PINAALALAHANAN ng Malakanyang ang publiko na nag-aalok ang gobyerno ng free anti-rabies vaccination. “Sakaling nakagat o nakalmot kayo ng inyong mga alagang aso at pusa —nangangamba sa rabies— libre po ang pagbabakuna sa mga government hospital,” ang sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro. Ang ‘rabies’ ay itinuturing ng bansa na public health problem. Para aniya sa mga dudulog naman sa private hospital, may animal bite package naman ang PhilHealth. Samantala, may libre namang immunization para sa mga batang edad 0 hanggang 5 sa lahat…
Read MoreAuthor: admin 3
BATANG BABAE KINAPITAN NG SALABAY, PATAY
QUEZON – Namatay ang isang 5-anyos na batang babae makaraang kapitan umano ng salabay o dikya habang naliligo sa isang beach resort sa bayan ng Buenavista sa lalawigan noong Lunes, Hunyo 2. Ayon sa report ng pulisya, nagtungo ang pamilya ng biktima sa Deocales Resort, sa Brgy. Mabutag para sa family outing. Bandang alas-12:00 ng tanghali, naliligo ang isang tiya ng biktima nang lumusong ang bata at tumabi sa paliligo nito. Magkatabing naliligo ang dalawa nang bigla na lamang sumigaw ang bata. Nakapitan na pala ito ng salabay sa kanyang…
Read MoreDALAGITA NATAGPUANG PATAY SA ILALIM NG TULAY
CAVITE – Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Cavite Police hinggil sa natagpuang bangkay ng isang menor de edad na babae sa ilalim ng tulay sa Dasmariñas City noong Lunes ng gabi. Ang biktimang si alyas “Jean”, estudyante, ng Brgy. Fatima, Dasmariñas City, ay halos nangangamoy na ang bangkay at hindi na makilala dahil durog ang mukha nang matagpuan ito. Hawak na ng pulisya ang suspek na kinilalang si alyas “Christian”, na may mga kasong alarms and scandal, disobedience at paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002.…
Read MoreDATING MAYOR SA ABRA PATAY SA AMBUSH
PATAY sa pamamaril ang dating alkalde ng Lagayan, Abra habang nakaupo sa harap ng kanilang bahay nitong Martes ng umaga sa Bangued, Abra. Kinilala ang biktimang si Jendricks Luna, 54-anyos, anak ni dating congresswoman Cecilia Luna, na tumakbong Sangguniang Panlalawigan nitong nagdaang halalan ngunit hindi pinalad. Ayon sa ulat na nakarating sa Kampo Crame, habang nakaupo ang biktima dakong alas-8:22 ng umaga sa harapan ng kanilang bahay ay bigla na lamang itong pinagbabaril ng apat ng mga suspek. Matapos ang pamamaril, kaagad na tumakas ang mga suspek sakay ng dalawang…
Read MoreSUSPEK SA CARNAPPING SA PASIG, TIKLO SA RIZAL
ARESTADO ang isang company driver na suspek sa carnapping, sa isinagawang operasyon ng Cainta Municipal Police Station Warrant Tracker Team, bilang lead unit, katuwang ang Provincial Highway Patrol Team-Rizal, sa Taytay, Rizal noong Hunyo 2, 2025. Kinilala ni PCol. Felipe Maraggun ang suspek na si alyas “Mario”, 53, residente ng Brgy. San Juan ng nasabing bayan, itinuturing na most wanted person ng Rizal PNP. Ayon kay Maraggun, inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong paglabag sa R.A. No. 6539 o Anti-Carnapping Act, na may inirekomendang…
Read MoreBATAAN FISHERMEN NAGSUKO NG P1.5-B HALAGA NG SHABU
HAWAK na ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency ang 222.655 kilo ng umano’y shabu na nadiskubre ng sampung mangingisda na palutang-lutang sa dagat sa kanlurang bahagi ng Masinloc sa Bataan. Nabatid na nakuha ng mga mangingisda ang sampung sako ng shabu na unang iniulat na siyam na sako, bandang alas-5:30 ng hapon noong Huwebes, Mayo 29, 2025, at agad nilang ibigay-alam sa Philippine Coast Guard, pagdaong nila sa aplaya bandang alas-4:05 ng hapon noong Lunes, Hunyo 2, matapos ang kanilang pangingisda. Tinatayang may street value na aabot sa P1.5 bilyon…
Read MorePANUKALANG PAGDEDEKLARA NG STATE OF IMMINENT DISASTER SUPORTADO NG NDRRMC
KINATIGAN ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ang isinusulong na panukalang batas hinggil sa peligrong dulot ng mga kalamidad gaya ng bagyo, baha at mga landslide. Ito ang dahilan kaya nanawagan sa mga mambabatas ang operating arm ng NDRRMC na Office of Civil Defense (OCD) na agarang isabatas ang Senate Bill 2999, na layong pahintulutan ang pagdeklara ng “state of imminent disaster” bago pa man tumama ang sakuna sa bansa. Nabatid na lubhang lantad ang Pilipinas sa mga kalamidad kada taon kaya may kinakaharap itong humigit sa 20…
Read MoreMGA BAKLAS PLAKA NADISKUBRE SA JUNK SHOP SA TONDO
DALAWANG kabataan ang dinampot ng mga awtoridad habang isa ang kinasuhan ng anti-fencing law dahil sa nadiskubreng ‘baklas-plaka’ sa isang junk shop sa Tondo, Maynila nitong Lunes ng madaling araw. Hindi na pinangalanan ang dalawa dahil kapwa menor-de-edad ang mga ito habang ang isang alyas ‘Arlou’, 31-anyos, binata, stay in sa nabanggit na junk shop, ang kinasuhan dahil sa paglabag sa Presidential Decree 1612, o ang anti-fencing law. Batay sa ulat ni Chief Master Sergeant Gener De Guzman kay Lieutenant Merbarjin Alihuddin, hepe ng Tayuman Police Community Precinct na sakop…
Read MoreItinuturing na National Public Health Emergency KASO NG HIV SA PHL TUMAAS NG 500% – DOH
IMINUNGKAHI ng Department of Health (DOH) na maging National Public Health Emergency ang problema sa HIV o human immunodeficiency virus sa bansa. Bunsod ito ng pagsirit ng kaso ng HIV na tumaas ng 500% at ang Pilipinas ang may pinakamataas na bilang ng bagong kaso ng sakit sa Western Pacific Region. Sa datos ng DOH, nasa 57 na ang kumpirmadong kaso ng HIV kada araw mula Enero hanggang Marso ngayong taon. Payo ng DOH sa publiko, magpa-HIV test dahil libre ito at confidential. Pinapayo rin nila ang paggamit ng condom,…
Read More