ISANG pagpupugay ng mga kababayan nating Pilipino maging ng mga dayuhan na humanga sa galing na ipinakita ng Banda El Gobernador na siyang napili ng lokal na pamahalaan ng Bacoor Cavite upang magtanghal sa Madison Ave. New York City noong nakaraang June 1 sa ginanap na 127th Philippine Independence Anniversary. Karangalan hindi lamang sa mga taga Bacoor kundi maging sa bitbit nilang bandila ng bansang Pilipinas na iwinagayway sa mataong lugar ng America at sa kanilang pag-uwi sa bansa ay dala ang isang ngiti at saya na taas noong ibinahagi…
Read MoreAuthor: admin 3
MAY THE FORCE BE WITH YOU!
KAPE AT BRANDY ni SONNY T. MALLARI ASTIG ang desisyon ni PBBM nang piliin niya si Police General Nicolas Torre III bilang bagong pinuno ng Philippine National Police (PNP) kapalit ni General Rommel Marbil na magreretiro sa June 7. Marami ang pumuri sa pagkakapili sa kanya at isa na ang kolumnistang ito. Pinutol ni PBBM ang tradisyon na nagsimula noong 1991 na ang lahat ng pinuno ng PNP ay nagtapos sa Philippine Military Academy (PMA). Si Torre ay produkto ng Philippine National Police Academy (PNPA), class of 1993. Ang pulis…
Read MoreILLITERATE NA EMPLEYADO GINUGULANGAN NG EMPLOYER
RAPIDO ni PATRICK TULFO ISANG malaking construction firm ang Millenium Erectors Corporation, kung pagbabasehan ang mga proyektong kanilang ginawa at natapos na. Ito ang kuwento sa amin ng aming complainant na si Mang Vicente Mamenta, 60 years old at tubong Misamis Oriental. Nagtanong si Mang Vicente sa inyong lingkod kung tama ba ang P60,000 na retirement pay na inaalok sa kanya ng Millenium Erectors matapos ang paninilbihan niya rito ng mahigit kumulang sa 22 na taon. Mali! ‘Yan ang po ang aking tugon, at upang mabigyan kami ng mas malinaw…
Read MoreTHE PEOPLE HAVE SPOKEN!
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA NAGSALITA na ang makapangyarihang taumbayan, at ito ay dapat na igalang ng lahat, at ang tamang landas na dapat hakbangin ngayong natapos na ang eleksyon, ay ang pagkakaisa, at ang pagsisikap na gamutin, paghilumin ang masasakit na sugat na nalikha sa nakaraang mainit na kampanyahan. Ito ang unang hakbang na gagawin ni Mayor-elect Francisco “Isko Moreno” Domagoso, matapos na siya at si Vice Mayor-elect Chi Atienza ay pormal na idineklarang nanalo sa napakainit na tunggaliang pulitikal sa Maynila. Sa panayam ng mamamahayag, matapos na…
Read MoreONLINE COMPLAINT DESK PARA SA MGA MANILEÑO, MULING PINABUBUKSAN NI YORME ISKO
TARGET ni KA REX CAYANONG ISANG makabago at makataong inisyatibo ang muling isinusulong sa lungsod ng Maynila sa darating na Hunyo 30—ang pagbabalik ng Online Complaint Desk. Ayon kay Mayor Isko Moreno, ito ay hakbang upang gawing abot-kamay, mabilis, at makabuluhan ang serbisyo ng pamahalaan para sa bawat Manileño. Sa panahon ngayon na halos lahat ng aspeto ng ating buhay ay konektado na sa internet, hindi na dapat maging hadlang ang trapik o kakulangan ng oras upang makapagsumbong ng reklamo o makapagbigay ng mungkahi. “Dadaanan natin ang information superhighway. One…
Read MoreKulto Sa Senado?
Tinawag naman ng isang militanteng mambabatas bilang “Kulto ni Duterte” ang isang grupo umano ng mga senador na nais idelay ang impeachment trial ni Duterte hanggang June 30 upang hindi na ito matuloy. “Eto ba yung Kulto ni Duterte na mga nanalo na sa Senado?,” sagot ni ACT party-list Rep. France Castro nang tanungin ukol sa umano’y isang bloc sa Senado na nais patagalin ang impeachment complaint hanggang sa katapusan ng buwan. Gayunpaman, hindi nabanggit kung sino-sinong senador ang bumubuo sa umano’y binuong grupo sa Senado na haharang sa proseso…
Read MoreSOLON KAY CHIZ: HINDI ITO PARIS FASHION WEEK
PINATUTSADAHAN ng isang mambabatas sa Kamara si Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero dahil mistulang dinelay umano nito ang impeachment trial laban sa Bise Presidente. “Natatakot ba siya kay Sara Duterte?” Tanong ni Akbayan party-list Representative Perci Cendaña. Unang itinakda ni Escudero ang pagbasa sa articles of impeachment noong Hunyo 2 subalit inurong ito sa Hunyo 11 dahil kailangang tapusin muna ang mga legislative assignment ng 19th Congress, bagay na pinagdudahan ng mga mambabatas. “Hindi po ito Paris fashion week. Convening the Senate as an impeachment court is a solemn constitutional…
Read MoreDOJ IPINAUBAYA SA KORTE KONSOLIDASYON NG KASO NI TEVES
IPINAUBAYA ng Department of Justice (DOJ) sa mga hukom ang desisyon kung pag-iisahin ang patong-patong na kaso ni dating Negros Oriental Congressman Arnulfo Teves Jr. Ani Justice Spokesperson, Assistant Secretary Mico Clavano, pinag-aaralan ng Prosecutor General kung magsusumite sila ng manifestation sa mga korte kung saan may kaso si Teves para hilingin na pag-isahin ang mga kaso o payagan na lamang ang video conferencing. Paliwanag ni Clavano, prayoridad nila ang seguridad ni Teves pero nakadepende pa rin ito sa mga prosecutor kung papayagan ang consolidation ng mga kaso para madala…
Read MoreSENADO KINONTRA SA BSKE SA DISYEMBRE
TINUTULAN ng isang mambabatas sa Kamara ang plano ng Senado na ituloy ang Barangay and Sangguniang Kabataan Election sa Disyembre ngayong taon dahil masyadong maiksi umano ang termino ng incumbent officials. Ayon kay Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez, magiging dalawang taon at dalawang buwan na maninilbihan ang mga incumbent barangay at SK officials kung itutuloy ang eleksyon sa Disyembre. “The officials will not be given enough time to fully implement their plans, programs and activities which they have promised their constituents,” pahayag ng mambabatas matapos sabihin ni Senate…
Read More