purok 2, Brgy. Cupang, Muntinlupa City.

Nakumpiska sa dalawang suspek ang 6 piraso ng sachet na naglalaman ng 70 gramo ng shabu na tinatayang P476,000 ang halaga at buy-bust money.

Samantala, dakong alas-9:48 ng gabi noong Sabado, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng DID/D2, na pinamumunuan ni P/Maj. Henrix Bancoleta; at ang DDEU-SPD, na
pingungunahan ni P/Maj. Jerome Wangkey, kasama ang mga pulis ng PCP 8, ng Makati City Police Station, sa pangunguna ni P/Cpt. Avel Sualibio, sa kanto ng J.P. Rizal Extension at P. Burgos St., Brgy. West Rembo, Makati City, na nagresulta sa pagkakadakip sa tatlong suspek na kinilalang sina Nicko Payoyo, Grade 12 student; Dominick Dolojan, 21 anyos, at Angelo Ray Gallego, 24, may-ari ng computer shop.

Nakumpiska sa mga suspek ang P500 bill, 1 sachet ng marijuana; cellphone, isang motorsiklo at dalawang selyadong plastic na naglalaman ng marijuana.

Ang 1,500 gramo ng marijuana na may presyong P180,000, ay dinala sa SPD Crime Laboratory para sa chemical examination. (DAVE MEDINA)

202

Related posts

Leave a Comment