538 PINOY SA CRUISE SHIP SA JAPAN IUUWI NA

IPINAG-UTOS na kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagpapauwi sa mga Pilipinong sakay ng Diamond Princess Cruise Ship matapos makumpleto ang labing apat na araw na quarantine period dahil sa

coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa isang tweet, inatasan ni DFA Secretary Teddy Locsin Jr. ang Embahada ng Pilipinas sa Tokyo na agad i-repatriate ang 538 na Pilipinong sakay ng nasabing barko.

Sinabi ni Locsin, tungkulin ng gobyerno na alagaan ang mga Pinoy roon at gusto na nilang umuwi sa lalong madaling panahon.

Sa ngayon aniya, inaayos na ng embahada sa pakikipag-ugnayan sa gobyerno ng Japan at MV Princess cruise ship ang mga detalye, logistics at schedule ng pagpapauwi sa mga Pinoy na sumailalim sa 14 araw na quarantine sa barko.

Base sa rekord ng Department of Health, 41 sa 500 Filipino sa cruise ship ay nagpositibo sa COVID-19.
Samantala, magaling na ang unang tripulanteng Pinoy na nagpositibo rin sa COVID-19 habang sakay ng cruise ship sa Japan.

Ayon sa embahada ng Japan sa Tokyo, tagumpay na nagamot ang Pinoy crew na na-confine noong Pebrero 5 sa nasabing bansa. ROSE PULGAR

SIKRETONG PASILIDAD
Samantala, nakahanap na ng lugar ang Department of Health (DOH) kung saan dadalhin ang mga Pinoy na ire-repatriate galing Japan na sakay ng MV Princess cruise ship.

Sa isang press conference ay sinabi ni DOH Assistant Secretary Dr. Maria Rosario Vergeire na hindi pa nila maaaring sabihin kung saan ang lugar na ito upang hindi maalarma ang mga residente at lokal na pamahaalan ng naturang lugar.

Makikipagpulong pa lamang sila sa napiling lokal na pamahalaan upang ipabatid ang kanilang plano.
Sinuri na rin ito ng Department of Interior and Local Government (DILG) matapos makipag-ugnayan sa kanila ang DOH.

Ginawa ito ng ahensya upang hindi na maulit ang nangyari sa Capas, Tarlac, kung saan tinutulan ng mga residente na gawing quarantine area ng mga OFW na galing sa China ang kanilang lugar. DAHLIA S. ANIN

 

90

Related posts

Leave a Comment