Mga manloloko gumagala sa Aduana
BAGAMAN tapos na Holiday Seasons, muling nagpalabas ng scam alert para sa 2020 ang Bureau of Customs (BOC) Port of Davao dahil sa patuloy na pagkalat ng mga nambibiktima.
Marami pa pa ring gumagala sa Port of Davao na mga manloloko.
Bunga nito, kaagad na pinaalalahanan ng BOC ang kanilang stakeholders at customers na maging alerto at mapagmatyag sa posibleng makakasagupa nilang panloloko tulad ng ‘Customs Love Scam’ lalo pa’t malapit na ang buwan ng Pebrero.
Noong nakaraang Disyembre, nagpaalala na rin ang BOC dahil sa umiikot na manloloko sa iba’t ibang distrito sa bansa kung saan ang binibiktima ay bagahe o package na padala ng mga kamag-anak ng mga ito na nasa abroad.
Madalas ay tawag ang ginagawa ng sindikato sa kanilang biktima na sasabihang hindi mailabas sa BOC ang padala para sa kanila ng kamag-anak dahil malaki ang bagahe at malaki ang babayarang duties and taxes para mailabas.
Kapag nakumbinsi ng sindikato ang biktima, sasabihin na ipadala sa kanya ang pera na pambayad sa pamamagitan ng money transfer ngunit natapos matanggap ang pera, hindi na makontak ang manloloko.
Kaya’t upang mabawasan kung hindi man matigil ang mga panloloko, nagpalabas ang BOC ng “Scam Alert 2020” na nagbibigay ng babala sa mga mamamayan na may inaasahang padala ang ilang kamag-anak na nasa abroad. (Joel Amongo)
160