182 PERSONNEL NG BULACAN PNP ISINALANG SA DRUG TEST

BULACAN – Sumailalim sa surprised drug test ang 182 personnel ng Bulacan Police Provincial Office (BPPO), sa pakikipag-koordinasyon sa Bulacan Crime Laboratory Office sa Camp. Gen. Alejo S. Santos sa Malolos City sa lalawigang ito, noong Lunes.

Pinangunahan ni P/Col. Lawrence B. Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, ang sorpresang drug test at kabuuang 165 uniformed personnel at 17 non-uniformed personnel ang kaagad na sumailalim sa nasabing pagsusuri.

Sinabi P/Col. Cajipe, patuloy nilang susuportahan ang PNP’s thrust for internal cleansing at titiyakin ang matinding pagsisikap ng Bulacan PNP na linisin ang kanilang hanay sa ‘rough cops’. (GINA BORLONGAN)

59

Related posts

Leave a Comment