UMAABOT na sa 215 ang namatay sa tigdas, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.
Dahil dito, hindi tumitigil ang kagawaran sa pakikipag-ugnayan sa mga magulang na pabakunahan ang mga anak para makaiwas sa sakit.
Sinabi ni Duque na bukod sa pagkakaroon ng malinis na kapaligiran at malusog na pamumuhay, ang pagpapabakuna ay isang mabisang paraan para makaiwas sa sakit.
Tiniyak nito sa publiko na ligtas ang measles vaccine at iba umano ito sa Dengvaxia na bakuna laban sa dengue.
Kasabay nito, ikinatuwa ng kalihim ang pag-absuwelto sa kanya ng Department of Justice (DoJ) sa mga kasong isinampa ng Public Attorney’s Office (PAO)
Aniya, noon pa man ay alam na niyang ibabasura lamang ng DoJ ang reklamo laban sa kanya hinggil sa pagkakasangkot sa kontrobersiyal na Dengvaxia vaccine.
281