KAPANGYARIHAN NG KAMARA PAHIHINAIN NG SENADO

TILA inamin ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na mababalewala ang kanilang papel at kapangyarihan sa ilalim ng saligang batas sa magiging aksyon umano ng Senado sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Ginawa ni Atty. Princess Abante ang pahayag dahil sa report na sa Miyerkoles, Agosto 6, ay pagbobotohan ng Senado ang desisyon ng Korte Suprema na nagbasura sa Impeachment case laban kay Duterte.

“Any premature action—such as a Senate vote effectively abandoning the impeachment trial—may be interpreted as a disregard of due process. Worse, it may be construed as a political shortcut that undermines the constitutional role of the House,” ani Abante, tagapagsalita ng Kamara.

Magugunita na unang idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang impeachment case laban kay Duterte sa botong 13-0 subalit binigyan ang Kamara ng pagkakataon na iapela ito sa loob ng 15 araw.

Dahil dito, merong hanggang Agosto 11 ang Kamara na maghain ng Motion for Reconsideration at bagama’t hindi pa pormal na naihain ang apela ay magdedesisyon na umano ang Senado na katigan ang desisyon ng SC.

“Let us be clear: the decision of the Supreme Court is not yet final. The House of Representatives, as the body vested by the Constitution with the exclusive power and authority to initiate an impeachment, will file a Motion for Reconsideration soon. This is a matter of constitutional right and institutional integrity,” giit ni Abante.

Gayunpaman, mababalewala o pahihinain ng Senado ang kapangyarihang ito ng Kamara kapag itinuloy nila ang pagbasura sa impeachment case laban sa Pangalawang Pangulo na inaakusahang naglustay ng P612.5 milyong confidential funds noong 2023 bukod sa P125 milyon noong 2022 na ginastos sa loob lamang ng 11 araw.

Base sa mga report, 19 hanggang 20 senador umano ang boboto para hindi na ituloy ang impeachment trial laban kay VP Sara bagay na kinuwestiyon ni Akbayan party-list Rep. Perci Cendaña dahil tila nagmamadali ang mga itong ibasura ang kaso.

“Puno na ba ang jeep at nagmamadali sila? May inihain pang MR ang mga citizen petitioners sa SC to reverse their decision. Dapat aksyunan muna ‘yun ng Korte. Dapat hindi maiwanan ang pananagutan at katarungan,” parunggit ni Cendaña sa mga senador.

(BERNARD TAGUINOD)

127

Related posts

Leave a Comment