NAKATAYA ang integridad ng demokrasya sa bansa sa patuloy na pagkaka-delay sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte-Carpio at dahil hindi napapanagot ang mga public official sa kanilang mga kasalanan tulad ng paglustay sa kaban ng bayan. Pahayag ito ni Deputy Majority Leader Jude Acidre matapos ipagpaliban ng Senado ang pagbasa sa 7 article of impeachment laban kay VP Duterte sa June 11 mula sa unang itinakda na June 2 o ngayong araw. “Hindi naman ito usapin ng pulitika, hindi ito usapin kung sino ang nasasakdal. Ito ay…
Read MoreAuthor: admin 3
12 TAONG KULONG SA FAKE NEWS PEDDLERS ITINUTULAK
MAKUKULONG ng hanggang labing dalawang (12) taon at multang hanggang dalawang milyong piso ang magiging parusa sa mga nagkakalat ng fake news at mga maling impormasyon sa social media. Ito ang nilalaman ng House Bill (HB) 11506 o Anti-Fake News and Disinformation Act na inihain ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez na naglalayong patawan ng parusa ang mga netizen na nagkakalat ng maling balita at impormasyon. Kinilala ng mambabatas na ang freedom of speech, information and of the press ay ginagarantiyahan sa Section 4, Article III ng 1987…
Read MoreGOCC BUMILI NG SHARE SA PALUGING KUMPANYA?
SINO itong Government Owned and Controlled Corporation (GOCC) na bumili ng share sa kumpanya ng isang makapangyarihang tao sa gobyerno kahit nalugi ito ng P4 bilyon noong 2024? Ang masakit, pera ng mga Pilipino na naghihihirap na magtrabaho para makapaghulog lamang ng kontribusyon 2sa GOCC na ito ang ginamit kaya siguradong madudurog ang “puso” ng mga miyembro nito kapag nalaman nila ito. Tulad ng pagkabasa n’yo, nagdeklara ng P4 billion plus na pagkalugi ang pribadong kumpanya na konektado sa pamilya ng isa sa mataas na lider ng bansa ngayon at…
Read MoreIbigay kahit weekend o holiday PARUSA SA ‘DI SUSUNOD SA 20% STUDENT FARE DISCOUNT – LTFRB
PINAALALAHANAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga pampublikong sasakyan sa parusang maaaring kaharapin sa hindi pagsunod sa diskwento para sa mga estudyante sa ilalim ng Republic Act 11314, o ang Act Institutionalizing the Grant of Student Fare Discount Privileges on Public Transportation and for other Purposes. Ang paalala ay inilabas ng ahensya kaugnay ng nalalapit na muling pagbubukas ng klase. Nakasaad sa RA 11314, ang mga pampasaherong jeepney, bus at iba pang uri ng pampublikong transportasyon ay dapat magkaloob ng 20 percent student discount sa regular…
Read More1 PANG KASABWAT NINA HARRY ROQUE AT CASSANDRA ONG, HULI NG CIDG
“I urge the other 49 co-accused to surrender yourselves to the CIDG and authorities because the Tracker Teams are pursuing you 24/7 and will catch you anytime soon. Isa-isa na kayong natutunton,” Ito ang naging pahayag kahapon ni incoming Philippine National Police chief, Police Major General Nicolas Torre III, matapos madakip ng mga intelligence officer ng PNP Criminal Investigation and Detection Group na kanyang pinamumunuan, ang isa pang sinasabing kasabawat nina Atty. Harry Roque at Cassandra Ong. Ayon kay Torre, nadakip ng kanyang mga tauhan sa Pampanga ang isa pang…
Read MoreSALON NILIMAS NG VAULT CUTTER GANG
CAVITE – Tinatayang mahigit sa P15,000 cash ang tinangay ng hinihinalang isang miyembro ng vault cutter gang, sa pamamagitan ng pagsira sa bubong ng isang salon noong Linggo ng madaling araw. Personal na dumulog sa tanggapan ng Rosario Municipal Police Station (MPS) ang biktimang si “Evelyn” ng Beauty Lavish Salon Corp., na matatagpuan sa Court Plaza, Brgy. Tejeros, Rosario, Cavite. Inilarawan ng biktima ang suspek na isang lalaking nakasuot ng itim na t-shirt, naka-facemask, puting sapatos at tinatayang 5’7″ ang taas. Ayon sa ulat, pumasok ang suspek sa nasabing salon…
Read MoreBANANA BOAT TUMAOB, TURISTA NALUNOD
QUEZON – Nalunod ang isang babaeng turista matapos tumaob ang sinasakyan nitong banana boat sa Brgy. Dinahican, sa bayan ng Infanta sa lalawigan noong Huwebes ng hapon, Mayo 29. Ang biktima ay si Mary Crist, 45, taga Barangay Pag-asa, Binangonan, Rizal. Ayon sa report ng Infanta Police, dakong alas-3:00 ng hapon, umarkila ng banana boat ang grupo ng biktima bilang bahagi ng kanilang bakasyon sa Berna’s Beach Resort sa Infanta. Subalit habang nasa gitna ng karagatan ay biglang hinambalos ng malaking alon ang banana boat na naging sanhi ng pagtaob…
Read MoreDND AT AFP UMALMA SA MAPANIRANG FAKE NARRATIVES NG CHINA
INALMAHAN nina Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro at Armed Forces of the Philippine Chief of Staff General Romeo Brawner ang ipinakakalat na panibagong fake narratives ng China para siraan ang Pilipinas at ang mga pinuno ng bansa na dumalo sa ginanap na Shangri-La Dialogue sa Singapore. Ayon kay Sec. Gibo Teodoro, isa na namang black propaganda ang inihahasik ng China sa pamamagitan ng fake narratives at mga distorted video na kinuha ng mga pseudo journalist na ahente ng China na nagtungo sa Shangri-La Dialogue sa Singapore. Ayon sa AFP, ang…
Read MoreCASHLESS PAYMENT PARA IWAS-PILA SA LRT, MRT KASADO SA HULYO
PAHIHINTULUTAN na ng Department of Transportation (DOTr) ang mga pasahero ng LRT at MRT na magbayad gamit ang debit o credit cards at maging ang mobile wallet platforms gaya ng GCash at PayMaya. Tugon ito ng Department of Transportation sa naging direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr na gawing ‘mas convenient’ ang public transport sa mga pasahero ng LRT at MRT. Nauna rito, ipinag-utos ni Pangulong Marcos sa Cabinet members at ahensiya na kompletuhin ang mga proyekto sa itinakdang panahon at sa inilaang budget para mapigilan ang pagkaantala sa…
Read More