HK-BOUND COCAINE NA-INTERCEPT SA NAIA

NA-INTERCEPT sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang Hong Kong bound cocaine na tinatayang P2.358 milyon ang halaga.

Ayon sa impormasyong nakalap ng pahayagang ito, nakatakdang ipuslit ang ilegal na droga patungong Hongkong at idineklara bilang motorcycle mufflers, brake pads at radiator hose.

Itinago ang ilegal na droga sa loob ng motorcycles mufflers upang malayang makalabas sa bansa sa lalong madaling panahon.

Agad namang ikinasa ng dalawang ahensiya ng pamahalaan ang hot pursuit operation laban sa exporter ng kontrabando, dahil sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at RA 10863 o Customs Modernization And Tariff Act (CMTA). (FROILAN MORALLOS)

75

Related posts

Leave a Comment