157 NEW COVID CASES NAITALA SA NAVOTAS

INIHAYAG ni Navotas City Mayor Toby Tiangco noong Sabado na sa huling ulat ng City Health Office, 157 ang nagpositibo sa COVID-19, at at isa sa kanila ang binawian ng buhay habang 71 ang gumaling na.

Kaugnay nito, iginiit ng alkalde ang kahalagahang mapababa ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod para makahinga ang ating healthcare system at upang hindi ito tuluyang bumagsak.

“Puno na po ang dalawa nating community isolation facilities. Kaya po nagdadala na tayo ng mga pasyente sa walong iba’t ibang isolation facilities na handog ng pamahalaang nasyonal. Pero kahit ang mga ito ay napupuno na rin. Pati ang ilang malalaking ospital ay hindi na tumatanggap ng mga bagong pasyente dahil sobra na sila sa kanilang kapasidad,” anang punong-lungsod.

Hanggang noong Sabado, 3,225 na ang nagpopisitibo sa nasabing sakit sa lungsod.  Sa nasabing bilang, 1,760 ang active cases, 1,363 ang gumaling na at 102 ang namamatay.

“Malaki po ang ating maitutulong para maiwasang mangyari ito: manatili sa bahay hanggang maaari, magsuot ng face mask nang tama, dumistansya ng 1-2 metro mula sa iba, at maghugas parati ng kamay,” muling paalala ni Tiangco.

Hanggang alas-5:00 ng hapon noong Sabado, 836 modified enhanced community quarantine violators na ang nadakip. Sa bilang na ito, 765 ang sinakote dahil sa hindi pagsusuot o maling pagsusuot ng faces mask, 35 dahil sa pagsuway sa curfew, at 36 dahil sa hindi pagsunod sa physical distancing. (ALAIN AJERO)

80

Related posts

Leave a Comment